CHAPTER77

287 7 8
                                    

Maghapong di Bumalik sa Opisina si Daver . Panay Bisita pako dahil baka hindi ko lang sya napansin na Bumalik kanina pero wala padin Talaga.
Lahat tuloy ng Trabaho na Kailangan ng araw na yon, Ako ang gumawa.
Nangangapa pako halos sa Mga inatas sakin pero kahit papano,nakukuha ko naman kung pano ang mga dapat Gawin.


Umabot ng Alas Otso ng Gabi na di ko padin Natatapos ang Lahat. kung di pa Umikot ang Gwardya sa Building, Diko malalalaman na nag uwian na pala ang Iba. Kakaonti na lamang kaming andun natitira.
Muli akong tumingin sa Orasan 8:30pm na.
Ni di man lang ako nakapagTanghalian at Hapunan kanina.



San ba kasi Nagpunta yung Ceo na yun? Kainis.


Nilakad ko ang Hallway papunta sa elevator at akmang sasakay na sana nang makita ko si Daver.
Pikit ang mata. Halatang Lasing at Akay-Akay ng Lalaking ngayon ko lamang nakilala.
Nabalik lamang ako sa Wisyo nang Mag-Umpisa na syang Magsalita.



" Hi Miss. I Just want to know if you know where Ms. Deleon's office is? "



" Good evening. A-Ako po yun . " 



Napansin ko ang Gulat at pagkamangha sa Mata nya tsaka Ngumiti.




" Ikaw pala yun. " aniya.



" Ang ano po? Halika po . Baka nangangalay na kayo sa Buhat nyo. " Wika ko na Inginuso si Daver .



" Sinabi mo pa. Napakapasaway neto . Yung Restaurant ko ginagawang Bar.  Kung di ko nga lang to matalik na Kaibigan, Pinaban ko na to don eh. " Tatawa-Tawang sagot nya kaya Ngumiti ako.


Habang naglalakad kami pabalik sa lamesa ko, Nagpakilala na sya sakin at Panay ang Kwento tungkol sa Kaibigan nya.
Umaga palang daw nandun na si Daver nag-Iinom sa Restaurant nya.
Ibig sabihin, pagkaalis nya nung nag-Usap kami kanina, Dumiretso na sya dun agad.
Tinatanong nya daw kung anong problema pero di naman daw nasagot sakanya kaya Hinayaan nya nalang mag-Isa.


" Napakakulit na neto kanina. Panay Sabi na dalhin sya sa girlfriend nya. Tinatanong ko kung sino si Raven Deleon daw. Sekretarya nya. Kaya eto andito kami ngayon sa harap mo. "  Pagkekwento nya Chaka sumulyap sa Kaibigan na Mahimbing ang Tulog.
" Anyway. Is it okay That I'll leave him to you? Nadala ko kasi susi sa Resto ko. Anong oras nadin eh. Inaantay ako dun para makapagsara na. "


" Sige sir. Anong Oras ka po babalik? "



Saglit lang naman siguro sya. Aantayin ko nalang sya hanggang sa makabalik sya dito kay Daver.
Iinom Inom kasi, di pala kaya . tsk.



" Hindi nako makakabalik Rav eh. " 


Napamaang Labi ako.



" I-Ibig sabihin, A-Ako napo Mag-Uuwi sakanya sa bahay nya? " di makapaniwalang tanong ko. Tumango agad sya Bilang Tugon.
" P-Pero kailangan ko na din kasi Umuwi . May Nag-Aantay sak--- "




" Una nako Rav ha? Nagtetext na mga Staff ko. Bye!! Thankyou . " Pagputol nya sakin chaka daliDaling Tumayo papunta sa Pinto.


Nakatitig ako sakanya habang palabas sya.
Di ako makapaniwala .. Muli syang Lumingon sakin



" Ingatan mo kaibigan ko Rav . Sana maging Okay na muli kayo. " Saad nya chaka Kumindat sakin. Inantay kopa sya makaalis talaga bago nagpakawala ng napakabigat na Buntong Hininga.



Pano nako neto ngayon? Itetext ko na lang siguro si Renz. Magpapatulong ako.
Kinuha ko agad sa Bag ang Cellphone ko chaka nagsimulang Idial ang Number ni Renz nang Biglang May umagaw nun sa Kamay ko.
Pagtingin ko, Si Daver. Inend agad ang tawag chaka Binulsa ..




" Anong Ginagawa mo? " Kunot noong tanong ko.




Mapungay ang mata nya pero kitang Kita ko ang Paninilim ng pagtingin nya sakin.




" Why are you calling him? "



" Magpapatulong ako para maiuwi kita sainyo. Di kita kaya mag-isa eh-- "



" tapos pagkahatid mo sakin, San ka na pupunta? "


" Uuwi na-- "


" Saan? "


" Sa Condo namin-- "



" with him?-- "


" Malamang. Kasama ko naman talaga sya sa bahay eh-- "



" Tss. " Pagputol nya chaka Tumalikod sakin.


Kitang kita ko na kaya nya naman maglakad mag-Isa. Ano ung Kanina, Arte lang? Pinagloloko nila kong Magkaibigan ganun?


Tumayo ako sa Table ko chaka Binitbit ang Bag ko.



" Uuwi nako. Kaya mo naman pala-- "




" No. " Aniya na madalian akong nalapitan.



" Anung no? Ano pang Kailangan mo sakin-- "



" I need you. Just give this night to me baby. I want to be with you even for a Moment. Please. " Malambing na wika nya Chaka Dahandahan akong Hinalikan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon