CHAPTER38

128 3 0
                                    



( KRIIINNNGGGGGGG!!! )





Bumangon ako agad kahit nakapikit pa pagkarinig ko ng Alarm.
Time to work nanaman kasi eh. hehe.
Kahit puyat, Gora. Mahalaga ang Trabaho sa isang hindi mayamang Tulad ko.




Lalamya-Lamya akong aalis na sana sa kama nang Biglang may naramdaman akong Mahigpit sa Bewang ko.




Nasapo ko agad ang noo ko.
Andito nga pala ko sa Bahay ni Daver at Katabi nya pa.
Hays. Napuyat ako dahil sakanya eh. Maya-Maya ba naman kasi ang Kalabit sakin.
Namimiss nya na daw ako, eh ako naman tong Marupok, Nabigay agad.
Sino ba naman kasing makakatanggi sa Lalaking to?Parang anak ng Dyosa sa Taglay na Kagwapuhan at kakisigan.



Tumingin ako sa Orasan 5am na. Kailangan kopang Umuwi wala kong mga damit dito tsk.
Hindi naman pwedeng ayun uli suotin ko? Baka sabihin ng mga katrabaho ko di ako Naligo.
Dahan-Dahan ko uling Tinanggal ang Braso nyang Nakayapos sa Tyan ko.
Onting-Onti nalang at Matatanggal kona sana nang Bigla nanaman nya hinigpitan Ang yakap sakin chaka nagsalita dahilan ng biglaang pagkagulat ko.



" Where are you going baby? its too early to wake up. Go back to sleep." Wika nya habang nakapikit padin ang mga mata.



" Hindi pwede eh. "


Bigla nyang dinilat ang mga mata nya.


" Why? "



" Kailangan ko na kasing Umuwi ngayon sa bahay namin nila Ria. " Sagot ko dahilan ng pagbangon nya habang nakakunot ang noo.



" Ng ganto kaaga? Ihahatid nalang kita mamaya-- "



" oo ganto kaaga. Kailangan kong Umuwi Daver. Wala ko ibang Damit dito na Susuotin-- "



" Wear my Clothes. "




Napabuntong Hininga ko chaka muling Nakatingin sa Seryoso nyang Mukha.
Mukhang di nya nanaman nagugustuhan ang Sinasabi ko kaya Hinalikan ko sya sa Pisngi chaka muling nagsalita.



" Wala kong damit pangTrabaho dito. Papasok ako sa trabah-- "



" No. " Biglaang Pagputol nya.




Kumunot noo ko sa Sinabi nya.



" A-Anung No-- "



" Your not leaving. Lets go Back to sleep-- "



" Ha? Hindi pwede. Kailangan kong pumasok-- "




" I told you to Quit your Job Baby. Are we arguing about this again? "





Napamaang Labi ako sa Sinabi nya.
Oo naalala ko yun, pero di naman ako pumayag sa Gusto nya eh. Nako naman -_- Dapat di nalang ako Natulog dito sa bahay nya.
Magkatitigan kaming dalawa. Eto nanaman sya sa masamang Titig nya sakin. hays




" D-Di kasi ako pwede Lumiban sa Trabaho Ngayon-- "



" Bakit? may Lakad kayo? Date? "




Napakamot ako sa Ulo ko. chaka hinawakan sya sa Dalawang Kamay pero di man lang naalis tingin nya sakin.




" Wala. Wala ko planong Gawin yun. May Presentation kasi ako mamaya kaya mahalaga ang araw na to .  Yun yung dahilan. Wala nang Iba. Unawain mo naman ako. " Nagmamakaawang saad ko .




Nawala bigla ang Inis sa Mukha nya pagkasabi ko nun.




" Maybe you can just Re-Schedule that Presentation baby? "




" Hindi po pwede eh, dadating mamaya yung ibang stockholders ng Compan--- "




" Maybe I Can talk to Mr Xeiano to Reschedule that? "



" Hindi Pwede Daver. Magagalit lang sya--- "




" Tss. Sa takot nya, nagagalit ka. Sa galit ko Hindi? Nice. "




Jusko Lord ano bang Gagawin ko sa pagkapossesive ng Lalaking to. Naloloko na po talaga ko. Kaso No Choice talaga , Mahal ko e!




" Hindi naman sa Ganun. Sya kasi Boss ko sa Trabaho-- "





" While I am Just Your Boyfriend? "




Tumango ako sa Sinabi nya. Ayun naman talaga ang totoo.
Pero Sumama lang uli Awra ng Mukha nya.





" Ang boyfriend ko na mahal na mahal ko. " Muling Sagot ko dahilan ng pagliwanag ng Mukha nya kaya napangiti ako.




" I love you So Much too. " chaka Biglang Paghalik sa Labi ko na Tinugunan ko din.




Habol Hininga nang Maghiwalay ang mga Labi naman habang magkatitigan kami chaka Tatawa-Tawa sa Isat-Isa.





" Tama na.Baka ma-Late ako Oh? Aalis nako please? " saad ko pero nawala lang ang Ngiti sa Labi nya chaka Pumikit na kala mo'y Nagpipigil magalit sakin.



" Tss. Okay . but I'll come with you. " nakangiting sagot nya sakin pero halata ko naman na di Bukal sa Loob .




" talaga? Salamat Baby!! " Sabay halik ko sa Pisngi nya.



" Sige na. Mag-Ayos kana para Maihatid kita."



" Sweet Sweet naman ng Boyfriend ko. " Pambobola ko.




" Tss. Pero Susunduin din kita mamayang Uwian nyo. " Aniya na IkinaNgiti ko.



" Oo ba. Walang Problema. " 




Ginawa nya nga ang Sinabi nya, Hatid-Sundo nya ko sa Trabaho ko.
Okay naman kami sa Sitwasyon na yun Hanggang sa Minsan nakakasalubong namin si Mr Xeiano dahilan ng Pag-Iiba nanaman ng Mood nya. Inaaway nanaman ako oras-Oras pero syempre nagkakabati din naman.Isa din syang Marupok sakin eh.
Minsan naman, ako yung Nagsisimula ng Away. Lalo na Pag nababasa ko Text or Missed call ni Hera sa Phone nya. Nakakailang Palit nanga si Daver ng sim pero nalalaman padin ng Babaeng yun Grabe ..
Buti nalang puro ganun lang ginagawa nya  Hindi na namin sya nakikita ng Personal.Siguro nahiya sa Ginawa nyang Kalokohan? tss tama lang Yun sakanya.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon