Chapter 34: Passionately

10.7K 312 86
                                    

A/N: Kamusta ang first day of school? Hahaha! Sorry hindi ako nakapag update kahapon. Nawalan ng load yung wifi namin kaya tiis-tiis muna ako ngayon sa data. Hahaha! Anyway, here's the update. Enjoy😚

.

.

🔹🔸🔹🔸🔹
TIMMY ALLISON POV.

"Ma, alis na po ako."

Sigaw ko habang palabas na ko ng bahay namin.

"Sandali anak."

Napa tigil naman ako at hinintay na makalapit sakin si Mama.

"Bakit po?"

"Here. I prepared this for you. Alam kong di ka na makakapag breakfast dahil anong oras ka nang nagising." Nanibago naman ako sa ngiti ni Mama pero hindi ko yun pinahalata sa kanya at tinanggap na lang yung isang sandwich at tubig na hinanda niya para sakin.

At parang may problema talaga tong si Mama kaya hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na tanongin siya.

"Ma? Okay lang po ba kayo? Parang may something po sa inyo." Syempre, bilang anak, concern ako sa kanya.

"Oo naman anak. Pagod lang ako. Sige na't mukhang kanina pa nag hihintay sayo si Troye sa labas."

Napa ngiti naman ako nung maalala ko na magkikita na rin kami sa wakas ni Troye matapos naming hindi mag kita ng isang araw.

Ngumiti ako kay Mama saka ko siya niyakap saka kiniss sa pisnge..

"Sige po' ma. Mag pahenga muna po kayo. Total naka leave naman po kayo sa work niyo diba?!"

Muli akong nanibago kay Mama ng ngumiti siya pero kitang-kita sa mga mata nito na hindi ito masaya.

Eh? Anyare kaya?

Nakakapanibago talaga si Mama. Hindi naman siya ganito ah? Hindi ganyan yung ngiti niya. Hayss. Baka pagod lang siya sa work niya.

"Sige na. Ingat kayo ha."

Kahit na gugulohan ako sa ikinikilos ni Mama, ngumiti na lang din ako sa kanya saka lumabas na ng bahay.

_

Pagka bukas ko ng gate namin, agad kong nakita si Troye na naka sandal sa kotse niya at may suot pa itong shades.

Kunot noo akong lumapit sa kanya habang siya naman ay napa smirk.

"Good morning." Naka ngiti niyang bati sakin saka bigla niya kong kiniss sa cheeks.

"G-good morning din." Medyo nahiya ako sa ginawa niyang pag kiss sa cheeks ko kaya napayuko ako.

"Ang aga-aga namumula na yang pisnge mo."

Pinalo ko naman siya ng mahina sa braso niya kaya natawa siya.

"Ewan ko sayo--------"

*Kru*Kru*Kru*

Hindi ko na tuloy yung sinasabi ko ng biglang tumunog yung tiyan ko.

Eh? Bakit ngayon pa to tumunog? Nakakahiya.

Napa iwas agad ako ng tingin sa kanya ng panliitan niya ko ng mga mata.

Shezzzz. Mas lalo tuloy siyang gumwapo.

"Hindi ka kumain ng almusal." Komento niya.

"Na late kasi ako ng gising. Pero pinabaunan naman ako ni Mama ng sandwich." Naka ngiti kong sabi.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon