CHAPTER64.
RAVEN's POV ..
Masaya kong Ibinalita kay Renz ang nalaman ko sa natanggap kong tawag. Panay puri nya sakin na may halong pagtataka Onti.
Ayon kasi sakanya, pamilyar ang Frg company sakanya. Di nya lang matandaan kung saan nya ito nakita o nabasa.
ang pagkakaalam nya daw, mas pinipili nun ang mga may karanasan sa trabaho ..
Pero di ko na yun pinansin pa, basta ang pakiramdam ko Masaya ko dahil onting-onti nalang hindi nako magiging Pabigat kay Renz.Pinaghandaan ko maigi ang magaganap na Interview. Sinany din ako ni Renz sa mga Tanong na pwedeng itanong sakin. Tulad nang WHY DO YOU WANT US TO HIRE YOU? etc.
Pinagbili nadin ako ni Renz ng mga bagong make up at damit na susuotin .. Wala kasi akong Damit pang-Apply pa .. Pinasa ko lang din kasi yun sa Guard kaya kahit nakaJeans lang ako nun, ay walang problema.
Kamalas-malas nga lang na POLO at SKIRT ang nabili ni Renz sakin. Nakalimutan ko kasi sabihin.
Nagdesisyon sya na bibili nalang uli pero pinigilan ko na, Masyado nang malaki ang nagastos ni Renz sakin. Nakakahiya na talaga.Hanggang sa dumating ang araw ng Interview ko. Monday.
Alaskwatro palang Bumangon nako. Di din kasi ako makatulog ng maayos.
Punong Puno ng kaba ang dibdib ko. Siguro dahil may iba pang mga Vip na andoon manonood sakin.
Sumilip din ako sa kwarto ni Renz, Tulog pa sya at nahilik kaya diko nalang inabala pa.
Muli kong Tinandaan ang mga maaring itanong sakin habang nagluluto ako ng agahan namin.
Sakto naman na pagtapos ko magluto, Bumangon si Renz at Lumapit sakin kaya napangiti ako." Good morning . "
" Aga mo ata? chaka bat ikaw ang nag aasikaso jan? I can do it for you--- "
" Tss. Ako na. Pagod ka kagabi kakaikot sa mall para lang Bilhan ako eh. Kaya ko na to. Hayaan mo nang kahit minsan ako naman magsisilbi sayo, Ginagawa mokong baby mo eh. " Tatawa-Tawang sagot ko.
napatitig sya sakin saglit chaka umiwas ng Tingin.
" If you want, I can really make you as my baby. " mabilisang sagot nya na nagpatigil za tawa ko.
Napakamot ako sa Noo. Di ko alam ang dapat sabihin. Ilang Segundo din ang naging katahimikan namin, hanggabf sa Tumikhim siya at tumingin sakin.
" Raven? " aniya habang papalapit sakin.
Panay kabog ang dibdib ko. parang alam mo na ang susunod nyang gagawin pero parang nasemento ang mga paa ko. Di makagalaw sa mismong tinatayuan ko.
Napasinghap ako ng haplusin nya ang Pisngi ko. Mainit ang kamay niya, masarap sa pakiramdam ang paraan ng paghaplos niya sakin.
" Can you be mine? " wika niya na mas lalong nagpakabog sa dibdib ko.
Matagal akong di nakapagsalita kaya siya na mismo ang unang Lumayo sakin.
" Sorry. Nabigla ata kita-- "
" P-Pwede. "
napatigil sya nang sabihin ko yon. Di makapaniwala sa salitang narinig sakin.
" Thankyou! I promise I will Put all efforts and my love in our Relationship. I love you. " aniya chaka Humalik sa Noo ko.
Nakagat ko ang Labi ko pagtapos nun.
Diko gustong saktan si Renz kaya Nasabi ko yun.
Matagal na syang Nagtitiis sakin, matagal na syang Umaasa. Napakalaki na ng Utang na Loob ko sakanya. Gusto ko yung Suklian kahit alam kong di tama lalo't na iba padin ang nasa puso ko.
Bahala na. Pagsisikapan ko nalang syang Mahalin.