CHAPTER68

113 3 0
                                    

RAVEN's POV..



" Im back!!! may good news ako! " Salubong ko kay Renz pag-uwi ng bahay.




Yakap-Yakap ko siya pero di man lang sya gumanti ng yakap sakin.. Siguro pagod sa Trabaho.



" Anong Good news? " Nakangiting tanong niya.



Bat parang Malungkot siya? Tinambakan nanamn siguro to ng napakadaming Trabaho sa Opisina...


" Natanggap akoooo! " Sigaw ko chaka nagtatalon talon na yumakap muli sakanya.



" T-Talaga? C-Congrats babe. "



Bumitaw muli ako at Humarap sakanya.


" Aba. Nag Improve ka ah? Babe na Tawag mo sakin ha? Gusto ko yan. Babe. " Kantyaw ko.


Ngumisi lang sya chaka Tinalikuran ko.


Problema non?

Sumunod ako sakanya habang papunta siya sa Kusina.



" Wala ka atang gana ngayon? May Problema ba? "


" Wala. Pagod lang ako ngayon . Halika kumain kana. " Yaya nya nang ialok pa sakin ang Upuan na hawakhawak niya.


Nakangiti ako habang Kumakamot sa Ulo. Busog na Busog na kasi ako.
Ang totoo nyan, Niyayaya ako nun ni Daver kanina na MagLunch sa Labas pero ayoko. E kaso dahil si Daver nga yun, na pag Gusto May Paraan lagi, Pinadalhan ako ng napakaraming pagkain habang nakapila para sa aking Interview. hays.



FLASHBACK..

" Be Ready Ms . De Leon, You are next " Wika ng Lalaking Nagbabantay sa Labas ng Pinto.

Inayos kona ang sarili ko. Nagretouch ako ng mukha, Nagsuklay muli at Inalis ang mga Gusot sa damit ko.
Ready na talaga ko para sa Interview ko---

" Good morning! Ms. Raven Deleon? " Pagtawag sakin mula sa Likuran kaya napatingin ako.

Sa Uniform nya palang, Alam mo nang Delivery boy sya ng mga Pagkain. Pinoy pa.
Dami namang Pinoy dito sa Taiwan.

Siguro Umorder yung Ceo ng Kumpanyang to. Kaso bat alam pangalan ko?

" Opo. Ako po."

" Pinapabigay po. PaReceive nalang po ma'am. " Aniya habang inaabot sakin ang Dalawang supot ng Pagkain.

Sa Gilid ng mata ko, Kitang Kita ko na lahat ng kasabayan ko sa Interview na to nakatingin sakin.

Kumunot noo ko habang nakatingin sa mga supot na yon chaka muling Binalik sakanya ang Paningin.

" Nagkamali kapo ata? Wala po akong Inoorder na pagkain kuya-- "

" ah ma'am. Order po ito mula kay Mr. Daver Lorenz Friego. may Pinapabigay din po syang Note eto po. " Wika niya chaka inabot ang sobreng Nasa Bag niya ..


tinanggap ko naman yun chaka Binuksan.


" I Bought you a food baby. I know you will reject it, but Please Accept it. If you didnt accept my orders, You will be the one to pay for this. :) "

Napamaang ako ng Labi sa nabasa ko. Napakasira ulo talaga! tsk.

" Sige kunin ko napo. Siya magbabayad niyan kuya. Wala naman akong pera dito na Extra eh. " wika ko chaka Kinuha ang mga Supot ng pagkain

" Okay ma'am. Thankyou po! "

paalis na sana ang delivery boy nang Bigla Itong tumingin muli sakin.

" Ang totoo nyan mam, Bayad na yan. Pagkaorder palang po, nabayaran na yan. Goodluck mam! " Dugtong niya chaka Tuluyan nang Umalis. ni di na ko inantay na makapagsalita pa.

END OF FLASHBACK.


" babe? halika na. "



Gusto ko sanang Tumanggi kaso mukang Niluto to ni Renz. Saming dalawa kasi, siya talaga ang babae ata. hehe. Sa Linis, luto, Laba, Sya ang Gumagawa. Nagpupumilit ako minsan kaso ayaw niya talaga.



Habang nasa Hapagkainan, Panay ang kwento ko sakanya. Sa mga Tinanong sakin sa Interview , sa pagkamanghang Naranasan ko sa Kumpanya na yon, sa Paraan ng Pakikitungo ng mga Empleyado at iba pa. Tahimik lang sya nakikinig sakin, Minsan nagtatanong pero isang sagot isang tanong lang talaga.

" Hindi mo suot yung Skirt na Binili ko sayo? "

Napatigil ako nun sa Pagkekwento dahil sa Tanong niya.
Titig na titig siya sakin habang inaantay ang sagot ko. Umiwas ako ng tingin bago magsalita.


" N-Nasa bag ko Renz. Lumaki kasi yung slit ng palda kaya Pinalitan ko muna. " Pagsisinungaling ko chaka tumingin sakanya pagtapos magsalita.

Nakatitig padin siya sakin. Wari ko'y inaalam kung totoo ang sinasabi ko.

" Kaya ka bumili ng ibang masusuot nalang? "

" O-Oo ganun nga. "

" Mukang Mamahalin yang Slacks na nabili mo babe. San mo yan nabili? " Muling tanong niya ..

Kumabog ang Dibdib ko. Bat para kong Iniinterogate ni Renz? Alam nya ba?


" Gusto kolang malaman para jan nalang kita bibilhan palagi. kasi Pansin ko high Quality siya. Ang ganda " Paliwanag niya sakin chaka
Ngumiti .


Para kong nabunutan ng tinik sa Lalamunan .. Akala ko alam nya na.

" O-Oo ang ganda nga eh. D-dun lang mall sa Sentro "

Tumango-Tumango siya sakin chaka binalik ang paningin sa kinakain.
Susubo na sana ko sa pagkain nasa harapan ko nang Muli syang magsalita.

" mag-Isa ka lang bumili nyan? "

Nagkatitigan kami. Bat parang Ibang Iba si Renz ngayong gabi? Di naman siya ganto na Mausisa sa nangyayari sakin.

" A-Ako lang. " sagot ko chaka sa pagkain na tumingin.

Sana di nya napapansin ang pagkailang ko sa mga tanong niya sakin.

" Sana sinama moko . "

Napatingin ako muli sakanya. Ganun padin ang Pagtitig iya sakin kaya ako na agad ang Umiwas.


" S-Sige sa Sunod. Bango ng Niluto mo. Nakakatakam sobra. " Pag-Iiba ko sa usapan.
" Kain na muna ko ah? amoy palang mukang masarap na eh. " Dugtong ko pero di na sya sumagot pa.


Habang nakain ako, Pasimple ako minsan na natingin sakanya kaso laging nagkikita ang mga mata namin. Sa twing titingin ako sakanya, lagi kong nakikita na nakatingin sya sakin kaya Ngumingiti ako at umiiwas agad sa kanya.

Iba ang pakiramdam ko ngayong gabi. Pakiramdam ko, May Gusto syang malaman sakin. Alam nya ba na nagkita kami ni Daver?
Sa tingin ko naman hindi. Pagkakilala ko kasi.kay Renz, pag alam nya, Kinukompronta nya agad sakin. Siguro di lang talaga okay Mood nya ngayon dahil sa Trabaho.

Pagtapos namin nun Kumain , Nagpaalam nako na magpapahinga na. Ayaw niya naman akong Kumilos sa Kusina kaya hinayaan ko nalang sya..


Nakahiga ako sa Kama habang nakatingin sa Kisame.
Di ko makalimutan ang kakaibang Ugali na Nakita ko kay Renz kanina pati ang pagkikita namin ni Daver sa Kumpanya.

Bakit Kasi Nakita ko pa sya?
Medyo Okay na ako eh. Nakakaya kona tas bigla nanaman sya Lumitaw sa paligid ko. Kakausapin ako na parang wala man lang nangyari noon. Tanga ko din kasi.
Dapat Galit na Galit ako dahil sa Ginawa mo noon kaso Bakit ganito? Bakit parang Gusto ko pa ang biglaang Pagsulpot mo?
Kung kelan naman tinanggap kona si Renz sa puso ko.

Iniisip kopa lang na masasaktan ko si Renz sa pagsisinungaling ko, parang di ko kaya.
Di ko kayang saktan yung taong Umalalay at Nagpumilit na muli akong Itayo nung mga panahong Lumpong-Lumpo ako nang dahil sayo.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon