A/N: At dahil nanalo ang One Direction sa Brit Awards😍💞 kahit nasa Hiatus sila👏💪, ginanahan akong mag update. Haha! Pero short update muna. 😂
P.S. Congrats 1D and Legends😘
_
Chapter 5: Healthy Foods & Junkfoods
TIMMY ALLISON POV.Halos mangiyak-ngiyak na ko dito sa canteen tuwing maaalala ko yung project namin sa English.
Bakit kasi camping pa? Ayoko ng mga ganun! Takot ako sa bundok. Tsaka di ako sanay na matutulog lang sa tent.
Napa angat ako ng tingin ng makita kong nilapag ni Troye yung dala-dala niyang tray sa mesa kung saan pinatong ko kanina ang ulo ko.
Kumunot agad ang noo niya saka umupo dun sa pwesto sana ni Kath.
Napa kunot rin akong tumingin sa kanya.
"Oh? Ba't ganyan ka makatingin?" Irita niyang tanong.
"Dito ka kakain?" Taka kong tanong saka tumingin sa paligid.
Gezzz! Ang sama na naman ng tingin sakin ng mga babae lalo na yung grupo ni Patricia tsaka siya.
"Canteen to. Natural lang na dito ako kumain." Walang emosyong sagot niya saka nagsimula ng kumain.
Asan na ba si Kath? Kanina pa kami dito pero hanggang ngayon wala pa rin siya. Nagugutom na ko.
"Alam kong canteen to. Pero hindi ka naman sumasabay sakin sa pagkain dito diba?" Hindi siya tumingin sakin pero napa taas ang kaliwa niyang kilay.
"Hindi kita sinasabayan. Wala lang talaga akong ma'upoan. And besides, hindi ka pa naman kumakain. Kaya hindi sabay ang tawag dito. Tsaka diba sa library ka kumakain? Naligaw ka ata?" May pagka sarcastic niyang sabi.
"Nakalimotan namin ni Kath na mag dala ng pagkain. Kaya tiis muna kami dito sa canteen." Sabi ko sabay nag pout ulit.
"Tss! Arte kasi." Sabi niya habang abala sa pagkain.
Hmm? Puro healthy foods yung kinakain niya ha. Kaya siguro gwapo siya. Hehe!
"Whatever." Mahina kong sagot.
"Bakit ba di ka pa rin kumakain ha? Baka mamaya sabihin nina Tita di kita pinapakain ha."
"Hindi naman talaga." Mahina kong sagot.
"Huh?" Kunot noo niyang tanong.
Napa tingin ako sa kanya saka ngumiti. Manhid mo!
"Ah wala. Si Kath kasi wala pa rin hanggang ngayon. Kanina pa nga siya pumila pero di pa rin siya bumabalik." Napa lingon naman si Troye sa may counter.
"She's here." Napa lingon na rin ako sa paparating na si Kath at mukhang badtrip na badtrip.
"Oh? Ba't ganyan mukha mo?" Tanong ko agad.
Nilapag niya naman agad yung isang tray na puno ng bff bundle fries, 2 burger, 2 slice of pizza, 2 piatos and 2 C2.
"Paano ba naman? Yung grupo na naman ni Patricia. Singit ng singit. Kahit ang dami na nilang binili singit pa rin sila ng singit. Tss!" Naawa tuloy ako kay Kath. Hinayaan ko kasi siya lang yung bumuli.
"Hayaan mo na sila." Napa nguso na lang si Kath saka tumabi sakin dahil naka upo naman si Troye dun sa pwesto niya sana.
"Nga pala Troye? Sasama ka ba sa camping?" Kumunot na naman ang noo niya saka natawa.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...