CHAPTER56

145 5 0
                                    




DAVER's POV





Ilang Linggo, mula nang ipagtabuyan ako ni Raven sa Hospital, Lagi lang akong nasa Bahay ko.
Inom ng Alak, Hithit ng sigarilyo, Tulog. Araw-Araw na ginagawa ko.
Maging si Manang. Di nangingialam sakin, Minsan kasi ay nasigawan ko sya nang subukan nyang Ligpitin ang mga alak at Sigarilyo na nasa mesa ko. Alam kong galit na galit sakin si Raven kaya sinubukan ko din na si Manang Ang Bumisita sakanya sa Hospital kaso Kinagabihan din daw, Umalis na dun si Raven.
Sinubukan kodin na patignan siya sa bahay ng kaibigan nya . Ngunit nanatili akong Bigo  ..
Sa sobrang Desperado kong mahanap sya, Naghire nako ng mga taong maghahanap sakanya.
Gusto ko man na ako ang mismo maghanap, di ko ginawa. Baka kasi mas lalong lumayo si Raven pag nalaman nyang Hinahanap ko siya.





Araw-araw din pa akong Binabagabag ng Konsensya ko. Hindi ko naman kasi alam na Buntis siya. Kung alam ko lang, Diko naman yun hahayaan na gawin nya.
Oo may mali ako pero Ano bang magagawa ko? Kung noon Kayakaya kopa pag nakikita syang may kausap na Lalaki , Ngayon kasi Iba na. Sobrang Linaw ng pangyayari  Kitang-Kita ko ang Paghahalikan nila ng Gagong yun!
Gusto ko man Burahin sa Isipan ko pero diko magawa. Naloko ako noon nang unang  Minahal ko, Ayun nakaya ko pa. Pero Etong Kay Raven na taong Mahal ko ngayon, Hindi kona kinaya. Nilamon nako ng Galit at Selos na nararamdaman ko. at Mas lalong diko kayang Isipin nun na baka iwan nya ko nang dahil lang sa Lalaking yun kaya nagawa ko syang Di palabasin nun sa Bahay ko.  Ngunit dahil sa Nangyari, mas lalo ko lang tinulak si Raven palayo. Hindi lang sya ang nawala, maging ang magiging anak namin. Ang Sariling dugo't laman ko  ...





Nabalik ako sa Wisyo nang Tumunog ang Cellphone ko.






" Hello Sir. . We had traced her, and now she's heading to---"





" Where Is she!? " Pagputol ko sa Sobrang Excitement ko.






" She stayed in Hotel Somewhere in Laguna but now She's Heading to Airport Sir-- "




" A-Airport?? " Utal na tanong ko. Iba ang Pakiramdam ko sa Narinig ko kaya di ko na naiwasang Kabahan ng Husto. Sana mali ang Naiisip ko.




" Yes Sir.   She already Booked a flight Last week , Her Schedule is today. 7pm in the evening-- "




Agad kong Binaba ang Linya at dalidaling Lumabas ng Kwarto.
Patakbo akong Bumaba ng Hagdan kaya maging si Manang nabahala sa Kilos ko.




" Sir may nangyari ba-- "



" Raven is really leaving me now Manang! I'll try to stop her. Please pray for me. " Mabilisang sagot ko sa nagmamakaawang Tono.





Tinanguan naman ako ni Manang Bilang pagsang-Ayon sakin. Di narin ako nagtagal pa sa pagtingin sakanya, Lumabas ako ng Bahay at Pinatakbo ng Mabilis ang Kotse ko.
Panay rin ang tawag ko sa Number nya habang nagmamaneho pero panay lang to Ring.
6:30pm nadin nang makarating ako sa Airport , Panay takbo ako at parang Lawin na matalas ang tingin sa mga taong nakakasalamuha ko.
Bawat kasuloksulokan, tinitignan ko. Umaasang makikita sya pero Bigo ako.
Napaupo ako sa Upuan sa Sobrang dissapointment at Sakit sa Puso na nararamdaman ko.
Lamu-Lamukos ko ang Mukha ko nang biglang May Tumawag sa cellphone ko. si Raven!




".Hello Baby . Is it true? You're really Leaving me? Where are you? Let me talk to you personally baby please? Wag mo naman gawin sakin to.  " garalgal na saad ko. Matagal bago sya sumagot.
Maging pagbuntongHininga nya ay narinig ko.






" Dipa ba malinaw lahat ng sinabi ko sayo? "




Bigla kong napatingin sa likod ko nang marinig ang Boses na yun. Si Raven na Hawak ang cellphone nya na nakatapat pa sa Tenga.
Binaba ko agad ang tawag at Yumakap sakanya pero sya nakatayo lang di gumanti ng Yakap sakin.





" H-hindi naman yun totoo diba? May hinatid kalang dito kaya andito ka? Di ka naman Lalayo sakin baby diba? Mahal moko eh. diba? " Parang tangang tanong ko .





" Ano sayo kung aalis ako? Di mo naman hawak buhay ko Daver. Di ako aso na magsusunodsunuran sa gusto mo. Kung ano man ang Gusto ko, Magagawa ko. "  Walang emosyon na Sagot nya sakin





Lumaylay ang balikat ko sa sinabi nya.
Yung Raven na Kausap ko ngayon, IbangIba na. Ni lungkot o pagmamahal para sakin, Di ko na makita sa mga Mata nya.





" Kailangan ko ng bagong Simula Daver. " dugtong nya nang di ako makasagot sakanya.





" We can start again if that's what you want-- "




" Bagong simula na Wala ka.  "






" R-Raven .. " wika ko habang nagpipigil na maluha sa harap nya.
" Ayusin nalang natin to please. Alam ko mahal mo pa ko. Galit ka lang diba?-- "





" Kung may mas Ititindi pa sa Galit, ayun ang nararamdaman ko para sayo Daver. At minulat ako ng Anak ko. Sorry pero wala nakong natitirang pagmamahal pa para sayo. "





Para yung Kutsilyo na tinarak sa dibdib ko. Sobrang sakit na para bang Gustong Bumigay ng katawan ko ..
Di ko nadin napigilan na lalong manlumo.
Diko alam kung namalikmata ba ko pero parang nakita ko ang Lungkot sa mata nya na agad nya ding binawi nang mapansin na nakatingin ako.




" I know you're just Lying. " Pagpipilit ko chaka hinawakan ang kamay nya.
" Kalimutan na natin ang lahat. Magsimula nalang tayo. Kalimutan mona ang nga di magandang nagawa ko, kakalimutan ko nadin ang ginawa  mo-- "





" G-Ginawa ko? Ako? Ano yun? " Kunot noong tanong nya. animoy di alam ang sinasabi ko. Maging ang walang emosyon na Muka nya, Napalitan ng Nagtatakang tingin



"  yung nangyari sainyo ng Siraulong Christian-- "



" Daver!! " Sigaw nya nya chaka pabalibag na binawa ang kamay sakin
" Wala akong naging kasalanan! Wala akong Pagtataksil na ginawa sayo. Yung Nakita mo? Hindi ko nga yun Ginusto! Ano ba naman. " Aniya chaka sinapo ang noo. Nawawalan na ata ng pasensya sa paulit-Ulit na Bintang ko sakanya noon pa.
" Gusto mo magsimula tayo pero Di moko magawang paniwalaan? Hindi tayo makakapagsimula hanggat yang Utak mo, Sarado sa paliwanag ko. Yung Pagdikit mo ba kay Hera habang nasa bahay nyo Sinumbat ko sayo? Yung Pag effort ko sa kwarto nung gabi na kayo naman ni Hera ang nakinabang, Sinumbat koba sayo? Kung tutuusin lahat yun mas malala kesa sa halik na nakita mo! Yung akin diko Gusto, Yung mga ginawa mo Lahat yun pabor sayo! "






Di ako makapagsalita sa mga sinabi nya .  Gulantang na gulantang ako lalo na nang malaman na alam nya ang nangyari samin ni Hera at Diko inaasahan, Na Effort nya pala ang mga Paghahanda sa Kwarto ko nun .. Akala ko wala na sya nun Pakialam sakin pero hindi pala.





Tumingin si Raven sa Orasan nya nang magsalita ang nasa Speaker, Hudyat na kailangan na nilang sumakay sa plane nila.





" Aalis nako-- " aniya na hahakbang na sana palayo







" Dont Leave me Baby Please. Im begging you. " 





Tumigil sya Kinatatayuan nya habang nakatalikod sa Direksyon ko.Animo'y Inaantay ang iba kong sasabihin o Natigil sa Sinabi ko kaya kahit papano napangiti ako.





" Magbabago nako para sayo-- "





" Huli na. ang totoo nyan, May minamahal nakong Iba. " wika nya na nagpatigil sakin. chaka Iniwan akong Tulala.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon