Chapter 61: Batangas Escapade [Music Fest]

8.7K 290 64
                                    

A/N: Happy 50k reads 'Ang Boyfriend Kong Manhid' . Wooohh!🎇🎉🎊







➖  ➖  ➖

[TIMMY ALLISON POV]


"Watch me' okay?" Aniya Troye at nag wink pa bago tumakbo papunta sa may dagat dala-dala ang surfboard.

"Marunong ba talagang mag-surfing yang si 'Troye? Baka mamaya pasikat lang pala." Aniya Kathlyn habang natatawa pa.

"Well, he's pro when it comes to surfing." Singit naman ni Chanelle na kararating lang.

"Ngayon ko lang nalaman yun." Nahihiya kong sabi.

"Hindi niya ba nasabi yun sayo?" Takang tanong ni Chanelle.

Umiling ako saka ngumiti. Ngiting pilit.

"Oh. Baka nakalimutan niya lang sabihin." Natatawang aniya Chanelle.

"Siguro nga. Nga pala? Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" Mabilis naman siyang tumango saka ngumiti.

"Mag start na sila. Tara. Lapit pa tayo ng konti." Agad niya kaming hinila ni Kathlyn palapit dun sa mga nagkukumpulang mga tao.

Napansin kong dumami rin ata ang mga tao ngayon dito sa baybayin. Hapon na rin kasi kaya magandang pag masdan ang sunset.

Halos sumigaw naman kami nina Chanelle ng magsimula nang mag surfing sina Troye. Hindi ko maiwasang kabahan at mapakagat sa ibabang labi ko tuwing sasalubongin ni Troye yung malalaking alon at halos mapa palakpak naman ako tuwing nakikisabay na pala siya sa mga alon.

Grabe! Ang galing nga talaga ni Troye.

"Omg girls! Look oh, may abs sila. Omy gosshh!"

"Yeah. Kyaaahhh!"

"Lapitan natin pag umahon."

"Ano ka ba? There oh. They're girlfriends are there."

"And so?"

Halos umabot na ata sa ulap ang pagtaas ng kaliwang kilay ni Kathlyn habang napalingon naman kami ni Chanelle dun sa grupong babae na simula't kanina pa, nakaka-irita na.

"Ano Tim? Sabihin mo lang. Susugorin na ba natin?" Aniya Kathlyn na nakataas parin ang kilay.

"Hayaan mo na' Kathlyn. Sure din naman akong hanggang pantasya lang yang mga yan." Natatawang aniya Chanelle.

"Pero nakakagigil na eh." Aniya Kath at masama na ngayon ang tingin dun sa mga babae.

"Grabe maka'react ah? Kala mo naman boyfriend mo yung isa dun sa mga pinag-uusapan nila." Sabat naman ni Patricia na kararating lang.

Buti pa siya, nakabihis panligo na.

"Pwede ba' Patricia? Wag mo nga akong kausapin. Hmp!"

"Sinong may sabing kinakausap kita. Im talking to myself kaya. Tss!" Mapang-asar na aniya Patricia na ikina-irap naman nitong si Kathlyn.

"Mag swi'swimming ka?" Biglang tanong ni Chanelle kay Patricia na ikina kunot noo naman nito.

"Obvious naman diba? Tss. Bahala na nga kayo jan." Masungit na sabi ni Patricia saka nag tungo na sa dagat.

"Ang sungit talaga ng babaeng yun. Kala mo naman ang ganda-ganda niya. Psh. Oh ano girls? Tara?" Nagtinginan kami ni Chanelle saka takang lumingon kay Kathlyn.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon