Uhhhmmmm... Happy reading everyone... Pls po pavote..thanks..
MjBlue(",)
#~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~=======================================================
"RHOAAANNNNEEE!!!"
"Hey Mister wake up!!" May tumapik sa kanyang isang batang lalake. Tumingin siya sa palagidi, nasa terrace pa rin pala siya g barko. Ginulo niya ang buhok ng bata sabay takbo pabalik sa kanilang silid. Napahinga siya nang maluwag nang naabutan niyang mahimbing na natutulog si Rhoanne sa kanilang kama. Lumapit siya dito at hinalikan niya ang pisngi nito. Oagkatapos ay pumasok siya sa banyo at naligo upang mawala ang tensyon ng kanyang kalamnan. Pagkatapos niyang maligo at tumabi na siya dito. Bahagyang nagising ang babae nang tumabi siya dito.
"Hon san ka galing?" Tanong nito.
"I went for a smoke hon..." Sagot niya.
"Okay, let's go back to sleep." Wika nito.
" Okay hon.. I love you.. I love you so much.." Aniya.
" I love you too.. " Sagot nito habang nakapikit.
Umunan sa mga bisig niy aang babae, at hinahalik-halikan naman niya ang noo nito. Nakakagimbal yung panaginip niya, animo'y totoong nangyari. Ganun kaya ang mangyayari kung mahuhuli sila ni Rhoanne na may ginagawa ni Glea? Isang malaking katanungan sa kanyang isipan. Kahit sa panaginip sinusundan siya ni Glea.. ANo kaya ang kayang gawin ng babaeng to sa relasyon nila ni Rhoanne? Hindi niya alam, kailangan niyang maging matatag ngayon sa kahit ano mang pang-aakit ni Glea sa kanya, para sa kanyang magiging anak at Kay Rhoanne ang babaeng pakakasalan niya balang araw.
*******************************************************************************
Maagang nakadaong ang barko sa unang lugar ng cruise. May shuttle bus na maghahatid sa kanila sa mga tourist spots at ang iba nama'y pwede ring gumala nang hindi kasama ang tourist guide kung may alam naman ito sa lugar, basta bumalik lang ito sa itinakdang oras ng pagboard sa barko. Binantayan naman ni Aaron si Glea at Andrew.. Kapag ang mga ito'y sasakay sa bus, hindi na sila sasama sa tour.. Magsasariling tour sila ni Rhoanne. Mabuti na lamang at nasa cabin pa si Rhoanne, nagpaalam siya na maunan nang bumaba sa exit para mag-inquire, pero ang totoo nagbabantay siya kung saan ang dalawa pupunta upang makaiwas siya. Nakita niyang sumakay ang dalawa sa tour bus, kaya napagpasyahan niyang sa iba nalang sil ani Rhoanne mamasyal. Total napuntahan naman niya ang lugar na to, kaya meron siyang ideya kung saan ipapasyal ang nobya. Maghahanap din siya ng magandang lugar upang makapagpropose dito. At kung wala man ay sa susunod na lugar nanaman. Pero kailangan na niyang gawin ito sa madaling panahon, baka kung ano pang gawin ni Glea sa kanila.
"Hon.. Saan tayo?" Tanong ni Rhoanne sa kanya. Kabababa lang nito sa elevator mula sa kanilang floor.
"We will tour in our own.. Masyado na kasing crowded kapag sa tour bus tayo.. tsaka di natin masyado maenjoy..." Wik ani Aaron.
" Okay sige.. Ikaw naman ang may alam dito eh.." Aniya.
Kumuha siya ng brochure na nakalagay sa front desk ng barko, para iyon sa mga turistang hindi sasama sa tour bus. Binasa niya ito at tinignan kung anong unang destinasyon nilang dalawa. Kumuha na rin siya ng information tungkol sa mga set ng destination ng tour bus ng cruise para maiwasan niyang magpang-abot ang landas nila ni Glea. Saktong umalis na ang bus nang makababa sina Aaron sa barko, agad na may lumapit na taxi driver sa kanila upang ihatid sila sa gusto nilang destinasyon.
Kumain muna sila ng almusal bago sila namasyal sa buong lugar.
************************************************************
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
Roman d'amourOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...