CHAPTER49

175 5 4
                                    


Napamulat mata ko sa Mabangong Naamoy ko na nanggagaling sa Kusina.
Mukhang Nagluto ng maaga si Manang ngayon ah?
Babalik na sana ko sa pagpikit nang maramdam ko na may katabi ako. Napangisi ako. Iniisip na si Raven yong ngunit Hindi. Si Hera!


" What are you doing here!? In my room?! in my House hera!? " sigaw ko dahilan para magising sya .




Nilibot pa ng mata ko ang buong kwarto, may bakas pa ng mga petals  kandila na nagkalat sa Sahig. ginawa to ni hera? tss walang kwenta!




" My God. " aniya na sinapo pa ang Ulo.
" Nakaraos kalang galit ka nanaman sakin? duh?  you invited me here! "



Kumunot noo ko.  Inaalala ang mga Naganap pero diko talaga matandaan lahat.
Ang huling.naaalala ko, uminom ako, nanakit ng sobra ang ulo ko hanggang sa makatulog ako.




" It's Just A mistake. Please leave my House now--- "



" Huh? Mistake? Really? Its not a mistake honey. Its your choice. Your own choice to own my body multiple times. " aniya sa nakakaakit na boses.



" Tumigil kana pwede ba? halika ihahatid na kita palabas. " Wika ko habang hilahila sya.



Panay piglas sya sakin pero di ko yun pinapansin, Sana hindi nakita ni Raven na nandito si Hera at may nangyari samin.




Pababa ako ng hagdan nang biglang marinig ang boses ni Manang. Kausap si Hera kaya napabagal ang pagkaladkad ko sa katabi ko.



" Magang-Maga mata mo? Dahil ba dun sa Hera? " wika ni manang na Ikinakaba ko.
" Pasensya kana iha, last na pantext ko na pala yun. Huli ko nadin nalaman na may kasama pala ang amo ko. Pasensya kana talaga diko sinasadya--- "



Ibig sabihin alam ni Raven na nakasama ko si Hera sa kwarto naming dalawa. Sh*t!



" O-Okay lang po. Di naman pi ako Umiyak dahil dun. Namiss ko lang mga parents ko manang." sagot ni Raven



Ibig sabihin wala syang Pakialam talaga sakin? Kahit sino pang babae kasama ko wala syang Paki? Ganun? tss.



Hinila ko agad si Hera papalapit sa Likod nila at Inakbayan sya. Si Hera naman parang nagulat onti, pero ngumisi din chaka Yumapos sa Katawan ko.



" Dont worry about her. She's fine with our arrangement Manang. Narinig mo naman po, Di naman sya umiyak dahil andito si Hera diba? " Pagsabat ko habang ang mga mata nakatingin kay Raven.



Napatingin sila Manang at Raven sakin pero kay Raven lang talaga ako nakatingin sakin.
Nakita ko sa mata nya ang Gulat nang makita ang posisyon namin ni Hera sa Isa't isa. Binawi nya agad at sa sahig nalang Tumingin.



Ni di man lang talaga inawat si Hera sa pagyapos sakin. Wala talaga syang Pakialam! Nakakabwisit !!


" Luto mo? wow. wala ba tong lason? " Pagbasag ni Hera sa katahimikan dahilan para mapatingin kami sakanya . Sinamaan ko sya ng tingin dahilan para mawala ngiti nya.
" Joke. Halika na Hon. Gutom nako. Nagutom ako dahil sa Nangyari kagabi  " wika ni Hera sakin.



pero Bigla nalang Tumakbo paakyat si Raven kaya sakanya muli napunta ang atensyon ng lahat.



" How rude. Nag-Uusap usao pa dito e  Hirap talaga pag Highschool lang ang nata---  " Bulong nya pero agad ko ding Pinutol . Diko gusto ang nga salita nya kay Raven.




" Hayaan mo sya. wala naman na kong pakialam sakanya. " saad ko  pero para sa puso ko, may pakialam ako at gusto ko syang Sundan pero nananaig ang utak ko na Hayaan nalang sya mag-Isa. Sya naman ang nagsimula.



Naging Tahimik kaming dalawa ni Manang sa hapagkainan, Pinasabay kona sya sa pagkain namin.
Tutol pa nga sana si Hera at kung ano ano nanaman sinasabi tungkol kay manang kaya nainis ako sakanya. Pinagsabihan sya.
Umaasa ko na bubulong si manang sakin ng Pasasalamat dahil ganun lagi ang ginagawa nya pero ngayon, Hindi nya ginawa.
ni pag-Alalay sakin sa pagkuha ng pagkain, Wala syang ginawa. Mukhang masama din ang loob ni manang sakin dahil sa nangyari samin ni Raven . Hays. 




Pagtapos kumain, nag-Ayos nako agad ng sarili. pati Si Hera pinaayos kona, Isasabay kona sya paglabas ko.
Wala ko tiwala pag silang dalawa lang ni Raven maiwan. baka kung ano ano nanamang masasamang salita ang sabihin nya.


papalabas na sana ko nang Bigla kong Lapitan ni Manang.
Na Agad ko namang Ikinangiti.
akala ko pati sya wala na pakialam sakin.



" Sir. "


" Yes manang? Need nyo poba mag-Advance sa sahod eto po. " Wika ko habang nakuha ng pera sa wallet pero pinutol nya agad yon at hinawakan ako sa kamay dahilan para mapatigil ako sa pagdukot ng pera sa pitaka.



" Hindi po ako mag aadvance ng sahod. Gusto kolang sabihin, Itigil nyo na sana tong ginagawa nyo kay Ma'am Raven. alam kong sobrang sakit na neto para sakanya. "  Wika nya pero napangisi lang ako




" Manang. sya nagsimula neto. Chaka mukang wala naman sya pakialam. Kahapon kopa napapansin. Ni di man lang nya ko inawat kanina sa paglapit kay hera diba? kitang Kita mo naman manang--- "



" Di mo sya naiintindihan pero ako naiintindihan ko sya. Babae din ako sir Daver. Kahit di nya sabihin  Alam kong nasasaktan sya. Nagpapakatatag lang. Tingin mo na mag-Stay pa sya dito sa pamamahay mo kung wala na talaga syang Pakialan sayo? Magtitiis ba sya na kasama kayo ni Hera sa Iisang Bubong kung wala syang nararamdaman sayo? Lahat yan tinitiis nya kasi Mahal ka nya sir. Di mo ba nararamdaman yun? "



" Pero sya unang nagloko manang. Diko matanggap yun. Anu pabang kulang sakin para magawa nya yun? " naiiyak na saad ko. dahilan para yakapin ako ni manang.



" Ikaw talagang bata ka. Sigurado kaba na nagloko sya? Mas mabuting alamin mo muna ang totoo. Wag ka maniwala sa sasabihin ng ibang tao. Ikaw ang gumawa ng aksyon para malaman ang mismong katotohanan. Pakiusap Sir. Naaawa nako para kay ma'am Raven  Itigil mo na to. Para na kayong anak para sakin kaya Nangingialam ako sa Problema nyo. sana wag mong masamain. " aniya dahilan para Tumulo na talaga ang mga luha ko .




" Ano na? matagal paba yang Kadramahan nyo? Naiinip nako oh? Ang init init eh! " pagsabat ni hera mula sa kotse dahilan para maghiwalay kami sa pagyakap ni manang at punasan ko ang mga luha ko.



" Tandaan mo anak. Nasa Huli ang Pagsisisi.Kaya ngayon palang, Pakiusap ayusin mona. Ayokong dumating sa Punto na pati ako, Magagalit na sayo ng Tuluyan. at Si Raven naman tuluyan na talagang Matauhan nak. Sige na Lumakad na kayo. Inip na inip na Yang Bisita mo. "




" Salamat manang. " Wika ko na ikinatango nya.





Para kong natauhan sa sinabi ni Manang. Dapat nga Di ako naniniwala sa mga sinasabi ng Kung sino-Sino. Kailangan kong Kumilos Ng sarili ko lang talaga para malaman ang mismong katotohanan.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon