A/N: Pansin ko lang kasing humihina po ang comments kaya mag de'demand na naman po ako para sa next chapter.☺ 100 reads. 30 votes. 100 comments for Chapter 65. Thank you. ^__^
By the way, #6 rank na po to sa Humor.😍
➖
▶CONTINUATION..................Kararating pa lang nina Troye, Harvey, Reid, Lucas at Patricia sa lugar na sinabi ni Ivan. Iniwan naman nila si Kathlyn doon sa hotel para may makasama ang may masamang pakiramdam na si Chanelle.
Bigla silang natigilan ng mapansin nila ang mga nagkalat na mga kasama nung Ivan.
"Paano tayo makakapasok sa loob? Mukhang marami-rami sila." Aniya Reid.
"Isa na lang na iisip kong paraan para ma'iligtas natin si Timmy." Biglang sambit ni Patricia dahilan para lingunin siya ng mga kasama.
"Ano?" Seryosong tanong ni Lucas.
"Humingi na tayo ng tulong kay Sovereign' Troye. Alam ko namang kaya natin sila, lalo ka na. Pero Troye, mas mapapadali ang lahat kung hihingi tayo ng tulong kay Sovereign. Wag ka nang mag matigas sa kanya. Isipin mo na lang si Timmy." Seryosong aniya Patricia.
"Tama si Patricia' Troye. We need him." Pag sang-ayon ni Harvey.
Napa-isip naman si Troye. Simula ng gumanda ang relasyon nila ni Timmy, halos nawala na rin ang inis o ano mang nararamdamang hindi pagka komportable ni Troye kay Sovereign. Wala naman sigurong masama kung hihingi nga siya ng tulong sa lolo niya. Yun ang na iisip niya sa mga oras na to.
Tumango si Troye kina Patricia tanda na sumasang-ayon siya sa paghingi ng tulong kay Sovereign.
Napalingon naman si Troye kay Harvey ng tapikin siya nito sa balikat.
"You made the right choice' bro." Aniya Harvey na tinanguan naman ni Troye.
Maya-maya pa..........
Bigla silang naka-rinig ng malakas na pagputok na alam nila na galing sa putok ng baril yun.
Automatic na kumalabog ang dibdib ni Troye sa narinig na pagputok.
"Tangina! Papatayin ko talaga ang Ivan na yan sa oras na saktan niya si Timmy." Nag-igting ang panga ni Troye sa sobrang galit. "Tangna! Tawagan niyo na lang si Sovereign pero susugod na ko. Baka kung ano nang ginawa nila kay Timmy." Aniya Troye at dali-daling tumakbo palapit dun sa mga lalaki.
"Ako na tatawag kay Sovereign. Sundan niyo na si Troye. Susunod rin ako." Aniya Reid sa mga kasama.
Agad namang sumunod sina Patricia, Lucas at Harvey kay Troye.
Naabotan agad nilang tatlo na nakikipag bugbugan na si Troye.
"Hanep talaga tong 'taong to. Sumugod ba ng mag-isa eh ang dami niyan. Tsk." Komento ni Lucas ng makita nilang lahat napapatumba ni Troye ang sino mang haharang sa kanya.
"Ano pa nga ba? Si Troye Walden na apo ni Sovereign yan no. Tara na't sumugod na rin tayo." Aniya Harvey at sumugod na rin silang tatlo.
Bugbog dito. Bugbog doon. Sipa dito. Sipa doon. Lahat ginawa nilang apat para mapatumba ang kalaban.
Hanggang sa napatumba rin nila ang mga nasa 20 katao ata yun.
Hindi na nag sayang pa ng oras sina Troye. Agad silang pumasok sa loob ng malaking warehouse.
Pag bukas na pag bukas pa lang ng pinto, agad nang bumungad kina Troye ang mga nasa 25 katao ata at kasama na dun sina Ivan.
"Tingnan mo nga naman oh. Ang tibay niyo talaga. Napatumba niyo lahat ang mga bata ko sa labas no?!" Nakangising aniya Ivan saka nakipag-titigan kay Troye na sobra na ang pagkuyom ng kanyang kamao. "Oh Walden? Usapan natin isang oras lang diba? Nag tagal ata kayo?" Humalakhak si Ivan at ganun rin naman ang mga tauhan nito.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...