CHAPTER51

141 5 0
                                    




RAVEN's POV.


Ilang araw na ang nakakalipas mula nang Mangyari ang pagtatalo namin ni Daver.
Ilang araw nadin akong nakakulong sa Kwartong to. Dinaig ko pa preso.
Maya-Maya din naman ang paghatid ni Manang sakin ng Pagkain . Ika nya, Utos daw ng Boss nya.
Pinapakita ko sakanilang di ako nakain ng pagkain na binibigay nila, Gusto ko kasi sanang bagabagin siya ng Konsensya pero mukang Malabo talaga ..
Nakain naman ako ng Hinahain ni manang pero talagang Kaonti lang. Basta malamanan lang ang tyan ko.


Ilang beses nadin ako nagpupumilit kay manang na tulungan ako pero takot daw sya sa Boss nya na Tanggalin siya.
Naiintindihan ko naman si Manang.
Si Daver nalang ang natatanging pamilya nya.
Pag pinaalis sya dito, Wala na syang matitirhang iba.
Matanda na din si Manang kaya malabo nang makahanap ng Ibang Trabaho.
Kaya kahit Na di nya ko matulungan, Hindi sumasama ang loob ko kay manang. Sa Boss nya lang talaga.


" Iha. Papasok ako ha? May dala akong pagkain mo. " Si manang pero di ako sumagot at yumuko nalang habang nakaupo sa Kama.


" Ma'am Raven ? Bat di mo Kinain to . naku baka magkasakit ka nyan sa pagpapahirap na ginagawa mo sa Sarili mo. " Bungad nya pagpasok sa kwarto.


Inangat ko ang tingin ko sakanya.
Halatang alalang-Alala si Manang sakin pero Ngumisi lako sa sinabi nya.

" Mas Mabuti nanga sigurong magkasakit nalang Manang, Hanggang sa mamatay nalang ako dito--- "


" Ano bang pinagsasabi mong bata ka--- "



" Ngayon palang manang, Hirap na Hirap naman nako. " Wika ko chaka Pumahid ng kaonting Luha sa mata at Pinakita sakanya.
" Kita mopo? Maging Luha ko Naubus na ata. Wala naman ata kong pag-Asa na makalaya. Baka dito nalang talaga ko abutin ng Huling Hininga. " Tatawa-Tawang sagot ko.



Tumitig si manang sakin pagkasabi ko nun kaya ilang segundo lang din ay napatigil ako sa pagtawa ko at Tumikhim.



" Pasensya kana talaga. Wala kong magawa para matulungan ka. Di ako Sang-Ayon sa plano ng Amo ko kaya nga kahit papano, Inaalagaan kita sa paghahatid lagi sayo ng Makakain mo kaso di mo naman Kinakain .  Hinanda kopa naman yan lagi para talaga sayo. " Aniya habang sa dalang pagkain nya kanina sya nakatingin kaya napatingin din ako dun chaka Tumingin sakanya.


" P-Pasensya napo. wala talaga kong Gana sa Sitwasyon ko nato manang. Diko na talaga ata kaya pa--- "



" Ma'am Raven naman--- "



" Okay lang ho ako. Kung maari manang  Iwan nyo napo muna ko. Sanay na kasi akong Nag-Iisa habang tulala. " Nakangiting sagot ko.



Matagal syang Tumitig sakin chaka Bumuntong Hininga.




" Sige mauuna nako. Kainin mo na yan pakiusap ma'am. Alagaan mopo sarili mo. Wag ka sumuko. may awa ang dyos. " Aniya chaka Lumabas ng Kwarto




" naririnig nga ba ng dyos ang mga panalangin ko? May awa nga ba talaga? Ano bang nagawa ko at sakin nya to pinarusa?  " Wika ko sa Isip ko.



Pinunasan ko ang Onting Luha sa mga mata ko. Ngumisi nang maalala ang pagkakakulong ko dito chaka muling Humiga sa Kamang kinauupuan ko.


" Bahala na. " Saad ko hanggang sa makatulog ako.


Nagising ako sa Mahihinang Bulong at Kalabit ng isang Tao sa Likuran ko.
Pagkamulat ko, Tinignan ko kung sino yun. Si Manang?
Tumingin ako sa Orasan, 3am palang kaya Bumangon ako habang Nahikabhikab pa.




" Ma'am Raven Alis napo kayo dito. "  bulong ni Manang dahilan para kumunot ang noo ko chaka napangiti.



" Bakit ho? 3am palang manang. Chaka alam mo namang Preso ako dito ng amo mo--- "


" Kaya nga tutulungan kita makaalis diba?? " Saad nya dahilan para mawala ang antok ko.



" A-Ano ho? "



" Itatakas kita. Halika na--- "


" Teka teka po. " Pigil ko nang Hihilahin nya na sana ko palabas ng Kwarto kaya napatingin sya sakin.


" N-Nasan po si Daver? " Utal na tanong ko habang pasilip silip sa bukas na pinto ng kwarto.



" Kakauwi lang kaninang alas dos. Ayun lasing na Lasing. Swerte naman na nahulog ni Sir ang Susi ng Kwarto mo sa Sofa. hay Wag kana maraming tanong halika na. Gusto mo ba makaalis dito?? "

" O-Opo--- "




" Oh ayun naman pala. Halika na habang nahilik pa ang pasaway kong amo sa Kabilang kwarto. " Aniya chaka dahan dahan na Inalalayan ako makalabas ng Kwarto.




( Mukang may awa nga talaga ang Dyos. Si manang ang ginamit nyang susi para malampasan ko ang pagsubok ko nato.
Salamat po )
wika ko sa isip ko habang nakangiti sa Pagtulong na ginagawa ni manang sa akin.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon