Acceptance

26 4 0
                                    

Haylabu all...huhays!!!
Ciao!!
(",)

*#*##########******#**###

"Hayaan niyo na muna siya.. Hindi naman siya makakalayo dito..." Wika ni Arnold. " Ako nalang ang susunod sa kanya." Aniya.

Inakay ni Andrew at Cesar ang dalawang babae at pinaupo. Umiiyak kasi ang dalawa, nasaktan at nag-alala sila sa reaksyon ni Glea. Hindi nito matanggap ang totoo..

"Wag kayong mag-alala, matatanggap rin ni Glea ang lahat, lalo na kapag maipaliwanag na natin ang lahat sa kanya." Wika ni Cesar,

*************************************************

Umupo siya sa isang bench sa may park di kalayuan mula sa mansion. Iyak siya nang iyak... Ayaw pumasok sa utak niya ang nangyari kanina...

Her life was just all a Lie... Lumaki siyang naniniwalang ang magulang niya ay ang magulang na kinagisnan niya.. Yun pala ay isang kasinungalingan. Malamang sa kanilang lima siya lang ang walang alam tungkol dito... Siya lang ang tanga tungkol sa tunay niyang pagkatao.

Nakayakap siya sa binti niya at nakasubsob ang kanyang mukha sa kanyang hita. Walang tigil ang kanyang paghagulhol. maya-maya'y naramdaman niyang may umupo sa tabi niya. Saglit siyang tumigil at tiningnan kung sino iyon...

Si Arnold, inoffer nito ang kanyang panyo... HIndi niya ito tinanggap, bumalik siya sa pagsubsob at timuloy ang pag-iyak.

"Stop crying.. hindi ka na bata para umiyak nang ganyan... You're old enough to handle the situation and face your real life..." Wika nito.

Tiningnan niya ang lalake... " Easy for you to say kasi hindi ikaw ang nasa sitwasyon ko!!! Lumaki akong tanga!!! All my life was just a lie!!" Galit na wika ng Glea.

"Your family must have a right reason kung bakit nila nilihim sayo.. you mother must have a reason kung bakit ka niya binigay.. hindi mo man lang sila tinanong.. Hindi ka man lang nakinig sa paliwanag nila.. you just walked away like a dumb ass running away from her real life!!!" Wika ni Arnold.

Lalong nainis si Glea.. " Anong karapatan mong sabihin sa akin yan? Anong alam mo sa nararamdaman ko ha? You only have known me today!!! " Aniya.

" Yes Glea, we've just today.. But I have known you for a lifetime.,.." Sagot nito.

Takang napatingin si Glea sa mukha ng lalake...

Arnold Jacinto.. Only son of a multi-millionaire, nagmamay-ari ng Casino ang kanyang ama at iilang mga 5 star hotels sa Maynila. His father was a good friend of Janice at naging kasosyo din ito sa iilang mga resorts sa Australia.

High School friends ang kanyang ama at si Janice, Magkaklase si Mariano at Ang kanyang ama noong college dahil pareho sila ng kursong kinukuha, kaya later on naging malapit na rin si Mariano at ang kanyang ama.

High school pa lang nanliligaw na ang kanyang ama kay Janice ngunit wala talagang maramdaman ito sa lalake kaya tinanggap nalang niya ito at naging matalik nalang silang magkaibigan.

Nang nakapag-asawa ng Australiano si Janice ay napagkasunduan nilang magkaibigan na magtayo ng business sa Australia.. yun na nga ang resort at hotel gaya ng dito sa Pilipinas.

Dahil na rin sa hindi nito kapiling ang kanyang tunay na anak ay parang anak na rin ang turing sa kanya ni Janice... palagi siyang nagbabakasyon sa Australia at doon siya nagiistay sa kanila.

" If I were you, bumalik ka na sa loob ng mansion at pakinggan mo ang kanilang paliwanag." Wika ni Arnold.

" Ayoko!!" Sabi ni Glea.

" Matigas din pala ang ulo mo noh.." Aniya.

"Anong pakialam mo?" Malditang tanong ni Glea.

" Sayo wala.. pero kay tita Janice meron.. at sa pamilya mo.. Kung nasaktan ka nila dahil nagsinungaling sila... Para din naman sayo yun... Mahal ka nila.. may rason sila kung bakit nangyari yun!" Ani Arnold.

Natahimik na lang si Glea. Ayaw niya.. ayaw niyang tanggapin na hindi siya tunay na anak ng kinikilala niyang magulang at hindi niya kapatid ang dalawang lalakeng akala niya ay kuya niya.

"Patatagalin mo pa ba ito Glea?" Tanong ni Arnold.

" Babalik na ako..." Mahinahong sagot ni Glea.

"Good! Let's go..." Sabay tayo ni Arnold at nilahad niya ang kanyang kamay kay Glea.

Tiningnan niya ito at tumingin siya sa mukha ni Arnold..

" What? I know you can't walk right.. Nanginginig ka pa... So might as well I'd hold you para makalakad ka nang maayos..." Wika nito.

Totoo ang sinabi ng binata.. Nanghihina ang kanyang mga tuhod at nangangatog pa siya.. Mabilis din kasi ang takbo niya kanina. Nahihiya man ngunit inabot niya ang kamay ng lalake at dahan-dahang tumayo. Habang naglalakad sila ay akay-akay siya ni Arnold, halos kung pwedeng kargahin na lang siya nito ay ginawa na ito ng lalake.

Pagpasok niya ng bahay ay nandoon pa rin sila sa may sala at naghihintay sa kanya. Agad siyang sinalubong ni Alma at niyakap.

" Anak, patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sayo ang katotohanan. Kailangan naming ilihim ang lahat para na rin sa kapakanan mo...Huhuhu..." Umiiyak na wika ng kanayng Inay.

Hindi umimik si Glea, pero panay ang tulo ng kanyang luha. Lumapit na rin si Janice...

" Anak.. Alam kong galit ka sa akin dahil ipinaubaya kita saky Ate Alma.. Pero iyon lang ang alam kong nakakabuti sayo..' Ani Janice.

Pina-upo nla si Glea at agad kumuha ng tubig si Andrew para ipainom sa kaibigan. Nang matapos na itong uminom ay nagsalita na ito..

' I need to know the story.. I need to know why.. what's the reason? Bakit?" Ani Glea.

**************************************************

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon