A/N: Sorry po kung medyo na tagalan ako sa pag update dito. Peace tayo. Sobrang naging affected kasi ako about dun sa news about sa Concert ni Ari tapos sa nangyayari pa sa bansa natin. Hayyyss! At ito pa! Yung Fpj's Ang Probinsyano. Jusko! Gigil si ako kay Joaquin. Hahaha! Na stress yung bangs ko kay Joaquin. Hahaha! Anyway, mag pray na lang po tayo kay Papa God na sana matapos na ang kagulohan sa ating bansa at sa buong mundo.😇👆🙏
P.S. *sapilitan to kaya gawin niyo. Hahaha!* PAKI VOTE AND COMMENT NAMAN PO OH! Kamsa😚
➖
[THIRD PERSON POV]Lahat ay abala na sa pag hahanda para sa 18th birthday ni Timmy.
Habang nasa isang kwarto naman si Timmy sa loob ng mansyon ng kanyang Lolo't Lola. Sinisimulan na siyang ayusan sapagkat ilang oras na lang at baka mag simula na ang kanyang debut party.
Nasa Angeles Pampanga sila ngayon. Tinutuo talaga kasi ng Lolo't Lola ni Timmy na dito gaganapin ang kanyang kaarawan. Hindi tuloy alam ni Timmy kung nakadalo ba yung mga kaklase niyang naka tanggap ng invation's. Kahapon pa dumating sina Timmy kasama ang Mama't Papa niya pati na rin si Lucas at ang Mommy't Daddy nito.
Sa isip ni Timmy, "Dadating kaya si Troye? Dumating na kaya siya? Ano kayang regalo niya sakin?"
Gulong-gulo na si Timmy lalo pa't nung nakaraang araw lang ay sinabi ni Troye sa kanya na hindi na daw hahayaan ni Troye na masaktan pa muli si Timmy. Pro'protektahan na daw ni Troye si Timmy sa mga fans niya na alam niyang ayaw ng mga nito kay Timmy. Kaya hindi alam ni Timmy kung ano ang sasabihin sa mga oras na yun. Basta sinabi niya lang sa sarili niya na mahal na mahal niya talaga si Troye.
"Ang ganda naman ng anak ko." Mula sa reflection ng salamin, nakita ni Timmy ang kanyang Mama't Papa na sobrang lapad ng mga ngiti habang papalapit sa kanya.
"Ito naman si Mrs. Beckham, hindi ko pa nga naaayos ang hairstyle nitong prinsesa niyo oh."
Natawa sina Timmy sa sinabi nitong si Jonas. Siya ang make up artist and hairstylist ni Timmy."Naku anak. Baka mamaya niyan pag makita ka ni Troye agad na mag paalam samin at hingin ang kamay mo. Naku! Hindi pwede yun ha." Alam ni Timmy na nag bibiro lamang ang Mama niya sa sinabi nito. Ngunit hindi niya mapigilan ang ngumiti at kiligin. Iniisip niya pa lang kasi na siya ang papakasalan ni Troye eh sobrang saya at kilig na ang dulot nito sa kanya.
"Teka nga? Bakit kasal agad? Mag de'debut pa nga lang ako eh." Sa isip ni Timmy saka ngumiti na lang.
____
Hindi nag tagal ay na tapos na ring ayosan si Timmy. Hindi siya maka paniwala sa nakikita ngayon sa harap ng salamin.
"Ako ba talaga to?" Hindi maka paniwala at paulit-ulit na tanong ni Timmy sa kanyang sarili.
"Aw. This gown is very perfect for you. Your stunning Timmy." Naka ngiting sabi ni Ms. Mara. Isa sa mga designer ng Lambert Fashion Company. Hindi kasi nakarating si Ms. Diana dahil masyadong busy daw ito.
"Thank you po." Tanging sagot ni Timmy. Maski rin kasi siya hindi niya ma explain kung bakit parang humahanga siya ngayon sa sarili niya. Ngayon niya lang nakita ang sarili niyang ganito ang ayos. At ngayon niya lang din naramdaman na proud siya sa suot at ayos niya.
Napa lingon sina Timmy ng biglang bumukas ang pinto.
"Wow! What a gorgeous lady." Napa ngiti si Timmy ng makita niya ang kanyang Lola na kitang-kita ang kasiyahan dito.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...