CHAPTER 44

134 3 2
                                    




Magdamag akong Umiiyak sa Kabilang kwarto. ni-Ungol nila, Rinig na rinig ko . At parang Tinutusok ang Puso ko sa Bawat Halinhingan , Tawa at Ungol na Naririnig ko sa Kabila.



Diko inakala na yung Memorableng Gabi na pinaghandaan ko, mapupunta pala lahat kay Hera.


Pati Unan ko, Basa na sa dami nang Luhang Nilabas ko.
Umabot na sa Puntong Pakiramdam ko , naubusan nako ng iiiyak ko.
Hanggang sa Bumigat nalang ng Bumigat ang mga Talukap ng mata ko Dahilan para makatulugan ko.



Naalimpungatan ako ng Madilim pa sa Labas ng Bahay.
Tumingin ako sa Orasan, 4am palang.
Masakit ang mga mata ko ngayon at Ulo pero diko na yun Pinansin.
Lahat naman ng To Kasalan ko eh! Siguro Deserved ko talaga to. Na maramdaman din yung sakit na Binigay ko kay Daver.


Habang Umiiyak ako kanina, Iniisip ko lang na Lilipas din to. Ngayon lang to Bukas susubukan kong maging maayos na ulit kami.
Hangga't kaya pa ng Puso ko, Di ako bibitaw sa nararamdaman ko.
Mahal ko talaga si Daver. at Pakiramdam ko Higit pa yun sa Buhay ko.

Pinilit kong makatulog ulit pero di na ko makatulog pa, Yung isip ko kasi Punong-Puno ng mga alala na Nakita ko Kagabi. Diko nanaman tuloy napigilang Di Umiyak sa Unan ko.



Mayamaya, Pinunasan ko ang mga Luha ko chaka Tumayo para ipagluto si Daver.
4am palang ibig sabihin may 2hrs pako para Pahangain sya sa lulutuin ko.
si Manang naman kasi 5am pa nagising.
Alam kona din naman ang Step by step sa Timpla ng Adobo na Gusto daw ni Daver.


Pagkababa ko sa Kusina, Nagkape muna ko nun para mainitan ang tyan ko. Bago Hinanda ang mga gagamitin sa Pagluluto.
Habang naghihiwa, Di ko maiwasan na Bigla Bigla nalang Matutulala at Iiyak kaya Ayan, Ilang beses kong Aksidenteng Nasusugatan ang Kamay ko.
May time din na Dahil wala ko sa Sarili, Napapaso ako sa mainit na kaldero.
Pero para sakin wala na to, Di ko nato masyado Ramdam pa. Maa nangingibabaw yung sakit na Dulot ng Mga nasaksihan ko kesa sa Physical na Sakit na Naramdaman ko ngayon.
Manhid na ata puso ko.
Mas mabuti nato, Mas kakayanin kong magstay sa Tabi ni Daver.


Pasado Alas sais nang matapos ako sa Pagluluto.
Sakto din at Bumaba na si Manang kaya Nagulat sya ng makita nya ko.

" Iha. Bat ikaw ang nag-Asikaso  Gawain ko yan. baka magalit si Sir-- "


" Okay lang po. Di kasi ako makatulog kaya nagluto nalang ako ng agahan natin. "   Nakangiting wika ko pero di sumagot si manang. Sinuri nya lang ang Mukha ko. lalo na ang mga mata ko.


" Magang-Maga ang mga mata mo? Dahil ba dun sa Hera? Pasensya kana Iha , Last na pangtext kona pala yun. Huli ko nadin kasi nalaman na may Kasama pala ang amo ko. Pasensya kana talaga diko sinasadya-- "

" O-Okay lang po. Di naman po ako Umiyak dahil dun. namiss ko lang mga parents ko manang." Nakangiting sagot ko.


Magsasalita na sana si Manang pero iba ang Tumugon sa sinabi ko.


" Dont worry About her, She's fine with our Arrangement manang. Narinig mo naman po, di naman daw sya umiyak Dahil andito si Hera diba. " Sarkastikong wika ni Daver dahilan para mapatingin kami sakanya.

sa Pagbaling ko ng Tingin sakanya, Parang nagsisi ako.
Dapat pala di ko nalang sya Tinignan. Parang Humapdi kasi ang Puso ko.
Nakaharap silang dalawa ni Hera sami ni Manang Habang si Daver nakaakbay sakanya at si Hera nakayapos sa Katawan nya.
Agad ko nalang din Binawi ang Tingin ko nang makita ang Pagtitig ni Daver sakin.


" Luto mo? Wow. Wala ba tong Lason? " Si Hera kaya napatingin ang lahat sakanya.
" Joke  Halika na hon. Gutom nako. Nagutom ako dahil sa Nangyari kagabi. " Aniya habang Nakatigilid sa direksyon ko pero yung mata sakin nakatingin. Sinasadya nya talagang Iparinig sakin.



Di ko na talaga kaya pang pigilan ang Nagbabadyang Luha sa mga mata ko kaya bago pa yun Bumagsak, Dalidali nakong Umakyat sa Kwarto at di na nagpaalam sakanila.
Narinig kopa si Manang na nag-Aalala sakin habang si Hera Sinabihan ako ng Bastos at di nagpapaalam.
Lalong Nagpadagdag sa Sakit na nararamdam ko nang marinig ko ang mga salitang Sinabi ni Daver kay Hera.


" Hayaan mo sya. Wala naman na kong pakialam sakanya. "





Pagkapasok ko sa Kwarto, Sinara ko agad ang pinto at Napaupo nalang sahig habang di na napigilang Maglabasan ng mga Luha ko.
Kakayanin kopa ba to? Diko na alam ang Gagawin ko.



Panay ang Paghagulgol ko nang Biglang Umilaw ang Cellphone ko sa Table katabi ng Kama.
Pinunasan ko ang Luha ko chaka Tiningnan ang natawag . si Ria.




" Hello-- "


( Pupunta ka mamaya Sissy a! )Pagputol nya dahilan para kumunot ang noo ko.


" A-Anung meron? "


( Bat parang Garalgal Boses mo at panay singhot mo? Umiyak kaba??  )

" H-Hindi! Kasi malamig dito sa Kwarto lagi eh kaya eto nagkasipon ata ko.  wala to Inuman kolang ng gamot to okay nako. " Pagsisinungaling ko.
Kung maaari ayokong mag-alala sila sakin.
Kasalanan ko to.lahat. kaya Deserved ko to.

( Ahsige sabi mo eh. Pero Pupunta ka mamaya ah! May gamot naman dito di ka pwede mawala mamaya! Magtatampo talaga ko sayo)

" Anu bang meron? " Takang tanong ko.



( Yan tayo te eh? Nagkajowa lang nalimutan na ? Birthday ko Girl! Birthday. Birthday. Birthday! Kakaloka ka. )


" Sige Pupunta ko sorry na. Ulyanin na ata ko eh. " Tatawa tawang sagot ko.



( Tss. Nagkajowa lang eh? Sige na. Babush na. Basta punta ka ah? Miss na miss na kita sis.)



" Oo na. Miss kodin kayo. Pupunta ako. " Nakangiting sagot ko.


Gustong Gusto ko sabihin sakanila ang Nararamdaman ko ngayon pero alam kong Magagalit lang sila sa taong Mahal ko kaya mas okay na sigurong Manahimik ako.



( Sige Babyeeeee! ) Sabay baba nya sa Linya.



Napaupo ako sa kama at napaisip.


(  Kailangan ko pumunta sa Birthday ni Ria. Bestfriend ko yun at Tampuhin yun. Kaya di pwedeng di kami makumpleto dun. ) Wika ko sa Utak ko.






Hindi nalang ako magpapaalam pa kay Daver.
Alam ko namang Pagbabawalan nya lang ako.
tiwala ako na Kahit sinasaktan nya ko ngayon, Mahal nya parin ako at may pakelam parin sya sa mga hakbang na gagawin ko. Alam ko magagalit sya Pero Bestfriend ko ang may Birthday. Sana maunawaan nga yun. Sana din---
Sana magkaayos padin kami. Sana Makapagsimula ulit kami. Namimiss kona lahat sakanya.
lalo na Yung pagiging Isip bata nya pag may pinagseselosan sya.
Ginagawa nya din kaya kay Hera yun?  Sana sakin lang.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon