Wala kaming Kibuan hanggang sa Makauwi ng Bahay niya kagabi.
Balak ko sana , Uuwi ako kela Rhia. pero Ayaw nya ko pauwiin. Sakaniya daw muna ko.
Simula nang pag-Uusap namin na yun, Di nya nako Muling Pinansin pa." Good Morning ma'am. Kamusta po Tulog nyo? " si Manang.
" Good morning po. ayos naman po. Nakita nyo po ba si Daver?" wika ko habang Nililibot ang mga mata para hanapin sya.
" Ay ma'am maaga po umalis eh? Papasok na daw po sa Trabaho eh. Mukang Matamlay pa. Ni Sumubo ng pagkain bago umalis, Di man lang Ginawa. " Alalang Saad nya.
" G-Ganun po ba? Balak ko pa naman sana sya Kausapin. "
" Sabi na eh. nag-Away kayo. sa Ibang kwarto kasi sya dumirecho kagabi. Hindi sa Kwarro nya na Tinutulugan mo. "
Pagkauwi kasi ng Bahay, Dumirecho nako sa taas. Dahil din sa Tama ng Alcohol sa katawan, Tapos dagdag yung pagod sa Byahe, Nakatulog ako agad. Nakatulogan na Naiyak.
Alam ko galit sya, Oo di tama yung nangyari pero di ko talaga gusto yun! kaso ayaw nya maniwala sakin.
Yung cellphone ko sana ang Pruweba na Pumayag talaga sya na Sumama ko sa celebration party na yun , kaso napakamalas ko at Nawala pa! Diko alam sa napunta. hayy." Alam ko na ma'am. " Si manang. Dahilan para mapatingin ako sakanya.
" Ipagluto mo si Sir ng paborito nyang Adobo at Dalhin mo sakanya sa Opisina nya. "Napangiti ako sa Ideya na yun ni Manang. Maganda Suhestyon kasi yon . Magiging daan din yon para makausap ko si Daver ng Kaming dalawa lang pagkaabot ko ng Pagkain nya.
" Sige manang! Gusto ko yan. " Nakangiting sagot ko.
Ginawa ko lahat ng Sinabi ni manang, Step by Step tinuro nya sakin ang tamang pagluto ng adobo pati tamang timpla nito na Gustong-Gusto daw ni Daver.
" Sarap ah, Naku Pag natikman nya yan baka malimutan nya na Galit Nya sayo . Sige na mag-Ayos ka na ng sarili mo ako na magbabalot nito para pagbaba mo aalis kanalng agaf. " Saad ni manang nang ipatikim ko ang Luto ko.
" S-salamat po. Sige po akyat napo ko. "
Pinaghandaan ko nang Maigi ang Pagpunta ko dun.
Sa Pagligo ko, Nakailang sabon ako para mabango talaga ^^, , Sa Pagpili ng damit, pinili ko ang Simpleng damit pero alam kong mapapansin nya. Isang Bodycon Dress na Hanggang Hita. Naglagay nadin ako ng Onting Make-Up sa Mukha.
Alam ko magagalit sya pag nakita nya na maikli suot ko . At syempre ok sakin yun , dahil papansinin nya nako. Tiwala naman ako na Di nya ko kayang Tiisin.Pagkababa ko, Panay puri sakin ni Manang . Syempre nagpapasalamat ako. Kinuha kona din agad ang Dadalhin kong Pagkain kay Daver chaka nagpaalam kay manang upang maakaalis na.
Habang nasa Byahe, Tumingin ako sa Orasan 11:30 na. Sakto at malapit nako sa Opisina nya.
Malapit na sila magBreak Time.Nang makarating sa Building, Agad nakong Pumasok at dalidaling Sumakay sa Elevator para makapunta sa Main Office nya. sa 20th Floor.
Punong-Puno ng Kaba ang Dibdib ko habang ang mga kamay ko, Pinagpapawisan ng Sobra.
First time ko kasi to Gagawin sakanya na maghatid ng Pagkain. At First time ko din Hihingi ng Tawad sakanya nang dahil sa Kasalanan na nagawa ko.Pagkadating ko sa Tapat ng Saradong Opisina nya, Inayos ko ang Sarili ko. Enhale, Exhale nang Ilang Beses chaka agad na Pinihit ang Pinto---
Halos Mabitawan ko ang PaperBag na Daladala ko nang Makita ng mga mata ko ang Eksena sa Loob ng Opisina nya.
Si Hera nakapatong kay Daver habang Naghahalikan silang Dalawa.
Ni di man lang nila Narinig ang pagpasok ko? Ganun ba sila ka-busy?Ramdam ko nang Tutulo ang mga Luha ko kaya Lalabas na sana ko . Magpapanggap na walang nakita kaso kamalas-malasang nasagi ko ang Flower vase na nasa gilid ng Pinto kaya naman agad ko ding tinayo yun at lalabas na talaga sana nang magsalita si Hera.
" Oh. Look Who's Here?? The Bitch. " Mataray na wika nya kaya nakangiti akong Lumingon sa likod ko. Sa Direksyon nila.
Pagharap ko sakanila, Kay Daver agad tumama ang mga mata ko . Pero nakakunot lang ang noo nya sakin.
kala mo sukang-Suka na nakita ako." Sorry.Nakaistorbo ako. Pinapaabot kasi to ni Manang. Dahil di ka Kumain bago umalis-- "
" Thankyou! You can leave now. Istorbo ka eh. " pagsabat ni Hera kaya napangisi ako.
" Hindi ba Ikaw ang Istorbo sa Relasyon namin?? Masyado kanang Nasingit. Pangdalawan lang ang Relasyon namin, Wala nang space para sayo Ms Hera. " Sagot ko chaka napatingin kay Daver pero Walang emosyon ang tingin nya sakin.
" PangDalawahan? Really? eh bat Lumandi ka sa Iba habang kayo pa? naririnig mo ba mga sinasabi mo? " Tatatawa-Tawang sagot nya ngunit napatahimik ako nun.
Dahil Totoo naman ang Sinabi nya. Ako ang Unang Lumandi sa Iba.
Kaya ba naganti sya sakin ngayon ng ganito? Wow. Galing ng Naisip mo Daver!" Oh? Napipi ka? Kasi totoo diba? Kaya pwede ba umalis kana-- "
" Shut up Hera! " Si Daver. Dahilan para mapangiti ako sakanya pero iniwas nya lang ang tingin sakin.
" May iba kapa bang Kailangan Raven? Kung wala , Makakaalis--- "
" Mag-Usap naman tayo. Yung tayong dalawa lang. Pakiusap. " Pagputol ko sakanya.
" Kapal talaga ng Mukha. " Bulong ni Hera pero diko yun pinansin pa dahil sa Tinginan namin ni Daver sa Isa't isa.
Ilang Segundo din ang Tinagal bago sya Bumuntong Hininga chaka nagsalita.
" Fine. " Wika nya sakin chaka Tumingin kay hera sa nakakaakit na paraan at Masakit sakin yon.
" Iwan mo muna kami hon. Tuloy nalang natin mamaya. " aniya chaka kindat kay Hera at Humalik sa Pisngi .Iniwas ko ang tingin ko. Diko kaya makita na ginagawa nila yun sa Harap ko ng Paulit-Ulit. Masakit sa Dibdib.
Habang nakatingin sa Sahig, Binangga ko ni Hera dahilan para Mapaangat ang Tingin ko.
" take care of my honey Secretary Raven. " Aniya chaka Kindat sakin pero kay Daver nako agad tumingin at naglakad papalapit sa Lamesa nya.
Narinig ko din na nagsara ang Pinto kaya sinimulan kona rin magsalita.
" B-Breaktime nyo na diba? Eto niluto ko para may kainin ka dito. Masarap to" pilit ngiting saad ko kahit sa loobloob ko, Durog na durog ang puso ko.
Kinuha nya din agad yun kaya napangiti ako.
Binuksan chaka Tinitigan saglit pero Binalik din sakin kaya binigyan ko sya ng Nagtatakang tingin." Ikaw nalang Kumain nyan. Sabihin mo kay manang Salamat sa pagturo sayo. Pero lalabas kami mamaya ni Hera para kumain. " aniya na nagpawala sa Mga Pilit na Ngiti ko.
" B-Bakit kayo Lalabas ni Hera? " Utal na tanong ko na ikinangisi nya.
" Uulitin ko paba Raven? Kakain kami sa Labas-- "
" A-Alam ko. pero Bakit sya? Eh ako Girlfriend mo diba? "
" Yes. But, You have me and Mr Xeiano Raven. Kaya Meron din akong Hera at Raven. Masaya naman diba? Dala-Dalawa. Pag wala ako, Anjan si Christian para sayo. Pag wala ka naman, Andito si Hera para paligayahin ako." Paliwanag nya dahilan para tuluyan nang Bumagsak ang Mga luha ko.