CHAPTER55

162 6 0
                                    






" Kamusta pakiramdam mo? " Si renz na galing sa Labas chaka agad na Lumapit sa Tabi ko at inalalayan akong Makaupo.




" O-Okay naman Renz. I-Ikaw ba nagdala sakin dito?"




" Oo. Ano bang nangyari?  bat mo ginawa yun? Alam mo bang Grabe ang kaba ko sa Ginawa mo? Akala ko di na kita makikita pa! " Singhal nya sakin kaya tatawatawa ako.
" Nakakatawa ba yun Raven? " dugtong nya.



Tumikhim ako chaka Umayos ng Upo at muling Tumingin sa lalaking bakas na bakas ang pag-Aalala sakin.





" Sorry na. Diko din alam kung bakit ko yun nagawa eh. " Wika ko chaka napayuko.





" Ano bang Problema? Bakit Ganun Nadatnan ko dun? Bakit ka naglaslas? Nag-Away ba kayo? "  sunod-Sunod na tanong nya sakin kaya napabuntongHininga ko at Napilitang ikwento ang lahat sakanya.
Habang Kinekwento ko ang bawat detalye, Kitang-Kita ko ang Panggigigl ni Renz sa kamay nya. Alam kong Nagtitimpi lang sya ng galit para kay Daver lalo na't Kaharap nya ako.




" Kalimutan na natin yun. Atleast Okay naman nako ngayon eh. Sugat lang to Renz , gagaling din agad--





"  Eh yung anak mo, Mababalik mopa ba buhay nya? " Pagputol nya sakin na ikinakunot ng noo ko.





" A-Anak? Dalaga pa ko Renz A-Ano kaba--- "





" You're 1month Pregnant Raven. Pero dahil dun, Nawala na. Nawala na ang anghel mo. " Wika nya na Ikinatulala ko.




Ako? Buntis? A-Anak namin ni Daver? Bakit hindi ko man lang agad nalaman? Kung alam ko lang-- Kung alam ko lang, Di ko sana hinayaan na mapabayaan ko ang sarili ko.
Di sana ako nagpapagutom non at di ko sana nagawang Hiwain ang Pulsuhan ko .



" R-Raven? " Pagtawag sakin ni Renz kaya nabalik ako sa Wisyo ko at di na napigilang Umiyak sa balikat nya.




" B-Bakit di ko nalaman? Bakit diko man lang sya naramdaman sa Tyan ko? Napakawalang kwenta ko Renz. Hinayaan ko anak ko.  Napakawalang kwentang ina ko." Naiyak na saad ko habang nakasubsob sa Balikat nya Si Renz naman , hinahagod hagod ang likod ko para mapakalma ko.


" Sabi ng Doctor dito, Di ka sensitive sa pagbubuntis kaya Walang pagsusuka o pagkahilo na nangyari sayo nun kaso dahil sa Malalim na Sugat sa Pulso mo, Kaya Bumigay ang anak mo Raven.  Tahan na .Di mo yun Kasalanan. Walang may Gusto nun,  Walang may kasalanan nun.--- "


" anung wala?! " Pagputol ko sabay nang pag-Angat ng tingin ko sakanya.
" Kasalanan ko Renz! Kung diko ginawa yun, Di mawawala anak ko! Kasalanan ko yun , Kasalanan ko. "


panay parin ang paghagulgol ko chaka muling Sumubsob sa balikat nya. Pinagpapalo ko din ang Likod ni Renz sa Sobrang galit ko sa Sarili ko. sa Nagawa ko sa anak ko.
Hanggang sa Biglang Bumukas ang Pinto  at Iluwa nun ang taong pinakaAyaw kong makita. Ang taong sa ngayon ay pinakakinamumuhian ko. Agad akong Kumalas kay Renz na napatingin din sa Lalaking nasa pinto.

" Why are you he-- "

" Anung Ginagawa ng Lalaking yan dito!? " Sigaw ko Dahilan para maputol ang sasabihin ni Renz kay Daver.

Lalapit sana sakin si Daver pero agad naman na Humarang si Renz sa dadaanan nya.



" Kung pwede , Wag ka Munang mangialam ? " Saad nya kay Renz. Animoy nauubusan na ng pasensya.
Pero di man lang natinag si Renz sa sinabi nya.
napansin ko din ang mga pasa sa mukha nya, Mukang nakipag-Away pa sya kung sa sino bago Pumunta dito.

" Pagpahingahin mo muna yung tao Daver,  Kakaraspa lang sakanya. Bumalik Ka nalang sa Ibang araw--- "



" Fuck you! "  aniya chaka Binangga si Renz at Tuluyang Lumapit sakin.
" Baby. "  malambing na saad nya sakin.

Agad kong nilayo ang mukha ko nang Sinubukan nyang Hawakan yun chaka sinamaan sya ng Tingin.

" Ang kapal  naman ng Mukha mo na magpakita pa sakin dito? "



" Im really worried Baby. are you okay now? "


" Oo. Okay nako Dahil wala nako sa Kulungan mo." Sarkastikong saad ko pero sya di man lang nagbago ang Itsura. titig na titig padin sya  at Kitang kita ang pag-Aalala nya para sakin.


" I-Im Sorry Baby-- "


" S-Sorry?! " TatawaTawang Sagot ko.
" Ano pang mapapala ko sa sorry mo na yan? Wala na Daver. Wala na ! Pati anak natin Wala naaaa! " garalgal na Sigaw ko at di napigilang Umagos ang Mga Luha sa Pisngi ko.
Habang sya? Tahimik nakayuko lang. Si Renz naman nakatingin sa pinto pero alam kong nakikinig din sya samin.


" Im sorry  " Pag-Ulit nya chaka Akmang yayakap sakin pero Iniwas ko Uli ang sarili ko.


" Tumigil ka! Ayokong marinig Sorry mo, Nakakairita pakinggan Sobra!--- "



" Baby please.  Nasasaktan din naman ako sa pagkawala ng anak ko Raven. Ng anak natin. Hindi lang ikaw!  "




" Anak natin? Anak ko lang yun! Diba nagpapakasarap ka naman na kay Hera? dun kana sakanya! Kahit Gumawa pa kayo ng Isang dosena, Wala nakong pakialam pa.  hinding Hindi ko na kayang Magpakamartir pa--- "



" N-No.No. Dont Say that Raven .please.  "Aniya chaka Lumuhod sa harap ko at niyakap ako. Pero sa ibang direksyon ako Tumingin  at patuloy parin sa Pag-agos ang mga Luha ko.




" Siguro kaya binawi nadin agad sakin ang anak ko, sign siguro yun ng Dyos para Mamulat nako sa pagpapakatanga sayo. ", Saad ko dahilan para Umangat ang nagtatakang tingin nya sakin.
" Sapat na yung mga nangyari, Ayoko na. Tama na  .. Umalis kana dito Daver. Kailangan ko nang magpahinga. ",




" But Baby-- "



" Umalis kana din ng Tuluyan sa Buhay ko. " Wika ko chaka muling Bumalik sa kinahihigaan ko.

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon