Chapter 39: Halloween Party

10.6K 312 83
                                    

[TIMMY ALLISON POV]

"Hey. Are you sure with that? It's scary you know." Nilingon ko naman si Troye ng kinalabit niya ko.

Kanina pa siya di mapakali simula nung sinabi kong gusto kong sumali sa gaganaping advance Halloween party ng section namin.

Ilang araw na rin ang nag daan matapos yung nangyari sa canteen. Kinausap ako nina Sir Renato about kay Jennelyn. Kung totoo ba daw na siya ang nag simula ng lahat. Sinabi ko naman ang totoong nangyari. Wala akong dinagdag at binawasan sa sinabi ko sa kanila. Kung ano ang totoong nagyari, yun din ang sinabi ko kina Sir Renato. Naniwala naman sila sa sinabi ko. At yun na nga, 1 week suspended si Jennelyn habang yung mga alipores niya ay binigyan lang ng 3 days suspended dahil hindi naman daw gaanong mabigat ang kanilang pagkakasangkot sa gulo. At itong si Patricia naman hindi natuloy yung sinasabi niyang 'Hihiramin' thingy dahil nawalan daw siya ng gana sabihin kung ano mang sasabibin niya. Tss! Papasin talaga yun. Hahaha. Idagdag niyo pa yung pag gising ko na iba na ang suot kong damit. My gosh. Nakakahiya kay ateng nurse. Sila pala ni Kath yung nag bihis sakin. -___-

And it's Saturday today. Mamayang gabi na rin gaganapin ang advance Halloween Party ng section namin.

Andito kami ngayon sa sala namin. Nag movie marathon muna kaming tatlo nina Troye at Kathlyn habang hinihintay sina Lucas. Sabay-sabay na lang kasi kaming pupunta dun sa venue ng party. Hindi ko nga alam kung saan eh. Basta sabi ni Kathlyn nakakatakot daw ang lugar na yun.

"Im just worried about you baby." Agad ko namang sinandal ang ulo ko sa may braso niya.

"Okay lang talaga sakin. Diba sabi nila? Dapat mo raw harapin ang mga kinatatakutan mo para mawala ito? Alam mo naman na siguro na fear ko ang multo or something related in horror diba?" Naramdaman ko naman ang mga daliri niya na inayos ang ilang hibla ng buhok ko na napunta sa mukha ko.

"That's why Im worried. But don't worry, Im always at your side. No need to scared anymore." Naramdaman ko namang hinalikan niya ko sa ulo kaya feeling ko tuloy ang pula-pula na naman ng buo kong mukha.

"Hoy."

Agad akong napabalikwas ng kalabitin ako ni Kathlyn sa tagiliran ko. Na gulat ako sa ginawa niya. Kanina pa kasi siya tutok na tutok sa pinapanood namin kaya tahimik lang siya simula pa kanina.

"Bakit?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Sure ka talagang sasali tayo dun? You know? Pwede pa naman tayong mag back out." Agad akong nailing sa sinabi ni Kath.

"Sure na ko. Tsaka sayang yung contribution natin kung mag ba'back out tayo diba?"

"Kung sa bagay. Yiee. Im so excited half scared at the same time. Hahaha."

Natawa naman ako sa sinabi niya dahil parehas lang pala kami ng nararamdaman. Excited ako pero kinakabahan din at the same time.






__

Kinagabihan, agad na kaming nag bihis ng pang Halloween. Hindi naman siya costume pero naka all in black kaming lima. Naka denim sina Troye at naka jeans naman kaming dalawa ni Kathlyn. Naka black sando si Troye kaya kitang-kita yung mga muscles niya sa braso at pati na rin sa kanyang dibdib. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mapatitig kay Troye. Ang lakas ng dating niya sa suot niya kahit napaka simple lang naman ng mga to. Lumingon naman ako kay Lucas at Reid na ang lakas din ng dating nila sa suot nila. Naka black hoodie si Reid at naka black T-shirt naman tong si Lucas. Malaking T-shirt na mukhang umabot ata sa tuhod niya or sa may pwetan niya. Ewan ko jan. Hahaha.

At kami naman ni Kathlyn? Naka plain black V-neck shirt lang kami. Pinasuot naman ako ni Troye ng black jacket niya. Baka daw kasi mamaya lamigin pa ko dun.

Ang Boyfriend Kong Manhid [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon