Taranta kong naglalakad papunta sa Condo namin ni Renz. Alas Singko palang ng Umaga ..
Punong-Puno ang Utak ko ng Pagsisisi at ng mga dapat kong Gawin.
Nakipagtalik ako kay Daver dahil sa Gusto ko? E pano si Renz? Pano ko sakanya ipapaliwanag to?
Napakatanga ko..Sa sobrang Pag-Iisip ko, Diko na namalayan na nasa Pinto na pala ko. Nabalik lang ako sa Wisyo nang pagbuksan ako ni Renz at Yakapin ng Mahigpit.
" Bat ngayon ka lang? Alalang-Alala ko sayo Raven. " Aniya kaya napayakap din ako sakanya.
" S-Sorry Renz. Sorry. " Bigkas Ko. Gusto kong sabihin ang Lahat pero diko kaya. Alam ko masasaktan sya sa Pagkakamaling nagawa ko.
" Sorry for What? " Kunot noong tanong nya pagkatapos bumitaw sakin.
Magkatitigan kami sa Mata. Alam kong Gusto nyang alamin ang nasa Isipan ko kaya Yumuko ako para makaiwas sa Titig nya.
" S-Sorry Kasi... S-Sobrang Antok ko kagabi, dun nako nakatulog sa Sofa nila Daver. S-Sorry Renz . " Kagat Labing saad ko.
Sorry Diko talaga kaya pang sabihin..
Inangat ko ang Ulo ko nang wala kong makuhang sagot sakanya.
Walang emosyon na ang Muka nya at Titig na titig lang sakin." R-Renz? S-Sorry . Nakatulugan ko talaga dun-- "
" D-Did Daver do anything to you? " Seryosong saad nya.
Napatahimik ako Saglit. Gustong-Gusto kona aminin ang totoo pero natatakot ako sa Iisipin nya.
" W-Wala. Tulog na sya agad pagkadala ko dun sakanya. " Saad ko pero di sa mata nya nakatingin.
" W-Wala nabang ibang nangyari? Na-Nakatulog kalang?? "
" O-Oo. Sorry. " Tanging sagot ko chaka niyakap ako.
" Buti naman. Akala ko napano kana. Mabuti naman walang nangyari sayo. Matulog kana muna mamaya may pasok kapa diba? " aniya kaya Tumango ako.
Inalalayan nya ko hanggang makapasok sa Loob. Pinag-Init nya din ako ng tubig para sa Kape ko at sa Ipapapligo ko. Para di daw ako Sipunin lalo na't malamig ang Panahon.
Sya nadin ang Nagluto ng Almusal namin maging ang mga susuotin ko sya na ang nagplantsa ..Habang magkasama kami, Diko magawang Tumitig sa mga mata nya Panay iwas ako pag nagkakaroon ng chansa na Hahalikan nya ko sa Labi o kaya ay titigan. Alam ko nahahalata nya yon pero sinasabi ko nalang na napapagod at inaantok pa kasi ako.
Ayaw nya nga sana ko papasukin kaso First day ko to, Kelangan kong Pumasok.
Kailangan ko din Linawin kay Daver ang Lahat ng nangyari Pag okay na ang lahat, chaka kona sasabihin kay Renz.Alas Otso sakto nang makarating ako sa Kompanyang papasukan ko. Salamat kay Renz dahil hinatid nya din ako mismo dati. Di nako tumanggi pa lalo na't kung magcocommute ako, Male-Late lang ako sa Unang araw ko.
" Salamat Renz. " Wika ko pagkahinto ng Kotse sa Tapat ng Kompanya.
" Maliit na bagay lang to Raven. Gusto mo araw-Araw pa kita ihatid. Gustong Gusto ko yun. " Nakangiting sagot nya sakin kaya napangiti ako.
Bakit sa Lahat ng tao, si Renz na napakabuti pa ang Binigay sakin? Di sya karapat dapat sa Tulad kong manloloko...
" Okay ka lang? " Aniya kaya nabalik ako sa Wisyo ko at tumingin sakanya.
" O-oo okay lang. K-Kinakabahan lang. "
Hinawakan nya ang Palad ko at Ngumiti.
" Pag Di maganda araw mo, Tawagan mo lang ako. Papasayahin kita maghapon. "
" Loko ka talaga. " Tatawa-Tawang Sagot ko.
" Sige na. Una nako ha? Ikaw din Ingat sa Trabaho. "Bababa na sana ko sa Kotse ng Pigilan nya ko sa Braso.
" Bakit? " Kunot noong tanong ko habanf nakatitig sakanya.
Ganun din sya sakin." I love you. I hope you dont hurt me too much. "
Ilang Segundo kaming nagtitigan. Hanggang sa Huli, ako ang Bumawi. Ngumiti ako at Hinalikan sya sa Labi na ikinagulat nya.
" I love you too. Napakaswerte ko sayo .. Sige na bababa nako ha? Mamaya nalang. Ingat ka. " Wika ko chaka Tuluyan nang Bumaba.
Inantay ko syang makalayo bago tuluyang Lumakad papasok sa Kompanya. Habang papasok, Napupuno nanaman ang nasa Isip ko. Tungkol sa Sinabi ni Renz na wag ko syang saktan Maigi, at sa nagawa kong pagtataksil sakanya.
Napakaswerte ko sakanya pero nakamalas nya sa akin.
Sorry Renz...