The pain, the Proposal... Revenge

80 5 0
                                    

A/N

Masyadong nasaktan ang bida sa ginawa ni Rhoanne at Aaron... Makakabangon pa kaya siya? Well.. para malaman natin..heto na po ang next chapter... Enjoy reading po...

Ciao!!!

-MjBlue

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nagising si Glea sa silid ng hospital. Agad niyang nakita ang may-ari ng apartment na inuupahan nila.Tulog ito sa isang upuan na provided ng Hospital para sa magbabantay ng pasyente.

Naalala na niya ang nangyari. Kausap niya si Rhoanne at inamin iy ang katotohanan na may namamagitan sila nung lalakeng nakausap niya sa telepono. Dumaloy nanaman ang kanyang mga luha. Napakasakit ng ginawa sa kanya ni Rhoanne. Pinaasa siya nitong babalik ito, uuwi na ito at magkakasama na sila sa lugar nila. Subalit kabliktaran ang ginawa nito. Nagkaroon ito ng ibang minahal.

"Bakit ganun ka Rhoanne? Bakit kay hina mo?" Aniya sa sarili habang patuloy ang pagdaloy ng kanyang mga luha.

"Gising ka na pala..." Ani Aling Nilda na nagising na rin. " Bakit ka umiiyak Glea? Wag ka nang umiyak masama para sayo ang umiyak.." Wika nito.

"Okay lang po ako Aling NIlda.. Maraming salamat po pala sa pagdala niyo sa akin dito sa hospital.. Paano po bang nangyaring nakapunta kayo sa bahay?" Tanong niya.

Ikinwento ng ginang ang nangyari. Tinawagan daw siya ni Rhoanne dahil hindi raw sumasagot si Glea sa mga tawag niya. Umiiyak din daw ito kaya nagmamadali siyang pumunta sa apartment nila. Mabuti na lamang ay lagi niyang bitbit ang mga spare keys kaya nabuksan niya ang bahay nang tinatawag niya ito at hindi sumasagot. Naabutan daw siya nito na Putlang-putla at wala nanag malay kkaya agad siyang humingi ng tulong sa kalapit apartment upang dalhin siya sa Hospital.HIndi nito matawagan ang magulang niya dahil wala itong contact number nila mabuti na lamang at nag-okay na siya.

" Maraming salamat po Aling Nilda..." Sabi niya.

"Ano bang nangyari Glea? Bakit ka nagkaganun?" Tanong niya.

Hindi umimik si Glea... Hindi niya kayang ikwento kay Aling Nilda ang nangyari... Ngunit parang naintindihan naman ito ng babae.

"Si Rhoanne ba?" Tanong nito.

Tumingin lang si Glea sa malayo. Tinapik siya nito sa balikat..

"Ganyan talaga ang buhay Glea, lalo na sa mga katulad mo. Hayaan mo makakapag-move on ka rin.. Makakahanap ka rin ng para sa iyo.." Wika nito.

"Ang sakit Aling Nilda.. durog na durog ang puso ko... " Aniya.

"OO alam ko.. Masakit talaga.. Siguro ito ang unang beses na nasaktan ka sa pagibig... Naintindihan ko ang sakit... Ilang beses na akong dumaan diyan.. Sobrang sakit na kung meron mang gamot sa botika para mawala yun.. Kahit gaano kamahal bibilhin mo...Hihilom din ang sugat na yan.. Kailangan mo lang ng oras..." Payo nito.

Walang imik si Glea habag nakikinig sa mga payo ng babae. Hindi na niya naintindihan ang iba pang sinasabi nito. Magulo ang isip niya, masakit ang puso niya.. Parang gusto na niyang mamatay...

"Hindi ko yata kayang mabuhay na wala siya.." Aniya.

"Wag kang magsalita ng ganyan Glea.. May pamilya ka pa.. Sila ang gawin mong inspirasyon upang ipagpatuloy ang buhay.. Kahit wala si Rhoanne." Sabi nito.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon