Chapter 52: Feelings

7.7K 286 132
                                    

A/N: Nakalimutan ko palang ilagay kahapon. Again and again, 50 reads, 20 votes and 50 comments for Chapter 53. Lagi na pong ganyan. Kaya masanay na kayo.😉












[TROYE POV]

Ano at sino ba ang nakalimutan ko? Ano bang hindi ko maalala? Nakaka bwisit na.

Tuwing gabi pag matutulog na ko hindi ko alam kung bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Para bang may nakalimutan akong gawin na kailangan ko talagang magawa pero hindi ko naman maalala.

"Troye." Agad akong napalingon kay Chan ng tawagin niya ko.

Isa pa to, simula nung nagising ako galing sa pagkaka coma 'kuno' hindi niya na ko tinatawag sa tawagan namin na 'babe'.

"Hey. Okay ka lang ba? Tulala ka ata?" Basang-basa ko sa mga mata niya ang pag-aalala kaya napa ngiti ako.

"Makita lang kita okay na ko." Paglalambing ko. Pero ganun na lang ang inis ko ng mag-iwas siya ng tingin sakin. Bakit ba siya ganito? Simula nung sa ospital, lahat nang paglalambing ko sa kanya parang hindi naman niya na gugustohan. May problema ba siya? O baka naman may problema kami kaso hindi ko lang maalala.

"Ahm Troye? Pwede bang ikaw na lang ang pumunta sa meeting place na sinasabi nina Lucas para pag-usapan yung about sa vacation natin? Kailangan ko kasing samahan si Mommy ngayon sa salon eh."

Feeling ko talaga parang iniiwasan niya ang mga tingin ko. Tuwing titingin ako sa kanya agad siyang nag-iiwas ng tingin sakin.

I shrugged my shoulder.

"Hindi na rin ako pupunta kung hindi ka pupunta." Walang gana kong sabi.

Agad naman siya umiling saka hinawakan ang kamay ko.

I felt something. Bakit ganito? Bakit parang ibang kamay yung hinahanap ng kamay ko na humawak sa kanya?

"Troye, wag ka na mang ganyan oh. Kaibigan mo sina Lucas. Kailangan mong pumunta para alam natin ang plano pag-aalis na tayo. Please. Pumunta ka na. Hindi lang talaga ako pwede ngayon."

"Tss. Fine." Dali-dali akong tumayo saka iniwan siya. Nakakabadtrip lang kasi.

Bakit feeling ko parang ayaw niya lang talaga akong makasama?

Dali-dali akong nag drive papunta sa meeting place na tinext sakin kanina ni Lucas.

Pag dating ko sa lugar, agad kong hinanap sina Lucas at nakita ko rin naman agad sila.

Lalapitan ko na sana sila ng bigla akong napatigil nang dumapo ang tingin ko dun sa babaeng nag ngangalang Timmy.

Yung tawa niya. Para bang minsan ko nang nakita yun. Yung mga mata niyang malungkot. Para bang minsan ko nang natitigan yun.

Agad akong napahawak sa ulo ko ng bigla itong sumakit.

"Troye?" Rinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Troye? Okay ka lang ba?" Agad akong napa angat ng tingin sa kanya.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko ang nag-aalala niyang mukha.

"May masakit ba sayo? Yung ulo mo ba?" Hindi ko magawang sumagot. Nakatitig lang ako sa kanya.

Bakit ganito? Bakit parang ayokong makita siyang nag-aalala? Bakit parang ayoko atang ibalin sa iba ang tingin ko? Bakit parang gusto ng mga mata ko sa kanya lang ako tumitig?

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon