A/N: Play the song "Baby Don't Cry" by EXO.
.
🔶🔷🔶🔷🔶🔷🔶🔷🔶🔷🔶🔷🔶🔷[TIMMY ALLISON POV]
Gising na siya.
Gising na si Troye.
"Tim, wait lang. Hintayin mo naman kami."
"Bilisan niyo kasi. Ang bagal niyo kayang mag lakad."
"Tumatakbo ka kaya." Pasaring ni Lucas pero nginitian ko lang siya.
Wala akong time para makipag asaran sa kanya ngayon. Gising na si Troye at yun lang ang mahalaga sakin ngayon.
Halos takbo at lakad ang ginawa naming apat para makarating kami agad sa kwarto ni Troye.
At nang nasa tapat na kami ng kwarto niya, halos kumalabog na naman ng sobra ang dibdib ko.
"Oh? Ba't di mo pa buksan? May problema ba?" Agad kong nilingon si Reid at binigyan ng malapad na ngiti.
"Wala naman. Medyo kinakabahan lang ako ng konti." Nahihiya kong sabi.
"Sus. Ngayon ka pa talaga kakabahan kung kailan nasa tapat ka na ng pinto at gising na si Troye? Ang gulo mo rin talaga pinsan no? Tabi nga. Ako na mag bubukas."
Agad binuksan ni Lucas ang pinto at bumungad samin sina Tita't Tito na sobrang lapad ng ngiti.
"Troye, may mga bisita ka." Naka ngiting sabi ni Tita.
Agad akong napalingon kay Troye at ganun na lang ang kasiyahan ko ng makita kong gising na nga talaga siya.
"Hey bro. Wazzup? Buti naman at gumising ka na." Bungad agad ni Lucas kay Troye.
Tumawa naman si Troye at nakipag apir kay Lucas.
Halos maiyak ako sa sobrang tuwa ng makita ko ang tawa niyang yan na sobra kong na miss sa loob ng dalawang buwan.
"Buti nga't na gising pa ko eh." Pagbibiro ni Troye saka tinapunan ng tingin si Reid.
"Hey man, pumayat ka ata? Parang kailan lang, medyo malaki pa katawan mo ah?" Aniya Troye saka na tawa.
"Tss. Sa dami ng pwede mong mapansin katawan ko pa talaga." Na tawa naman ang lahat sa biro ni Reid. Doon lang natahimik nang biglang dumapa ang tingin sakin ni Troye.
Halos mahirapan na ko sa paghinga sa sobrang kaba ng kumunot ang noo niya habang naka tingin pa rin sakin.
"Grabe namang tingin yan Troye. Di mo man lang ba babatiin si Timmy?" Bigla akong hinatak ni Lucas palapit kay Troye kaya ganun na lang ang kaba ko.
Napataas ang kaliwang kilay ni Troye habang nakatingin pa rin sakin.
Bakit ba siya ganyan? Naiilang tuloy ako.
"Another girl of yours again' Luc?"
A-ANO DAW?
"Another girl of yours again' Luc?"
"Another girl of yours again' Luc?"
"Another girl of yours again' Luc?"
Halos mag echo pa ulit-ulit sa isip ko yung sinabi ni Troye.
Automatic namang napa bitiw sa pagkaka-hawak sa braso ko si Lucas.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...