RAVEN's POV
Late akong nagising kanina. Pano ba naman, napuyat ako dahil kay Daver -_- Ayaw umuwi hays.
FLASHBACK.
" Ikaw talaga napakasama mo kay Renz--- "
" Tss. pagtanggol mopa. " seryosong wika nya.
Nagkatitigan kami saglit, pero ako din agad ang umiwas chaka BumuntongHininga.
" Umuwi kana muna. Iniba molang Usapan. " Wika ko chaka akmang Papasok na sana pero pinigilan nya ko sa Braso.
" P-Pwede bang Dito muna ko? "
" Ano namang gagawin mo dito? Baka hinahanap ka na ng fiancee mo-- "
" tss. she's not my fiancee baby. Di ka ba naniniwala sakin? " Malungkot na wika nya.
Iniripan ko muna sya chaka muling nagsalita.
" Sige na sige na. Hanggang Tanghali kalang dito ah? marami pako gagawin dito. maglilinis pako. " Paliwanag ko sakanya na ikiatango nya.
Habang nasa sala, Diko sya masyadong Kinakausap.
Kung mag-Uusap kami, Sya lagi nagsisimula.Isang tanong nya, Isang sagot kolang din. Kaya minsan BumubuntongHininga nalang sya. Alam kong ramdam nya ang panlalamig na pagtrato ko sakanya.
Dumating ng Tanghaling tapat pero ayaw nya padin umuwi, Diko nalang sya Pinipilit.
Pag pinipilit ko kasi, Naglalambing sakin . Gusto konang Bumigay sa paglalambing nya pero pinipigilan ko lang. Diko makalimutan yung sinabi ng Hera na yun sakin. na Laruan nya lang ako. Pag naalala ko yun, Bumabalik bigla yung Inis ko kay Daver.
Hanggang sa Sumapit na ang gabi , ayaw padin nya umuwi. Buti nalang dumating parents ni Ria. Nahiya ata kaya ayun umuwi ng Kusa.END OD FLASHBACK..
Umuwi mga parents ni Ria dahil malapit na ang Birthday nya . Panigurado , Gusto na naman gawin nila tita na Bongga ang kaarawan nya.
Pero tututol si Ria, gusto kasi nun lagi simple lang. yung kami-Kami lang.
pagtapos ng onting pag-Uusap Kasama pamilya nya, Nagpaalam nadin ako para matulog. Sinabi kona din na may Interview kasi ako at Kailangang gumising ng Maaga. Kaso naLate padin ako ng Gising tsk. diko naset alarm ko eh." Good morning ma'am. May appointment po ba kayo dito? pahiram po ako ng 2 id's ma'am. "
Bati ng Guard sakin bago makapasok sa Clrx company." Good morning po. NakaSchedule po ako ngayon para sa Final Interview. " Nakangiting wika ko.
" Eto po. " Dugtong ko ng abutin sakanya ang mga ID ko." Raven De Leon. Napakaganda naman po ng pangalan, Manang mana sa may-Ari hehe. Pirma nalang kayo dito ma'am. palagay nadin kung anong oras kayo nag Log in dito. salamaf po. " Wika nya sabay abot sakin ng Id's ko kasama ang Log book na susulatan ko.
Pagtapos nun , Binigay kodin sakanya chaka pumasok ng Building.
Pagpasok ko palang, Manghang-Mangha nako sa Laki ng Clrx company nato." Bigatin panigurado mga bigboss nito. Ano kaya magiging Boss ko kung sakali? babae? Lalaki? Sana babae. " Wika ko habang nililibot ang mga mata sa Bawat sulok ng Lugar.
Syempre ayaw ko ng Gulo , Seloso ba naman Boyfriend ko---- boyfriend ko nga ba talaga? e may fiancee na sya -_-" What if your Boss is a Handsome , Charming and a Gentle man type, Will you quit your Job? or Will you like him? "
Boses ng isang Lalaki sa likuran ko .