A/N: Play the music Moments by: One Direction.❤ Bagay kasi siya sa chapter na to.😉😊
_
Chapter 16: Camping (Part 3)
TIMMY ALLISON POV."10:45....................."
Napa tampal na lang ako sa noo ko.
10:45 pm na kaya dapat natutulog narin ako katulad ng iba.
Pinikit ko muli ang mga mata ko baka sa oras na to ay maka tulog nako pero wala talaga eh.
Naka simangot akong bumangon saka sinuot yung hoodie ko.
Bakit bigla akong nakaramdam ng gutom? Marami naman nakain ko kanina ah.
Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng tent namin ni Kath.
Pagka labas na pagka labas ko palang parang sinampal ako ng isang napaka lamig na kamay.
"Woooaahh! Lamig."
Nilibot ko ang tingin sa buong area at agad tumayo ang mga balahibo ko.
Eh? Nakalimotan kong madilim pala ang ibang area ng campsite.
At dahil natatakot ako baka mamaya may bigla na lang lumabas o mag pakita sa kung saan, nag disesyon akong pumasok muli sa tent.
Kaso bigla na lang akong na'ihi. Kaya dali-dali akong nag pumunta ng girl rest room.
Pag labas na pag labas ko pa lang sa cubicle may mga creepy sound na agad akong narinig kaya dali-dali akong nag hugas ng kamay saka lumabas ng girl rest room.
Halos makaramdam na naman ako ng sobrang lamig dahil sa hangin na dinagdagan ng mga huni ng ibon.
Napa hinto ako ng may maaninag ako.
O_____O
T-teka? M-may..............s-sumusunod ba sakin?
Gusto ko sanang lumingon para ma siguro na imahinasyon ko lang ang mga naiisip kong nakakatakot.
At dahil ako si Timmy Allison Beckham, agad akong nag madaling mag lakad patungo sa tent namin ni Kath.
Papasok na sana ako sa tent namin ng may bigla na lang tumakip sa bibig ko.
Agad akong napapikit sa sobrang kaba at takot.
Oh no! Sana hindi kapre o manananggal to. Wag rin sanang aswang o white lady. Mas lalong wag naman sanang zombie. Huhuhu! Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang ikasal kay Troye.
O_______O
Agad akong napamulat dun sa huli kong sinabi sa isip ko.
Nasa ganitong sitwasyon na nga ako pero na isip ko pa rin yun? Grabe! Yung puso ko Team Troye na nga, pati ba naman isip ko? Naman oh! Baka mamaya------------TEKA?
O_________O
May kapre bang maliit ang kamay? May zombie bang mabango ang kamay?
Dali-dali kong nilingon kung sino man tong mapangahas na tinakot ako ng husto.
O_______o
Halos tumalon na yung puso ko ng mapagtanto ko kung sino man ang nagmamay'ari nung kamay na yun.
Ang seryoso niyang mga mata. Ang kissable lips niya. Ang matangos niyang ilong. Ang makinis niyang mukha.
Hayyyy! Malayong-malayo sa hitsyura ng kapre o zombie.
"Bakit di ka pa na tutulog? Tsaka bawal ng lumabas sa tent sa ganitong oras." Tss! Mahina niya lang tanong yun pero halata parin ang pagka bossy sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]
Romance(RATED MEDYO SPG) "KUNG MAHIRAP MAGKA-GUSTO SA TAONG PAASA, MAS MAHIRAP NAMANG MAGKA-GUSTO SA TAONG MANHID NO!" - Timmy Allison Beckham [HIGHEST RANK: #27 in Teen Fiction on 7/15/17] [HIGHEST RANK: #4 in Humor on 8/11/17] Date Started: Feb. 17, 2017...