CHAPTER28

142 3 0
                                    




RENZ MATTHEW's POV❤️





Pagtapos ng Paghaharap namin ni Daver, Di nako mapakali dito sa loob ng sala. Paikot-Ikot ako nag-Iisip kung anong dapat gawin.
Sa Totoo lang , Ayoko na silang mag-Usap lalo na't nasaktan nya si Raven. Ang babaeng Minamahal ko pero pagmamay-ari naman ng iba hayyy..




Patuloy-Tuloy lang ako sa paglakad paikot-ikot hanggang pumasok sa ideya ko na puntahin silang dalawa at pigilan sa Pag-Uusap nila.
Alam ko naman kasing Sariwa pa lahat kay Raven. Kahapon lang yun eh.
Hindi man pinapakita ni Raven ang Sakit na nararamdaman nya ngayon, Alam ko sa loob Loob nya masakit padin yon.





sa pagkakakilala ko sakanya, madamdaming tao si Raven.
kahit onting bagay lang yun basta nasaktan mo damdamin nya, Mabilis na syang magtatampo sayo.
Di naman sya nagkikimkim ng sama ng Loob ng sobrang tagal. Nawawala din agad basta may mabuting bagay na gawin o sabihin kalang sakanya.
tulad nung Birthday nya. Akala nya di namin naalala pero ang totoo nun, Ilang linggo na namin pinag-Iisipan kung pano sya susurpresahin.
Sayang nga lang at May Emergency nun sa trabaho kaya di ako nakapunta sa Plano na Binuo namin para sakanya.




Siguro nga kung andun ako, Siguro di nya makikilala si Daver ngayon.
Wala naman kasi sa plano yung Dare na yun nila Ria. Kung alam ko lang yun, Tututol talaga agad ako.
Kaya Siguro di rin nila sinabi sakin.




" Tss. nasaktan ako dun. Bigyan mo muna ko ng panahon. Umalis kana--- "  Boses ni Raven na agad namang pinutol ni Daver.




" aalis ako sa isang kondisyon. "



Nasa likod lang ako ng Pinto, Di ko man sila nakikita dahil nasa may gate sila banda, pero alam kong Seryoso si Daver sa paraan ng pagsasalita nya.




" Oh sige. ano yon? "




" Aalis ako . Kung aalis din si Renz dito. " wika ni Daver .




Di nako nagtataka. Unang Pagkikita palang namin, Ramdam na ramdam ko nang ayaw nya sakin.
Ganun din naman ang nararamdan ko. ayaw ko sakanya.
Naiingit ako dahil yung taong Matagal konang hinahangad, Napakadali nya lang Nakamtan💔




" Anong Klaseng Desisyon yan Daver -- "





" Kung ayaw mo sya umalis, Di din ako aalis dito. " Pagputol ni Daver sakanya.



Pagkarinig ko non , napapikit nalang ako chaka napabuntong Hininga.




Lumabas ako sa Likod ng Pinto chaka Diredirechong Lumapit kay na nakatalikod sa Direksyon ko habang si Daver, titig na titig sa Kasintahan. Pero nang Nabaling ang paningin nya sakin, Sumama ang mukha nya na kala mo'y nakakita ng taong kinamumuhian nya.




" Mauuna nako Raven. " Wika ko sabay hawak sa Balikat niya kaya napatingin sya sakin. Maging si Daver na mas lumala ang sama ng pagtingin ng dumapo ang kamay ko sa braso ni Raven.
Hays. Kaya tinanggal kona lang din agad yun .




" Teka, Kumain kana ba? Kumain kana muna bago umalis---- "




" Tss!! samantalang ako kanina pa kausap pero di inaalala kung kumain na. " Pagsabat ni Daver .





Napatingin kami ni Raven sakanya. Pero sya , sakin padin nakakatingin. Masamang paraan ng pagtingin.




" Its okay Raven. sa bahay nako kakain. Ikaw kumain ka agad ha? Wag ka magpapalipas--- "




" She can Handle her self. Di na sya bata-- "



" Daver!!! " Pagsuway sakanya ni Raven.





Palipat-Lipat ang Tingin ko sakanila.
Si Raven na masama ang tingin kay Daver at si Daver na hanggang ngayon, masama padin ang pagtingin sakin.
Bumuntong Hininga nalang muna ko bago nagsalita.




" Una nako. Mag-Ingat kana lang Rave--- "





" tsk. Oo iingatan ko yan."





" Daver ano ba! "





Di nako nagsalita ulit. dire-Direcho nalang akong Lumabas ng Gate . Di nadin gumawang Lumingon pa.
Hindi ko makakausap ng Maayos si Raven habang anjan si Daver. Hays.
Gusto ko man silang Patigilin sa pag-Uusap kaso naisip kong talo ako.
Sino ba ko sa buhay ni Raven?
Kaibigan nya lang naman na nagtangkang manligaw sakanya pero Nabusted.
Habang si Daver, Boyfriend ni Raven na mahal na mahal nya.





Wag lang talaga gagawa si Daver ng bagay na pagsisisihan nya sa Huli , Dahil pag dumating ang panahon na yun,
Gagawin ko ang lahat para di na sila magkita pa uli.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon