Chapter 4: Invited

14.3K 501 26
                                    

TIMMY ALLISON POV.

"Lucas! Gumising ka na! Male'late na tayo." Walangya! Ako naka bihis na, habang siya na tutulog pa rin.

"Ma una ka na. Sige na." Ina'antok niyang sabi.

Napa iling lang ako.

"Hindi pwede! Si Tito ang mag hahatid satin." Agad siyang napa upo saka nagmadaling ayosin ang sarili.

"Bakit di mo agad sinabi? Anjan na ba siya?"

Natawa ako habang nagmadali siyang pumasok sa cr.

"Ngayon ko lang din nalaman. Tsaka kanina pa kaya kita ginigising. Don't worry, on the way pa lang si Tito. Sige na. Antayin na kita sa baba."

Agad na kong lumabas sa kwarto niya.

Yeah. May sarili siyang kwarto dito sa bahay. Madalas kasi siyang matulog dito. Kaya yung kaisa-isa naming guest room ginawang kwarto na lang para kay Lucas.

"Oh ano? Na gising na ba si Lucas?" Agad tanong ni Mama ng maka baba na ko.

"Opo. Naliligo na po." Agad akong nag tungo sa mesa. Nagugutom na ko kaya di ko na hihintaying makababa si Lucas bago pa ako mag simulang kumain.

"Yang batang yan talaga oh. Kung hindi siguro si Kuya yung mag hahatid sa inyo ngayon baka hanggang ngayon tulog pa yun." Naiiling na sabi ni Mama.

Natawa na lang ako. Naalala ko tuloy kagabi. Pinagalitan ni Mama si Lucas sa harap ni Troye. Kaya ayun, tawang-tawa si Troye. Sanay na si Lucas sa mga pangangaral ni Mama. Simula pa lang ng mga bata kami parang pangalawang Nanay na ni Lucas si Mama.

"Nga pala? Tinanong sakin kanina ng Papa mo bago siya pumasok sa trabaho kung anong course daw kukunin mo pag mag college ka na." Napa hinto ako. Oo nga no? Ano nga bang course ang gusto kong kunin?

Gusto ni Mama at Papa na mag Business Management na lang daw ako. Okey naman siya sakin. Kaso di pa ko sure.

"Ahm Ma? Hanggang ngayon po kasi hindi ko pa alam kung ano ang itetake kong course. Tsaka maaga pa naman po para isipin ko yun."

"Ganun ba? O sige. Basta pag isipan mo ng mabuti yan ha. Mabuti na ang maaga." Tumango na lang ako saka nagpa tuloy ng kumain.

"Wala pa si Daddy?" Napa lingon kami ni Mama kay Lucas na hingal na hingal.

"Nakikita mo naman diba?" Sarcastic kong sabi saka kumain ulit.

"Tita si Tim oh!" Napa tawa na lang ako saka si Mama.

"Sige na. Kumain ka na at baka dumating na si Kuya." Agad siyang na upo sa tabi ko saka halatang kinakabahan.

"Hoy Lucas! Ano na naman ba kasing kalokohan ang nagawa mo at parang takot na takot ka na naman kay Tito?" Na ubo siya bigla kaya binigyan siya ni Mama ng tubig.

"W-wala ah." Liar go to hell. Tss!

"Hay naku Lucas! Tumawag sakin si Kuya at tinanong ko kung bakit ayaw mo na naman mag stay sa inyo." Nanlaki ang mata ni Lucas saka napa tingin kay Mama. "Nasira mo daw yung bagong kotseng bigay niya sayo. Kailan ka ba kasi titigil jan sa pakikipag karera na yan ha?"

Ayan na. Mukhang nag susungit na naman si Mama.

"Kaya ba nakiki sabay ka lang kay Troye kasi wala ka na namang kotse?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Ano sa tingin mo?" Natatawa niyang tanong.

"Hanggang ngayon pala nakiki pag karera ka pa rin? Kala ko ba tumigil ka na dun?"

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon