CHAPTER5

362 9 0
                                    

Lumipas ang Araw, Linggo at Bwan na di nagpapakita si Lorenz sakin.

Nagsawa na? Hays Sabi na nga ba.

Di rin natuloy ang Paglabas namin noon ni Renz dahil sa Daming Events na naganap sa Mall at diko na nagawang mag Day off pa. Naintindihan nya naman daw yon at Sa susunod nalang daw pag Pwede na. pero Syempre sisiguraduhin Kong mangyayari yon. Gusto kolang Talaga Makabawe sa nangyari noon. Nakakakonsensya kasi.




Last day na din ng Events ngayon sa Mall, Last day ng PAGIGING sobrang Busy namin at Last Day ng Bestfriend Kong si MICA sa Trabaho. Kaya nagkayayaan kami na mag bar non Para makabonding Muna sya bago Umalis.
Endo nya na kasi at Di na sya nag extend pa, Pahinga daw muna sya at babalik nalang pagtapos ng Bakasyon nya.


" lets go Party Partyyyyy! Yeah!" Sigaw ni Mr Cruz habang Nagsasayaw sayaw kaya Tumawa kami at Nagmadaliang Makalabas


Pagdating sa Labas, Kanya Kanya Kaming Grupo na magkakasamang Nag-Uusap nang mapansin ko ang Kahawig ng Kotse ni Lorenz. Kanya ba Yun?


" OH Tara na. Yung Iba commute nalang ah. Kita kits tayo dun Ikaw mica Ria at Especially Raven. sabay kayo sakin." Wika ni Mr Cruz na Ngiting Ngiti sakin.


Pagdating sa Bar,
Umorder na si Mr Cruz ng Mga Iinumin namin ganun din si Ria kaya Kaming Dalawa ni Mica ang Naiwan.


" Sis. Parang Nakita ko kotse ni Lorenz kanina. "
Wika ko.


" Huh? e Diba ilang Bwan nadin naman Yun Di nagpapakita sayo? Baka namalikmata kalang. o baka naman?" Pagbitin ni Mica na Ikinaasar ko.


" Ano nanaman?"


" Baka naman namiss mo kaya kung ano ano Iniimagined mo? yieeehhhh? " panunukso nya.


" Tumigil ka nga. Usap tayo mamaya " wika ko sakanya nang Magdatingan ang mga Katrabaho namin na nag commute.


" Mica, Raven. Asan Sila Ria at Daren? " Tanong ni Lester.
si Daren ay si Mr Cruz, Close nya kasi yon kaya Daren Lang tawag nya kahit mas Mataas pa posisyon non sakanya


" Bumili ng mga Iinumin natin. Upo na kayo dito." Wika ko.



Hanggang sa Dumating Sila Ria dala ang mga Iinumin kaya Nag Kasayahan na agad ang mga kasama ko. Yung Iba't Nagsasayaw Sayaw pa Ako naman nakaupo Lang at Ninanamnam ang Vodka na Inorder nila Ria.
Nilibot Libot ko ang Mata ko ng Mahagip Nito ang Ang Isang Pamilyar na Mukha, Masama ang Tingin sakin. Si LORENZ??
Hinanap ko uli pero wala na sa pwestong nakakitaan ko.

" Namalikmata Lang Siguro ko." WIKA ko sa Sarili ko.



" Are you Okay Raven? Sayaw tayo." Aya ni Mr Cruz pero Tumanggi ako.


" I'm okay here. Di din kasi ako marunong Sumayaw." Wika ko sabay tawa naming dalawa.


Iniinom ko Uli ang Vodka na Nasa baso ko, Inoonti Onti ko ng Inom. Para Lang masabing may magawa ako hehe Ayaw ko kasing Kinakausap ako ni Mr Cruz. di ako Komportable. Tumabi pa naman sya sakin. pero Nagulat ako nang mqgrinng cellphone ko. UNREGISTERED NUMBER???


" hello. who's this---? "

" Nawala Lang ako Saglit. Nanlalaki kana ulit? masaya ba?"



Napabitaw ako sa Baso at Nilibot ang Bar pero diko sya makita. Tama nga ang nakita ko kanina, Sya nga Yun.
Ewan ko pero Pakiramdam ko na Excite ang Puso ko ng marinig ulit sya pero may Halong Takot dahil Alam Kong Galit sya.


" Where are you? "

" Outside." Aniya sabay Baba ko ng Cellphone.


Nagpaalam naman ako sakanila na Punta Lang ng Comfort room kaya Tumango Sila at Bumalik sa Ginagawa nila.


Dalidali akong Lumabas at Hinanap sya Ng Higitin nya ang Bewang ko pa palapit sakanya. Nasa Gilid ko pala sya.



Pag tingin ko sakanya, Madilim ang Awra nya.


" K-Kamusta?" wika ko.


" I'm Fine. Busy with My office papers Then Someone Told me That You and your Workmates, planning to go here and What I had saw Was a Very Ugly Scene. tss. " Malamig na Tonong Sagot nya sakin.


" A-Ah hehe. Sige babalik--"


" Di kana babalik Don." Wika nya kaya na patingin ako sakanya



" Ano ba Sinasabi mo Dyan, Syempre Hindi. Si Mica kasi Last day na sa Trabaho kaya NagBar kami-- "


" Alam Ko yon. di yan ang Tinatanong ko. napakalayo ng Sagot mo. "


Eto nanaman sya sa Pag I interrogate nya sakin-_-



" Wala Kong Gusto dun. Nagpaalam ako sa lahat Hindi lang sakanya-- "


" Pero kasama padin sya-- "


" Hay nako Lorenz! Bahala ka nga Jan Paulit-Ulit ka. Una nak-- "


" sasama ko sa Loob. " Aniya na Hinawakan Pako sa kamay.


Kinalas ko Yun at Nagsalita ulit.

" Bakit? " takang Tanong ko.


" Ayaw mo? Para makatabi mo uli Yung Lalaking yon? "



" Hays hindi sige na halika na. " Wika ko



DI nako nakipagtalo. Hahaba Lang kasi Usapan tss.
Napangiti ako ng Hawakan nya ang kamay ko at Ikulong sa kamay nya.




" Sorry Baby Kung matagal akong Nawala. May emergency Kasing Nangyari sa Kumpanya sa Taiwan. Busy ang Parents ko Kaya Ako Lang ang Maasahan Don. Sorry di ako nakapagpaalam ni Tawag o text Diko nagawa sa Sobrang Pagkabusy ko, Pero Sana Inisip moko sa pagdikit dikit mo sa Lalaking Yon kanina. Tss. Ikaw Iniisip ko lagi tas Yung Iniisip ko palang Tao Nagpapakasaya kasama ng Iba. " Nakabusangot na salaysay nya Pero Tinawanan ko Lang sya at Diniinan ang Hawak sa Kamay nya. Alam nyo naman Pag sumagot Pako, Baka Di na kami Makatuloy sa Loob ng Bar at awayin nya nako agad dito.


Hays. Namiss ko sya, ayun pakiramdam ko. pero Naiinis ako sa Pagkaseloso't Tamang Hinala nya. Nakakainis pero kahit papano ay nakakakilig. ♥️

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon