RENZ POV
mula nang Umalis si Raven sa Birthday ni Ria, Di ko na sya Muling Nakausap pa.
Nagtatanong Tanong ako kanila Ria pero sagot lang Nila,
Hayaan nalang Muna namin si Raven kung san siya Masaya.Ngumingiti nalang ako pag nasasabi nila Ria yun twing magkekwentuhan kami.
Naiisip ko kasi na SANA AKO YUNG DAHILAN KUNG BAKIT SIYA MASAYA.
kaso hindi, Kay Daver talaga.Sinasadya ko din talagang Umiwas-Iwas muna sakanya.
Diko kasi maiwasan na mas lalong mahulog sakanya pag nakakasama ko siya. Diko alam, Pero mula nang Una ko siyang Makilala, Wala nakong Ginustong Iba kundi Siya.
Si Raven na pagmamay-Ari naman na ng Iba." Sir? Pinapapirmahan po ni ma'am Sanchez. Need po approval para sa Budget ng On going Project natin. " Wika ng Secretary ko dahilan para mapahinto ako sa pag-Iisip ko.
Kinuha ko agad ang papel , Pinirmahan chaka Binalik sakanya .
" Here. Pag nagkulang pa, Puntahan nyo lang ako. " Nakangiting saad ko.
" Thankyou po sir. " aniya chaka Lumabas ng Opisina.
Hawak-Hawak ang Ballpen na Pinaglalaruan ko habang nakatanaw sa labas ng Building nang Biglang tumunog ang telepeno sa Desk ko.
" Hello. Renz Matthew Villoso Speaking--- "
" Renz. " Boses na alam kona kung kanino. si Raven.
" Raven? kamusta ? Napatawag ka? "
" Ano Renz, pwede bako Humingi ng Pabor? "
" Sure. Spill it. "
" Sunduin mo naman ako dito malapit sa Village nila Daver ngayon na please. " nahahalata sa boses ni Raven ang taranta at kaba kaya napakunot noo ako.
" May Nangyari bang di maganda Raven? "
" P-Please. Puntahan mo na muna ko dito .. Chaka ko ipapaliwanag sayo--- "
" Okay. Just wait for me. Wag kang Lumayo jan. Papunta nako. " Wika ko chaka dalidaling Lumabas ng Opisina.
Parang May Mali sa nangyayari. Iba ang Kutob ko
Sa paraan ng pananalita ni Raven, Halata mo ang takot sa Boses nya.
Sinaktan ba sya ni Daver? Sana mali ang Iniisip ko.
Diko alam magagawa ko pag Tama ang Hinala ko.Ilang minuto ang Lumipas, nakarating agadako sa sinasabing Lugar ni Raven pero wala naman sya dun.
" Siguro Umihi lang o May Binili. Antayin ko nalang. " saad ko sa Sarili ko.
Lumipas ang isa, dalawa, Tatlo hanggang anim na Oras, Walang Raven na Nagpakita sakin.
Nagbago nanaman ba isip nya? Nagkabati na siguro sila kaya umuwi na kanila Daver uli? Hays.
Aalis na sana ko sa Lugar na yon nang marinig ang Usapan ng mga tao.
" Kawawa naman yung Babae ano? baka naman kidnapper yun? kinidnap sya? "
" hindi! ano kaba. Nakikita ko na yan sila noon pa. Nobyo ng babae yung Dumating kanina. "
" Oh eh bat umiiyak yung babae? para syang Tumakas tas nahuli lang Ng lalaki eh. Ang gwapo at ang ganda pa naman ng mga yun-- "
" Hay naku. Wag na tayo makisali . Away ng Magsyota yun eh. Siguro may nagawang mali yung babae halika nanga. "
Biglang dumagundong ang Kaba sa Dibdib ko nang marinig ang mga sinasabi nila.
Si Raven at Daver ba yun?Sumakay agad ako sa Kotse ko at tinahak papasok ang Village nila Daver. Kailangan kong makasigurado.
Alam ko din naman na address ni Daver dahil laging kababanggit samin un ni Raven pag magkakasama kami noon.Pagdating sa Labas ng Gate nila, nagdoorbell agad ako at lalaking gwardya ang Lumabas..
" Good afternoon sir. sino po hanap nyo? "
" Dito nakatira si Daver Lorenz Friego diba? Kasama nya ba si Raven Deleon? Kaibigan nya ko. Pakisabi kailangan ko siyang makita. "
Kinuha agad ng Gwardya ang Cellphone nya at May Tinawagan .
" Sir. May Tao po dito sa Labas hinahanap kapo pati si Ma'am Raven--- "
" Sino daw ho kayo sir? " Wika ng Gwardya sakin." Renz Matthew Villoso. "
" Renz Matthew Villoso daw sir-- Ah sige po. Okay po. " Aniya chaka binulsa ang Cellphone at Tumingin sakin.
" Sir pasensya na. Busy daw po sila. Tawag kana lang daw kapag may gusto kayo sabihin kay ma'am sabi ni sir. "
Ngumiti nalang ako sa Guard chaka Tumalikod.
Mukang Okay naman na sila---" Ma'am Ravennnnnn! " Sigaw ng isang Matanda sa Loob ng bahay nila Daver kaya agad akong Napaharap dun maging ang Gwardya.
Kinuha ko na din ang pagkakataon na Di nakatingin ang Gwardya sakin, Chaka Mabilis na Pumasok sa Gate nila Daver.Narinig kopa yung Gwardya na Tinatawag ako at Hinahabol pero Di ako tumigil sa Pagtakbo hanggang sa Pagbukas ko ng Pinto,
Tumambad sakin si Raven na nakahiga na sa sahig. Walang Malay at may laslas sa Pulso.
Katabi ang isang Basag na Baso.