Raven's POV
KRIIINNNGGGGGGGG!!!!
Napamulat ako ng Mata sa alarm na yon, ibig sabihin non 6:30 na at Kelangan kona talaga Bumangon. May pasok pa kasi ako mamaya.
Naisip ko agad si Daver. Ang Saya ko kasi sa Date namin Kahapon. Nag-Aaway kami pero Isang Salita ko Lang Nawawala Galit nya. Kelangan pala Lambingin mo gamit salita mo Para mawala topak nya hehe.
Ginawa ko ang Morning Routine ko at Pagtapos nun,
Sinuot ang Uniporme ko sa Trabaho.
Isa Yung White Blue LONGSLEEVE na tinernohan ng Gray Blazer at Above the Knee na Skirt.
Naglagay nadin ako ng Light Make Up sa Muka ko.
Pero ngayon, Pink na Lipstick ang Nilagay ko. NOON kasi laging Nude Brown ang Lipstick ko.
Gusto kolang Maakit Lalo si Daver sakin hehe. Oo di kona Itatanggi pa. Gustong Gusto ko na talaga sya at Tanggap kona sa Sarili ko na Kami na talaga.Pag labas ko ng Gate, Andun si Renz.
Nagdadalawang Isip man pero Lumapit ako sakanya." Renz pasensya kana di ako makakasabay sayo. Commute nalang ako." Wika ko.
Ngumiti sya sakin bago magsalita.
" Okay Lang sige" Aniya na aalis na Sana pero Hinawakan ko sa Braso.
" Yung Pangako ko sayo na ItiTreat Kita. Bukas MagHalf day ako Sunduin moko sa Hapon." Wika ko na Ikinaliwanag ng Muka nya
" T-Talaga Raven? Sige. Ingat ka. Una nako. Text moko Bukas." Aniya sabay Paharurot ng Motor nya.
Babawi ako sa Huling Pagkakataon at Sasabihin ko na din sakanya na may Boyfriend nako Para di na sya mangulit sakin. NOON kopa naman sya pinapatigil, Ayaw nya lang talaga. Ngayon kasi di na pwede, Dahil may Boyfriend nako. Sobrang Seloso pa.
Pagdating ko nun sa Trabaho, Sinalubong agad ako ni Ria sa Hallway papuntang Locker.
" Ravennnn!"
" Uy sis. Ano oras kayo non Natapos? Pasensya na ha Kasi si---"
" Okay Lang. Pinaalam ka nya naman samin eh. Ang Bait nya Raven Swerte mo. Anong Ganap nung Gabing Yun? may Jugjugan bang nagana---"
Pinutol ko agad ang Sasabihin nya at Tinakpan ang Bibig nya.
" Sira. Wala! Bunganga mo baka mamaya may makarinig eh." Wika ko sabay alis uli ng Kamay ko sakanya.
" Wala? Panong Wala? E Jowa mo naman Yun ah? "
Aniya na takang taka pa.
" Wala nga Bruha ka. Wala Kong Alam sa Ganun chaka Di sya ganun. Hinatid nya lang ako non sa bahay At Kiniss Lang sa Labi. Yun Lang." Namumulang Wika ko.
" Kiniss kalang Namumula kana agad? Pano pag Jugjugan na, Baka Mamutla kana?" Sabay Tawa nya.
Inirapan ko sya non at Nauna nang Maglakad Papasok sa Department store.
LokaLoka talaga Yung Babaeng Yun - _-Wala ko masyadong Benta ngayon sa Mga Paninda ko kaya Nanlulumo ako sa Lungkot. Di kasi ako sanay na walang Ginagawa dito. nakakabagot.
Kaya Nag-Ayos nalang ako ng Mga Paninda ko Para maalis ang pagkabagot ko." Ms Sandoval, Halika sa Office ko. " Si Manager na Nilapitan ang Isang Katrabaho ko.
Bakit kaya? Minsan Lang yan magpatawag pag Importante talaga ang Sasabihin eh.