UNEXPECTED

60 6 0
                                    

Censya na po mga fwendships na naghihintay... Busy busyhan ang lola niyo

. Neweis... Here's my update... Enjoy reading po...

-#-##-##-###-----MjBlue(",)-##---##---##-------

MY GIRL, MY BOY

Lumabas saglit si Lance sa hotel dahil hinahanap nya ang pinapabili sa kanila ng nagsiseminar sa kanila. Hindi pa siya masyado nakalayo sa hotel ay nakakita na siya ng isang store kung saan niya mahahanap ang nirequire sa kanila. Agad siyang pumasok dito...

5:30 palang, maaga silang nakauwi dahil maagang natapos ang execises nila sa training ganun din naman si Glea. Late naman si Aaron dahil marami pa silang ginawang activities. Naghahanap siya ng
mga requirements nila nang mabangga niya si Emma doon.

"Lance!!!" Sambit nito.

"Ay Ems sorry.. Nasaktan ka ba?" Tanong niya.

"No it's okay.. ANong ginagawa mo rito?" Tanong ni Emma.

"May binili lang ako para sa training naman... Ikaw?"

"May binili lang din ako para sa school ng kapatid ko.." Sagot ni Emma.

"Ah ganun ba?"

"OO... Nagdinner ka na ba? Invite sana kita.. Uhmm.. libre ko.. wala na kasi akong kasabay ngayon dahil malamang kumain na ang mga kasama ko ngayon.." Aniya.

" O sige.. Saglit lang babayaran ko lang tong mga kinuha ko.." Ani Lance.

Masayang nagkwentuhan ang dalawa habang naghahapunan sila. Kinikwento ni Emma ang mga nangyari sa tour nila ngayon sa Singapore... At sa buhay nito noong hindi pa sila nagkitang muli ni Lance.

Ngayon pala ay may nobyo na itong foreigner at yon ang nagsponsor ng tour nila ngayon sa Singapore silang buong mag-anak.

"Wow.. Maswerte ka na diyan Ems, sana ayusin mo na yan ha?" Sabi ni Lance.

"Aayusin ko nang buhay ko Lance... Seryosohin ko na to.." Aniya.

"Good... Mabuti nang ganyan.. You're not getting any younger.." Wika ni Lance.

"Yeah, you're right... Not just me pero ikaw din.. Ikaw Lance kelan mo liligawan ang Glea na yun? It's impossible na you don't like her.. Alam mo kahit di ko pa siya masyadon kilala pero bet ko siya para sayo." Pahayag ni Emma.

"As i've said iba ang gusto nun.." Sagot ni Lance.

"Sila na ba?"

"Hindi naman..."

"May sabit yung gusto niya..."

"Sort of..." Nag-aalangan sagot niya.

"Sort of?"

"OO..Sort of..." Malungkot na sagot ni Lance.

"Lance... tell me something I don't know..." Wika ni Emma.

Ikinwento ni Lance ang tungkol kay Glea, kung sino ito at kung ano ito... Pati na rin ang balak nito kay Aaron.

"SHIT!!! I think I know her.." Sabi ni Emma.

"Sino? Si Glea?"

"I know that girl..." Sabi ni Emma.

"Si Rhoanne?" Tanong ni Lance.

"YES!!! Lance.. it's all my fault..." Wika ni Emma.

"How come?" takang tanong ni Lance.

"Ako ang nagpakilalla sa kanila ni Rhoanne at Aaron noong gabing nagpunta kami ng Bar.. Hindi ko naman akalain na umabot sila sa ganun.. Kasalanan ko kung bakit nasaktan si Glea at kung bakit nagkakaganyan siya ngayon... Lance you have to do something... I understand kung bakit ganun ang naisip na gawin ni Glea, nasaktan siya... but the thing is.. Hindi na kailangang dagdaggan ang isang pagkakamali ng isa pang pagkakamali... Things would get worst.. At isa pa.. She looks so change now.. Babaeng-babae na siya..  She can start a new life.. Hayaan nalang niyang maging masaya ang dalawa. kaibigan ko si Rhoanne, ayoko rin namang malamang nasaktan siya." Pahayag ni Emma.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon