Chapter 51: Graduation Day

7.6K 293 105
                                    

THIS CHAPTER IS DEDICATED TO -euluxuria💞



_

[TIMMY ALLISON POV]



"Congratulations Batch 2016-2017." Sigaw nung emcee na ikinahiyaw naman naming lahat.

Finally. We're graduate.

"Waaaahhh. Graduate na tayo. Parang kailan lang 1st year palang tayo. Hahaha!" Mangiyak-ngiyak na sigaw ni Kath.

"Oo nga eh. Ang bilis talaga lumipas ng araw." Nakangiti ko namang sabi.

Agad nanlaki ang mga mata ko nang bigla akong yakapin nina Reid at Lucas.

"U-uy ano ba. Di ako makahinga." Natatawa kong sabi.

Agad naman silang humiwalay sakin at natawa.

"Akalain mo yun pinsan? Grumaduate ka kahit ang bobo mo sa math. Hahaha!"

"Aray ha. Grabe namang yung bobo' Luc. Mahina lang ako sa Math pero hindi ako bobo no." Nakasimangot kong sabi.

"Ganun parin yun. Hahaha!"

"Ang sama nito." Aniya ko't natawa na lang din.

"Sayang no? Andito rin sana si Troye kasama natin ngayon." Aniya Reid sa kawalan.

Bigla na naman akong na lungkot nang marinig ko ang pangalan ni Troye. Sobrang miss na miss ko na talaga siya. Last week ko pa siya huling nakita. Simula nung mag-usap kami ni Chanelle, hindi ko na ulit nakita si Troye. Sunod-sunod kasi ang practice namin para sa graduation ceremony kaya hindi na namin ulit na dalaw si Troye. Pero nabalitaan naman naming kahapon pa daw siya nakalabas sa ospital. Baka bukas mabisita na rin namin siya sa bahay nila. Alam narin nang lahat ang tungkol sa plano nina Chanelle. Sumang-ayon naman ang karamihan.

"Ano ka ba bro?! Graduate na rin naman siya. Sadyang ayaw niya lang talagang umattend ng graduation natin. Hahaha."

Pinilit kong sumabay sa tawanan nila pero andun parin yung lungkot. Sayang nga talaga. Andito rin sana siya. Sa tabi ko. Kung hindi lang siya nagka amnesia.

Matalino si Troye kaya kahit ilang months siyang hindi nakapasok at hindi na pumasok, pina graduate pa rin siya. Para saan pa't may malaki silang shares sa school na to. Nalaman rin kasi ng mga teacher's namin ang nangyari kaya sila na mismo ang nagsabing gra'graduate si Troye kahit matagal siyang nawala sa klase at hindi na pumasok pa.

"CONGRATS MGA APO." Automatic kaming napalingon sa pinagmulan nang malakas na sigaw. At ganun na lang ang tuwa namin nina Lucas ng makita naming sina Lolo't Lola pala ito, kasama sina Mama't Papa pati na rin sina Tito't Tita (Parents ni Luc) at pati na ang parents nina Kath at Reid.

"Congratulations to the four of you." Maligayang sabi ni Lolo.

"Salamat po." Sabay-sabay naming sabi.

"Oh tara na't mag punta na tayo sa venue." Masayang sabi ng Mommy ni Kathlyn.

"Ano pong venue Mommy? I mean saan at bakit?"

Kumunot ang noo namin ng mag tawanan ang mga nakakatanda.

"Ano ka ba anak? Syempre mag ce'celebrate tayong lahat dahil graduate na kayo. May hinanda kaming maliit na salu-salo para sa ating lahat."

Napa 'Ahh' at tango na lang kami. Pina'una na namin ang mga magulang namin na pumunta sa venue kung saan may maliit na salu-salo kuno. Iniwan naman ni Tito (Papa ni Lucas) ang kotse niya para yun ang masakyan namin papuntang venue.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon