DaliDali akong Naglalakad Pauwi, Andito nadin kasi ako Sa Labasan ng Village namin, Palinga-Linga sa Paligid Na Kala mo'y Kriminal na may Iniiwasang mga Pulis.
Napabuntong Hininga ko nang Masuri ko ang Daan.
" Bat bako Matatakot? Wala naman Kaming Ginawang Masama." Wika ko Sarili ko.
Masaya Kong Naglakad uli pero ngayon di nako nalinga-Linga pa nang May
Biglang Humila sa Braso ko." D-Daver." Utal na Wika ko sa kaharap ko ngayon na Masama ang Tingin sakin.
" San ka nagpunta? " Seryosong Tanong nya.
Nasa Gilid kami ng Kalye nag-Uusap.
Pasado Alas Dyis nadin ngayon kaya onti nalang ang mga taong Nagdaan." A-ano, M-May Binili Lang! " Pagsisinungaling ko. Umaasa kong Maniniwala sya lalo nat nakapambahay nako ng suot. Nagpalit kasi ako sa Public CR na nadaanan ko kanina chaka tinago sa bag ang sandals at Dress ko.
" ha! May Binili tas Kanina pang Alas Kwatro kapa Umalis? "
titig na Titig sya sakin, Pakiramdam ko Sinasakal nya ko sa mga Titig nya na yon.
Bumuntong Hininga ko Bago nagsalita. Kailangan ko nang sabihin ang totoo ." I went to Ria's Party-- "
" Tas di ka man lang nagpaalam sakin?" igting ang Panga na Wika nya.
" Pag Nagpaalam bako papayagan moko?"
" ofcourse Not? - - -"
" OH Diba hindi? Kaya ano pang Saysay ng Pagpapaalam ko kung Di ka naman pala papaya-- Aray Daver! " Wika ko nang Hilahin nya nanaman ang Braso ko.
" Ayaw mo magpaalam kasi maraming Lalaki Don! "
Aniya ng Bitawan ako at Humarap sakin." W-What? Malamang Party yon--- "
" Kaya di ka nagpaalam Diba? Sino bang Lalaki mo dun? Yung Daren? Yung RENZ? Christian? Sinoooo!!" Sigaw nya kaya Napatakip ako ng Tenga ko at NapahaGulgol.
Hilahila nya ko sa Braso habang tinatahak ang Daan pauwi sa bahay nya habang ako panay piglas sa Kanya.
" D-Daver ano ba. Masakit na-- "
" Mas masasaktan ka kung magpupumiglas ka. " Aniya nang masamang mapatingin sakin.
Panay lang ang agos ng mga Luha ko habang Naglalakad kami, Buti nalang gabi na at wala nadin masyadong tao.
Merong Iilan na napapansin kami pero di nangengelam samin.Pagdating sa Bahay nya, Sumalubong samin si Manang na Halatang alalang-Alala sakin katabi si Hera na Gulat na Gulat sa pagkakakita sakin.
" Ano pang Ginagawa nyan dito, Bat binalik mopa-- "
" Manahimik ka! wala kang alam! " Sigaw ni Daver dahilan para magulat kaming Lahat.
HatakHatak nya padin ako habang Tinatahak ang Hagdan papunta sa Kwarto nya, May time pa na nasasagi ko ang mga Gamit o Matitigas na bagay dahilan para mapaaray ko lalo sakanya. pero sya? Parang wala man lang nakikita't nararamdaman.
" Ano pabang Kulang sakin at pilit mong Hinahanap sa Iba? Nakita mo lang na Nakakasama kona uli si Hera tas Tinuloy mo na uli panlalalaking ginagawa mo? Di pa ba ko sapat sayo? Ano pabang Kulang? Anooooo! " Sigaw nya sakin ng pabalagbag nya kong Bitawan sa Kama .
" D-Daver. W-Wala naman akong ginawa dun--- "
" Kunsintidor din yang kaibigan mo no? Pinagtatakpan kapa? Nice! " Sarksatikong sagot nya.
" W-Wala silang Kinalaman dito Daver wag mo sila idamay sa Init ng ulo mo please. " kalmadong sagot ko pero sinamaan nya lang ako ng tingin.
" Sino bang Tinatago mo sa Party na yon? Nandun ba Yung Christian mo? Yung Renz mo? Yung Daren? o kung sino sino pa-- "
" Wala kong Iba ano ba! " Pasigaw kong sagot habang di na napigilang umiyak pero ngumisi lang sya sakin.
" Simula ngayon di ka na makakalabas ng kwartong to. "
" H-Hindi yun pwede Daver--- "
" Pwede yun pag ginusto ko! Bakit? Ayaw mo kasi di mo makikita lalaki mo? " Igting pangang Pagputol nya sakin.
" D-Daver n-naman. Bat ba tayo humantong sa ganito? " Naiyak na sagot ko.
" Remember this Baby, You are Mine since we first met! No one else Can own you. Only me. " Striktong saad nya chaka Lumabas at nilock ang kwarto.