Chapter 22: Party?

12.6K 368 10
                                    

[TIMMY ALLISON POV]

"Good Morning Pinsan." Halos mapatalon na ko sa sobrang gulat.

Paano ba naman, bigla-bigla na lang pumasok sa kwarto ko tong si Lucas.

Hmm? Sabay ata kaming papasok ngayon ah?!

"Isasabay mo ba ako kaya ka andito?" Tanong ko sa kanya habang busy siya sa pang gugulo sa book shelf ko.

"Yap. At alam mo ba?" Halata sa boses niya ang sobrang saya.

"Ano?" Tanong ko habang busy sa pag lilipat ng mga gamit ko sa gagamitin kong bag ngayon. Madumi na kasi yung ginagamit ko dati. Hindi naman gaanong madumi pero para malabhan na rin. Pero teka nga? Bakit ba ako nag papaliwanag? Haha!

"Binilhan ulit ako ni Daddy ng new car." Masaya nyang sabi kaya napa ngiti na rin ako.

I know naman na gustong-gusto niya na talaga ulit magka kotse.

"Wow. That's great." Masaya kong sabi sabay tapik sa balikat niya.

"Tsk. Oo. Great talaga dahil kailan hatid sundo din kita."

Nagulat ako sa una pero napalitan rin ng pagtawa.

"Wow. Ang sweet naman ng pinsan ko. Baka mamaya magpapalakas ka lang sa bestfriend ko ha." Pagbibiro ko na ikina kunot noo niya.

"Sorry pinsan, hindi ko type yang kaibigan mo. Haha!"

"Grabe ka! Tinawag mo kaya siyang idol nung camping natin."

"Hahaha! It just you know. Humanga lang ako sa tapang niya nung araw na yun. Tapos na wala na rin. Hahaha!

Inirapan ko na lang siya saka muli akong humarap sa salamin para makita kung ayos na ba ang hitsyura ko. Tss! Baliw na talaga ako. Maayos naman ang hitsyura ko pero parang mas gusto ko pang mas maayos pa or should I say, gusto kong gumanda. Hmp! Maganda naman daw ako sabi ni Kath. Kaso nga lang, mas maganda daw siya. Baliw rin kasi ang isang yun. Hahaha!

"Nga pala, sabi ni Daddy pag malaman niya daw na hindi kita sinabay o inihatid babawiin niya daw yung kotse ko. Kaya ikaw, simula ngayon, sa akin ka na sasabay. Aw! Kawawa ka na naman, mapapalayo ka na ng tuluyan kay Troye." Pang-aasar niya na ikina tigil ko naman.

"Isa pang lapit at kausap sa kanya, hindi ko na hahayaang makalapit ka pa sa akin."


Bigla na lang nag flashback sa isip ko yung sinabi sakin ni Troye kagabi.

Seryoso kaya siya dun? Nung sinabi niya yun seryosong-seryoso ang mukha niya. Pero ang pinagtataka ko, bakit niya naman sasabihin yun? Hindi kaya?

Omo! Nagseselos kaya siya? Hahaha!

"Hoy! Nakikinig ka ba sakin?" Agad akong bumalik sa katinuan ko ng marinig ko ang bored na boses ni Lucas.

"Oo na. Sasabay na ko sayo palagi. Pero dapat ko munang sabihin yun kay Troye baka mamaya di yun pumayag." Kinikilig kong sabi.

Ewan ko ba. Parang feeling ko nagseselos si Troye kay Harvey. Hahaha!

"Papayag yun. Pabor pa nga sa kanya yun eh." Napa kunot noo ako sa sinabi ni Lucas. Hinintay kong sabihin niyang joke lang yung sinabi niya kaso wala. Wala nang kasunod pa ang sinabi niya. Nag dire-diretsyo na siya palabas ng kwarto ko.

Pero bago pa man siya tuluyang umalis, muli siyang humarap sa akin saka ngumiti.

"You should let him go Tim. Don't wait for a person that wouldn't loved you back." Gusto ko sana siyang sampalin sa sinabi niya dahil sobrang na hurt talaga ako dun pero parang naka dikit na yung mga paa ko at ayaw na nitong gumalaw.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon