CHAPTER73

123 6 0
                                    

" At dahil Kumpleto na tayo dito, Simulan na natin ang Party!!! " sigaw ni Mica chaka binuksan ang isang boteng Vodka.

" Welcome Back Renz and Raven!! " Sigaw nila

" Thankyou. " Sagot ko sa lahat.

Ngiting-Ngiti akong nakikinig sa mga sinasabi niica nang hawakan bigla ni Renz ang Kanang Kamay ko. Napatingin ako sa parteng yun qt nararamdaman ko nanaman ang pagiging komportable.
Napatingin ako kay Renz. Nakangiti sya sakin.

Pakiramdam ko may mga matang nanonood samin. Mga matang nagbabaga sa galit..

Inalis ko ang paningin kay Renz at kela Mica na tumingin. Pinag-Uusapan nila ang asawa ni Ria kaya nakisali na ako.

" Buti natagalan mo Ugali nyan ed? malakas topak nyan eh" Pagbibiro ko kaya sinamaan ako ni Ria  ng tingin. Si Mica naman, Tawang-Tawa sa Sinabi ko.

" Oo nga Raven eh. Napakalakas ng toyo netong Kaibigan mo. Di nga rin ako makapaniwala sa Sarili ko eh. " Aniya habang nakatingin sa asawa.
" Pero siguro ganun ata talaga pag mahal mo, Tatanggapin mo lahat ng di magandang karanasan o ugali na meron sya. Alam mo bang ilang beses na kaming Naghiwalay neto para nagbabalikan din, Wala eh. Di ko kaya na wala sya sa Buhay ko. Kahit na Sya yung kadalasan na may kasalanan, Inaalis ko na lang yun sa isipan ko at walang alinlangang tinatanggap sya. Wala naman kasing Perpektong Relasyon. Kung nararanasan mo yung mga problema, Pagsubok lang yun. Sinusubukan lang nun kung gano katatag ang pagmamahal nyo sa Isa't isa.  " Dugtong nya ..

Napaubo ako Bigla.. Para kong Pinatamaan sa Huling mga Dinugtong nya ..

Napansin nila yun kaya sakin nanaman ang mga atensyon nila. Maging si Renz mukang nahalata ako.

Nako naman Raven..

" Nasamid lang sorry hehe. " Pagsisinungaling ko .
Nang mabaling ako kay Daver, Nakangiti sya sakin ..

Nahalata nya din ba na natatamaan ako dun? Sana hindi.

" Kayo Raven, Kamusta naman kayo ni Renz? Matagal na din ba kayo? " saad ni Eddy.

Pakiramdam ko tuloy parang nasa open forum kami, Kung sino lang nag-Uusap ayun lang ang nagsasalita.. Nakikinig lang yung iba

" K-Kami? " Naguguluhang tanong ko na ikinataka nilang lahat ..

Nawala ko Bigla sa Wisyo sa mga sinabi nya kanina.Pakiramdam ko Sapul na sapul ako.
Nabalik ako sa Ulirat nang si Renz ang magsalita..

" We had just a Relationship. Pero tingin ko naman ay tatagal kami.  I can feel that Raven loves me too.  right sweety? " aniya na bumaling pa sakin ..

" A-Ah O-oo. O-oo. T-Tatagal kami. " Utal na sagot ko.

Napansin ata ni Mica at Ria ang pagkawala ko sa sarili kaya iniba nila ang Usapan..

" Tama na Lovelife! Wala ko Lovelife oh! Out of place ako, Tara shot! "  Aniya chaka nilagyan isa-Isa ang mga baso na nasa harapan namin.

Akmang iinom nadin ako nang Biglang hawakan ni Daver ang kamay ko na may hawak sa Baso.
Lahat kami napatingin sakanya  pero sakin din sya mariin na nakatingin.

" You will Drink?? It's a Vodka Raven-- "

" There is nothing wrong her drinking it Daver.  Ayos lang naman sa akin na Boyfriend nya. " Diin na sabat ni Renz pero magkatinginan padin kami ni Daver.

" Alcohol does not have a good effect on you. You are not used to it. Don't drink please. "

" You can drink Raven, Its okay with me.  " Sabat muli ni Renz kaya napatingin nako sakanya

Kung si Daver may nag-aalalang tingin.
Nakikita ko naman kay Renz ang Lungkot at pagmamakaawa nya sa akin.

Inalis ko ang kamay ni Daver at agad na nilagok ang Alak na nasa Baso ko. Di ko na muling tiningnan si Daver , Baka magbago pa ang desisyon ko.

Nakita ko naman na sumaya si Renz kaya matamis ko syang Nginitian.

" Ang sarap pala. " Pagkukunwari ko. Kahit ampakla talaga para sakin.
" Maya na lang ako iinom ha? May asikasuhin lang ako sa Kwarto.  " Pagsisinungaling ko uli kahit na ang totoo .. Gusto kong Iwasan ang dalawang katabi ko.

Pagpasok sa kwarto, Nag-Ayos nalang ako ng mga damit at hihigaan ko.
Lumipas ang oras na diko namalayan..
Muli lang ako napababa ng Marinig ang pagtawag ni Daver sakin. Base sa tono, mukang Lasing na Lasing na talaga.

" anong nangyayari? " Wika ko pagbaba.

Nakita kong hawak ni Renz sa kamay si Daver mukang Niyayaya na pauwi. si Mica, Ria at Eddy naman natulong din ..

" Eto kasi sis, Ayaw umuwi eh. panay pa sigaw sa pangalan mo. " paliwanag ni Ria.

" Sakit sa Ulo pala neto pag nalasing. " sabat naman ni Mica.

Napatingin ako kay Daver. Nakayuko na at Gulo-Gulo ang damit. Hindi ko naman sya pwede hayaan lalo na't dito sya galing samin.

" Ihatid mo nalang sakanila Renz. " Wika ko na ikinatango nya.

" Lets go Daver.-- "

" Ayokoooo! " Sigaw nya na nagpapitlag samin

" Daver? Lasing kana . Di ka namin pwede hayaan magdrive nang mag-Isa. Magpahatid kana. "

" Dito lang ako. Baka Taguan mo nanaman ako. "

Nagkatinginan kaming Lahat. Matigas Ulo ni Daver. Pag sinabi nya, Gagawin nya.

" Pakilagay nalang sya sa Kotse nya, ako na maghahatid sakanya para makauwi sya-- "

" Raven?! " Pagputol ni Renz sakin. Masama ang tingin nya sa akin. sila Mica naman nagtataka sa sinabi ko.

"  Sige na Renz para makauwi na sya. Kilala ko sya, Di talaga yan uuwi pag sinabi nya. Ihahatid ko nalang-- "

" I'll go with you-- "

" Hindi na. Ako nalang. Samahan mo mga bisita natin dito. " Sabat ko ..

Nakatingin si Renz sakin. Di sang-Ayon sa sinabi ko.

" Babalik din ako pagkahatid ko. " Wika ko na Ikinabuntong Hininga nya.



" fine. " Aniya chaka inalalayan si Daver sa Kotse.



Kahit papano marunong nako magmaneho ng Kotse, Tinuruan ako ni Renz sa Taiwan at Kinuhaan ng Lisensya. Kaso Di lang talaga ako nagpapabili ng kotse sakanya. Gusto ko kasi galing mismo sa Pera ko. sa Pinagpaguran ko..



" Uwi ka agad ha? Aantayin kita. " Wika ni Renz chaka Humalik sa noo ko


Pinaandar ko agad ang Kotse patungo sa bahay Nila Daver. Pagkahatid ko sa gate nila, Di nako magtatagal at aalis nadin.


Ilang minuto din ang lumipas nang makarating kami sa Village nila, wala kasing traffic at anong oras nadin kaya naging mabilis ang byahe.

niyugyog-Yugyog ko sya para magising pero di talaga nadilat .. Inalalay ko nalang sya sa Balikat ko habang hawak-hawak ang katawan niya.


Paglapit sa Gate nila, Sinuri akong Maigi ng Guard
May ipapatanong pa sana pero nang madako ang tingin sa amo nya, walang Alinlangan pinapasok kami sa Loob...
Nagtataka pa nga ako at di kami inalalayan.

Tulog nadin siguro si Manang Kaya Madilim na sa sala nila. Diniretso ko sya sa Kwarto nya sa taas chaka binuksan ang lampshade.
Ganun padin. Walang pagbabago. Katulad na katulad padin  nung noon ..

Inayos ko si Daver ng higa sa kama nang makalapit dun. At aalis na sana ko nang Biglang hinila ang Kamay ko dahilan para mapadagan ako sa Ibabaw ni Daver.
Ganun nalang din ang Gulat ko nang makitang dilat na dilat at nakangiti na sya sa akin..


" D-Daver A-Ano ba! " Singhal ko.


" Let me see if I really don't have a place in your heart anymore. " Aniya chaka mariin akong Hinalikan ..

O B S E S S I O NTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon