CHAPTER72

104 5 0
                                    

Inalis ko ang tingin ko sakanya.
May mga namumuong luha sa paligid ng mata ko.


naiisip kopalang ang nangyari noon, natoTrauma nako sakanya.
at isa pa, May masasaktan akong tao.
Isang tao na umalalay sakin noon.

Hindi Kaya ng Konsensya ko ..



Pasimple akong nagpunas ng Luha chaka nakangiting humarap sakanya.



" Umayos ka nga Daver. Ilang taon na nakalipas oh? Napakalabo naman nyang sinasabi mo. " tatawa-Tawang sagot ko. Pero sa Loob ko, Napakahirap Bigkasin ng Salitang NAPAKALABO.



Napansin ko ang Pagyuko nya at panlulumo nang sabihin ko yon. Hahawakan ko sana sya sa Balikat para tapikin nang Tumalikod sya sakin  ..


Nakatitig ako likuran nya. May gusto nanamang kumawala na mga Luha,



SORRY.. DI TALAGA ATA TAYO PARA SA ISA'T ISA.



Di nako muling kinibo ni Daver hanggang Makarating ng Pilipinas.
Nasaktan ko sya sa Sinabi ko pero Yun ang nararapat.
Unang-Una, Hindi naman kami aabot sa Ganito kung noon palang, Nakikinig sya sakin. Nakikinig sya sa mga paliwanag ko..


Rumenta agad kami   ni Renz ng condo na pansamantalang Titirhan namin.
Pinili namin yung mas malapit sa magiging trabaho ko para tipid sa pamasahe.
Gusto sana ni Renz ihatid nya nalang ako araw-Araw pero di ako Pumayag.
Nakakamiss din kasi ang pagcocommute mag-Isa.
Pag nasa Bus kasi ako at malapit sa bintana nakaupo, Nakakapag-Isip ako ng Payapa. Basta ganun ang Pakiramdam ko..



Ilang araw din naming nilinis at inayos ang condo para sa Party na magaganap.
Nalaman nila Mica at Ria na nakauwi na kami kaya gusto daw nila magsagawa ng Welcome party.
Dapat Surprise un kaso narinig ko nung kausap nila si Renz sa Telepono hehe. Nalaman ko din na may asawa na si Ria at Buntis na. Si Mica naman, Single padin. Masyado kasing choosy magjowa.



" They seem to be on their way . " wika ni Renz habang nakatingin sa Relo.




" Oo nga eh. Sure ka di na tayo magpapadeliver ng Pagkain? " Alalang tanong ko.




" Yes. don't worry anymore. They are said to be the ones who will bring  foods. Just rest sweety. I know you're tired.  " Aniya nang makalapit sakin at humalik sa noo ko kaya napangiti ako.





" Salamat. Ikaw din eh? " Wika ko pero umiling sya.




" I'm fine. I still need to take care of them. Did you invite anyone else? "




" Wala. tayo-Tayo lang nila Mica. "



Wala naman akong malapit na kaibigang iba, Maliban kay Renz si Mica at Ria lang..




Sinunod ko ang Utos ni Renz nagpahinga nalang muna ko hanggang sa di ko namalayan na nakaidlip ako..


nagising nalang ako nang marinig ang mga sigaw na galing sa Kusina.  sila Mica at Ria Andito na.



Pumunta ko don at Tinawag sila. Niyakap nila ko agad at kinamusta.



" Gumanda lalo ang sisteret ko ah!-- " Bungad ni Ria sakin.



" Excuse me? Sisteret kodin sya, so sisteret natin girl!-- "





" Pano ka nya naging sisteret sis? di ka naman maganda."



Sumama muka ni Mica.



Pikunin talaga...


" Excuse me again Manang Ria. Sating dalawa mas maganda ako. Fresh pa! Kaw wala na! Lanta nayang nasa gitna mo. " diin na Biro ni Mica kay Ria



Kahit kelan talaga, Hilig mag-asaran ng dalawa.
di nako magtataka pag manganak si Ria, at magkaron na din si mica, panigurado aso't pusa din tulad ng mga nanay nila.



Bigla kong naalala ang anak ko..
May Kalaro na sana ang magiging anak ni Ria.
Bigla kong nagpunas ng Luha kaya sakin nabaling ang paningin nila.




" Hala bat ka naiyak? Ganyan mo naba kami kamiss ? kaw kasi umalis kapa eh-- " Wika ni Mica.




" Sawa na daw kasi sya sa Muka mo eh. " wika naman ni Ria kaya natawa nanaman ako sakanila.



Panay tawanan kami sa Kusina habang nag-aayos ng Pagkain. Si Renz naman kasama si Eddi ang asawa ni Ria, Namili ng mga Iinumin ..
Nakalimutan daw kasi nila Mica  ..



Nagkakakanta, Sayawan, Biruan kaming tatlo sa Sala nang may magDoorbell sa Pinto.
Agad akong tumayo dahil iniisip ko na sila Renz yun at madali lang dala kaya di mabuksan ang pinto.



Pagbukas ko, Bigla kong nanigas sa Kinatatayuan ko..



" D-Daver? A-Anung ginagawa mo dito? "



Sa Itsura nya ngayon, Mukang kakagaling nya lang sa Trabaho.



" Can I Join? " Aniya na tumingin pa sa Loob kaya napatingin din ako sa likuran ko.
Nakatunghay din samin si Mica at Ria. Halatang nagtataka.



" D-Di kasi ako nagyayaya ng Di ko malapit na kaibigan Daver. Para lang sana to saming magkakaibigan. " Wika ko . Bahala na kung nagmuka kong masama sa Sinabi ko.




" I-Is that so? " Laglag balikat na saad nya sakin.
"Okay. I think I have to go now-"




" You can Join us Mr. Friego. " Si Renz na papalapit samin kaya napatingin ako sa Hallway.




Mukhang kanina pa sila nasa Gilid at nakikinig samin.



" R-Renz?-- " tanong ko.




" It's okay sweety. I know , he will be your boss.  "  Aniya na diniinan pa ang salitang sweety chaka humalik sa noo ko nang makalapit sakin.



Di ko alam pero parang Di ako komportable sa Halik nyang yun sakin.
Napatingin ako sa Direksyon ni Daver, Matalas ang tingin nya samin. Kay Renz. Pero si Renz, Kalamado lang na nakatingin sakanya..



" Sige. tara na sa Loob. Eddy pasok kana. Tabi kana kay Mica. " Pag-Iiba ko.


Pagpasok namin sa loob, Agad akong naupo sa pangtatlong tao na sofa.
ang akala ko, Lilipat si Mica sa tabi ko para makaupo si Daver sa tabi ni Eddy at Ria pero hindi nya ginawa. Sinamaan ko sya ng tingin pero nginitian nya lang ako.



Loka-Loka talaga. May kung ano nanaman atamg naiisip.





Sa harapan namin, Nakaupo si Mica, Eddy at Ria.
Sa Upuan ko, sa Dulo si Renz ako sa Gitna at nakatayo padin si Daver.
Mukang inaantay ang Permiso ko na umupo sya sa tabi ko.


Napatingin ako kay Renz. Iba ang titig nya sakin.
Alam kong may Gusto sya iparating pero  sadyang diko maintindihan.




" U-Umupo kana dito Daver. " wika ko na agad nya namang Sinunod.. Ngiting-Ngiti sya saakin.






Nakakatunaw na paraan ng pagngiti.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon