RENZ POV..Narito ako ngayon sa Trabaho, Masayang at Inspired na kumikilos. Bakit ? Kasi nakuha konadin ang minimithi kong tao.
Di man kapani-paniwala pero nangyari na ang bagay na alam kong Imposible .. Di ko inaasahan na maari pa pala yun maging Posible.Napatigil ako sa pagpirma chaka Tulalang napangiti. Bumabalik kasi sa isipan ko ang Sagot niya sakin " PWEDE " pwede daw maging Kami.
Pakiramdam ko ngayon, para kong nasa Ulap.
Iniisip kona din ang gagawin pag-uwi, Gusto ko syang Pagsilbihan. Gusto kong makita na matuwa sa saakin.Ano kaya magandang gawin? Siguro Maghahanda ako ng Table at Chairs sa Terrace para saming dalawa. Kandila sa Gitna at Rosas sa Tapat ng Upuan niya. Ako nalang din magluluto ng mga Pagkain namin mamaya--
" Sir? Is it Done? Ma'am Silvia is waiting for this--"
" Sorry. May naiisip lang. "
Pagputol ko sakanya chaka Muling Bumalik sa pagpirma sa mga Papel na Nasq lamesa ko.
Natigil lang ako bigla ng mawalan ng tinta ang favorite Signpen ko.
Kunot noo ko tong tinignan chaka Inalog alog.Kung kelan onti nalang e , chaka pa nawala.
" Is there a Problem sir? * Anya ng sekretarya ni ma'am Silvia kaya Ngumiti ako sakanya.
" Ah oo, Wala na palang tinta tong signpen ko. Wait kukuha ako-- wala na pala. " Wika ko nang makitang Ubos na ang Signpen na nasa Drawer ko.
Favorite Signpen ko talaga yun . Di ako nagamit ng Ibang pen pag wala yun. Tawagin nyo na akong Maarte pero Yun lang talaga ang gagamitin ko. May mahalagang alaala kasi ako sa mga ballpen na yon.
FLASHBACK ..
HIGHSCHOOL DAYS..
" Ano bang Bibilhin natin dito ? " Iritadong sabat ni Ria. Nasa Mall kami para maglibotlibot. Kaso nagyaya si Raven na pumasok ng National Book store at may kailangan daw syang Bilhin.
" Naghahanap kasi ako ng Ballpen. " sagot ni Raven habang nililibot ang paningin sa Paligid.
Nagkatinginan kami ni Ria chaka napahalakhak ng Tawa. Kunot noo namang tumingin si Raven samin.
" Bakit? " Inosenteng Tanong niya.
" Ballpen Raven?? Ballpen lang? madami ako sa bag! Kala ko naman kung ano na! marami ako dito wag ka nang Bumili pa-- "
" Ayoko. "
Napatigil si Ria sa pagtawa chaka tumingin kay Raven.
" Ngek! bakit? "
" Lagi kasi ako nawawalan ng Ballpen eh. Gusto ko sana yung Unique. Yung ako lang ang meron kung hindi naman, Basta Bihira ganun. "
" Baka mahal yun Raven? " Sabat ko.
" Okay lang. may Ipon pa naman ako eh. Kuha kadin para parehas tayo? " Suhestyon nya.
Binigyan naman kami ni Ria nang Nanunuksong tingin. Nahalata ata yun ni Raven kaya Pinaliwanag samin.
" Gusto kolang parepareho tayo na meron non, Diba ang Unique kung sa School tayo lang ang may ganun? pag nawala, Malalaman agad nila na atin yun. hahahaha. "
Napakamot ako sa Ulo chaka nagsalita.
" pano nila un malalaman na atin kung wala naman pangalan natin dun, wala din-- "
" Ayun nga eh. kaya papacustomize tayo. Sa katawan ng Ballpen, Nakalagay pangalan natin.. Para pag nawala, alam nilang atin diba? " Tatawa tawang paliwanag niya.
" Ang dami mo namang alam Raven! gagastos kapa ng mahal eh. bumili ka nalang ng Isang dosena na simpleng ballpen tas pag nawala edi palitan mo ulit! Kesa Bibili ka isang piraso tas pag nawala ano, Hahalughugin mo buong school para lang makita yun? Kung bibili ka naman ulit gagastos ka ulit ng mahal? Edi sa Murang isang Dosena na ballpen kana lang!" si Ria.
May Point siya.
" Ayoko Ria. Ayoko ng Papalit-Palit. Pag akin na, Gusto ko akin lang talaga. Chaka Syempre Iingatan ko naman yun diko hahayaan na mawala eh. "
" Yieeee swerte naman ng magiging Boyfriend ni Raven. MalaBallpen. " Kantyaw ni Ria habang sa Gilid ng mata, Sakin nakatingin.
" Malabo siguro yun. wala sa plano ko ang magkaboyfriend " Aniya kaya napatingin kami sakanya.
" B-Bakit? " Tanong ko.
Ibig sabihin Wala pala talaga akong Pag-Asa.
Nakatingin ako kay Raven ganun din sya sakin .. si Ria naman papalitpalit ng tingin samin. Inaantay ang magiging Pag-Uusap namin.
" Kuntento na kasi ako sa meron ako ngayon. Sayo Renz, Sainyo ni Ria at Mica. Kung Magkakaboyfriend man ako, Kung papalarin Syempre Sana katulad mo. "
" Katulad nya lang? " Sabat ni Ria kaya napatingin kami sakanya.
" Kung itakda ng Tadhana , malay mo Maging kami sa Huli. Wag lang tayong magmadali. " Nakangiting wika niya chaka Hinatak si Ria sa Kung saan.
Tulala akong Naiwan sa Kinalalagyan ko. Dinaig kopa babae at alam kong Kinikilig ako.
Kung Magkakaboyfriend man ako, Sana Katulad mo...
Kung itakda ng tadhana, malay mo maging kami sa Huli...END OF FLASHBACK..
Yan ang mga bagay na Hanggang ngayon, Pinanghahawakan ko. At sa ngayon, nagkatototoo. Nang araw na yon, nagpacustomized kami ni Raven ng Ballpen.
Diko nun sinasabi sakanya na Nagpapagawa ako lagi ng Dosedosena para saakin.
ang araw na yun ay hinding hindi ko makakalimutan. yun kasi ang araw na mas lalo nya kong binigyan ng pag-Asa na antayin siya. Gano man katagal, Wala nakong pakialam." Anong oras ba to kinakailangan? " dugtong ko chaka bumaling sa Orasan ko. 8:40 am na.
" After Lunch sir. "
" Okay. Bibili muna ko . Balik din ako . " saad ko chaka tinakbo palabas ang opisina ko.
Pagdating sa mall, mabilisang lakad ang ginagawa ko.. Napatigil lang yun nang Mahagip ng mata ko ang pamilyar na tao.
nag-Uusap sa Loob ng isang Boutique.
Kinusot ko muli ang mata ko. Nagbabakasakali na Nagkamali lang pero hindi. Silang dalawa talaga. si Daver at Raven..Ibig sabihin alam na ni Daver ang Lokasyon namin? Alam din ni Raven na andito si Daver at nagkikita sila?
Wala rin palang silbi ang Paglayo ko sakanya sa Pilipinas. Walang-Wala. Mismong Kislap sa mata nila, Di ko man lang Naialis. Ramdam na ramdam ko na may nararamdaman parin sila sa isa't isa.Para kong Pinana sa Puso nang Makita ang Paraan ng pagngiti nila sa Isa't-Isa. Animoy sobrang saya nang magkasama. saya na kahit kailan, alam kong di ko kayang Maibigay sakanya..
Saya na tanging Daver nga lang talaga ang makakapgpunan... Sa mga Oras nato, Pakiramdam ko talo nanaman ako.