Chapter 49: Someone else

8K 291 58
                                    

A/N: Happy 30k reads 'Ang Boyfriend Kong Manhid'.🎉🎇🎊  Keep on reading guys.😘




_


🔶  🔷 🔶  🔷  🔶  🔷  🔶  🔷  🔶  🔷

[TIMMY ALLISON POV]

"Oh ano Tim? Kaya pa ba?"

"Kaya yan. Dalawa na lang oh. Hahaha!"

Agad akong sumimangot kina Kathlyn at Reid. Sila kaya pa nila pero ako pagod na.

"Tara na nga. Nang matapos na to." Natawa silang pareho sa sinabi ko kahit wala namang nakakatawa. Tss. Mga baliw na siguro tong dalawang to.

Hayys. Pinaka ayoko talaga sa araw ng pasokan ang Monday at Friday. Pag Monday nakakatamad pumasok kasi kailangan maaga kang pumasok para sa flag ceremony at andun parin yung weekends hangover. Pag Friday naman, jusko. Ang daming kailangang gawin o mga assignments na ibinigay sa inyo.

Tatlong araw na ang lumipas magbuhat nang magising si Troye at hindi ako maalala. At hanggang ngayon, sobrang sakit parin at fresh na fresh parin sa akin yung mga binitawan niyang salita. Lalo na yung about kay Chanelle. Tatlong araw ko na rin siyang hindi nakikita or should I say kami. Gustohin man naming makita siya o madalaw siya sa ospital hindi namin magawa. Tinadtad kami ng mga school works kaya na busy talaga kami. Malapit na kasi ang graduation kaya ito, lahat ng mga estudyante nang Stypayhorlikson ay busy. Halos nagpapapirma ang lahat nang kanilang mga clearance. At ganun rin ang ginagawa namin ngayon nina Reid at Kathlyn. Habang inaasikaso naman ni Lucas ang team nila sa basketball. Siya muna kasi ang tumayong captain sa team nila simula nung ma coma si Troye. Inaalam daw ngayon ni Lucas kung sino ang bagong magiging team captain pag grumaduate na kami.


"Ayon sina Sir Jes at Maam Ange' oh. Tara papirma na natin to nang maka-uwi na agad tayo." At gaya nang inaasahan, nag papirma nga kami. Buti at hindi nakipag daldalan samin sina Sir. Baka mamaya tumagal pa kasi kami dito. Kung sa bagay, sobrang busy rin ng mga Teacher's ngayon kaya hindi na nila magawang makipag daldalan sa mga estudyante.

"Finally. Tapos na rin. Tara na sa ospital' Tim?" Agad akong umiling sa sinabi ni Kath.

"Hintayin na muna natin si Lucas para sabay-sabay na tayo."

"Sige. So saan natin siya hihintayin?"

"Sa canteen na lang. Na gugutom na rin kasi ako eh." Sumang-ayon naman silang pareho sa sinabi ko.

Nag tungo kaming dalawa ni Kathlyn sa camteen habang si Reid naman ay pinuntahan muna si Lucas. Kailangan niya raw kasing malaman kung sino ang ipapalit na team captain. Di naman na daw sila mag tatagal. Tss. Dapat lang no. Sobrang miss na miss ko na kaya si Troye. Gusto ko na siyang makita. Oo alam kong hindi niya ko maalala pero gusto ko pa rin siyang makita. Girlfriend niya ko kaya dapat lang na puntahan ko pa rin siya.

Nakarating kami sa canteen at halos manghina na talaga ako sa sobrang gutom nang makita kong sobrang dami ngayon ng mga estudyante na kumakain. Ine'expect kong konti lang ang magiging tao ngayon dito sa canteen dahil karamihan ay busy sa mga dapat gawin. Pero sa nakikita ko ngayon, mukhang wala nang bakanteng mesa.

"Bumili na lang tayo ng pagkain' Tim. Tapos sa quadrangle na lang natin kainin." Suggest ni Kath pero agad akong na iling.

"Mapapalayo pa tayo kung sa quadrangle pa tayo kakain."

"Eh? Paano yan? Wala na atang bakanteng mesa oh?!"

Muli kaming napalibot nang tingin sa buong canteen na sobrang tahimik ata? Ewan ko ba. Dati sobrang ingay naman ng mga estudyante pag nasa canteen, pero sa nakikita ko ngayon, parang nasa simbahan ako sa sobrang tahimik. Siguro mga pagod na rin ata ang lahat kaya wala nang mga lakas para gumawa pa ng ingay.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon