CHAPTER54

164 2 0
                                    



RAVEN's POV



Namulat ako sa isang Puting kwarto. Nilibot ko ang mata ko, nakasuot ako ng Hospital Gown,
May Balot nadin ang sugat sa pulsuhan ko.
Hinawakan  ko yun at Biglang naalala ang nangyari kaya nagkaron ako nun.

FLASHBACK‼️

Pinakain ni Manang ng Breakfast Ang gwardya sa Labas. Sinabihan nya din Muna to na sya ang magbabantay muna sa Gate ng bahay.
Nang magsimula nang Kumain Ang Gwardya, agad akong Hinila ni Manang mula sa Likod ng Sofa.Dun kasi ako nagtago nang Kamuntikan na kaming Mabuking ng Gwardyang yun.
Pagdating sa Labas, Binitawan nako ni Manang at Emosyonal Tumitig sakin.



" S-Salamat Manang. Maraming salamat talaga. " Naluluhang Saad ko.



" Wala ito. eto ang tamang gawin na dapat noon kopa ginawa iha. Patawarin mo ako---"



" Wala po yun Di naman ako nagalit o nagtanim ng sama ng Loob sainyo manaong. Pano po kayo nyan pag nalaman ng amo mo? " Pagputol ko sakanya Dahilan para iiwas nya ang tingin sakin.




" Kung ano man mangyari sakin, Okay lang. Matanda naman na ako anak. Ikaw bata kapa, marami kapang Magagawa Sa Buhay mo Kaya sige na Umalis kana at Baka mahuli pa tayo--- "



" P-Pero manang  Sumama ka nalang sakin--- "


" Hindi pwede Ma'am Raven. Parang anak na ang trato ko kay Sir Daver. Ayaw ko naman syang iwanan lalo na at Iiwan mo na sya. " saad niya na Nagpayuko sakin.



MAHAL KO SYA PERO SOBRA NA , SOBRANG-SOBRA NA TALAGA. 


" sige na Iha  Lumakad kana. " Dugtong nya dahilan para umangat ang Tingin ko sakanya .
Ngumiti ako kay manang, Niyakap sya chaka Tumakbong Umalis sa bahay nayun nila.


Nakapambahay lang ang suot ko, ni isang Bag wala akong dala. Tanging Sarili ko lang at ang mga barya na nakuha ko sa Kwarto ang Dala ko ngayon. Pagdating sa labas ng Village nila,
Gusto ko na sana sumakay ng Jeep kaso kulang pala ang mga barya na Hawak ko. Dahilan para ikapanlumo ko.
Habang Naglalakad, Bigla ko napadaan sa isang Telephone Boot(5.00)   Agad kong Binilang ang barya ko, sakto 5pesos nga kaya nakangiti kong Pinasok yun at Nag Isip kung sinong Tatawagan ko.
Si RIA MiCA? baka nasa Trabaho un , Di pa naman nila nadadala Cp nila sa Oras ng Trabaho.
Si RENZ? oo sya nalang! sana nga sagutin nya.
Kabisado ko ang Number ng tatlo maging ang Landline ni Renz sa trabaho kaya di un naging Hadlang para diko sya makausap.




" Hello. Renz Matthew Villoso Speaking--- "


" Renz. " Pagputol ko sakanya.




" Raven? kamusta ? Napatawag ka? "



" A-Ano Renz, pwede bako Humingi ng Pabor? " Saad ko habang palinga-Linga sa Paligid.




" Sure. Spill it. "




" Sunduin mo naman ako dito malapit sa Village nila Daver ngayon na please. "




" May Nangyari bang di maganda Raven? "  alalang tanong nya sakin.



" P-Please. Puntahan mo na muna ko dito .. Chaka ko ipapaliwanag sayo--- "



" Okay. Just wait for me. Wag kang Lumayo jan. Papunta nako. " aniya chaka Binaba agad ang Linya ..


pagkalabas ko sa booth, Umupo nalang Muna ko sa Isang Mahabang Upuan para antayin si Renz. Sabi nya wag lalayo dito, kaya dito lang Muna ko.Hanggang sa may Tumawag sa Pangalan ko dahilan para mawala ang Ngiti sa labi ko.


O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon