Going back to Hometown

108 7 0
                                    

OLAH!!! Alam kong marami jan ang nag-aabang sa mga next chapters pa.. sorri po... medyo madami-dami pa ang ilalabas ko bago yung hinintay niyo...

Hi to Ate joy Cabasag, ammy and to all my celltest pips... antay-antay lang po..mahina kalaban at connection..hehehe thanks...

Don't forget po your votes and comments.

**************************************MjBlue (",)***************************************************

**************************************************************************************

MY BOY, MY GIRL (Going back to Hometown )

Nagising si Glea sa mahinang tapik ni Aaron sa kanyang braso. Nakatulog pala talaga siya. Natuluyan ang kanyang kunwaring pagtulog. Nakikita pa niya kanina si Aaron na patingin-tingin sa dibdib niya at panay ang punas ng pawis nito sa noo.

"Nandito na tayo.." Sabi ni Aaron sa kanya.

"Huh? Nandito na pala tayo?" Aniya.

"OO. sarap ng tulog mo eh.. Puyat ka yata kagabi.." Wika nito.

"OO, marami kasi akong tinapos na reports..." Aniya.

"Ganun ba? Wag namang masyadong magpakapagod.." Sabi nito.

" Kailangan ko kasing tapusin kasi may shoot pa ngayon baka di ko magawa.." Aniya.

Nakita na nilang papalapit na si Lance at Andrew sa kotse. Lumabas na agad silang dalawa.

"Glea!! Kumusta ang biyahe? Aaro thank you for bringing Glea here ha..." Wika ni Andrew.

" No probs Drew... " Sagot ni Aaron.

Pangiti-ngiti naman si Lance sa kanila. " Ang tagal niyo ah.." Sabi nito.

"Syempre dumaan pa kami sa bangko eh para kuhanin ang request mo.." Wika ni Aaron.

"Thanks Bro... Alam kong di mo ako matitiis eh.." Aniya.

"Kung di lang yan para sa company di kita pagbibigyan." Sabi nito.

"Well.. I know you will.." Sagot naman ni Lance.

" Siya pano. Alis na ako.. Marami pa akong gaagwin sa opisina..." Paalam ni Aaron.

"Ain't you gonna stay for a while?" Tanong ni Glea.

" OO nga bro.. Meryenda muna tayo.. Meron hinandang meryenda para sa staff diyan.. Meryenda ka muna bago umalis.." Yaya ni Lance.

"Sige na nga.." Sabi ni Aaron.

"Oh Glea sabayan mo nalang muna si Aaron magmeryenda... Ihahanda lang namin ang damit mo at ang set." Wika ni Andrew sabay kindat nito sa kanya.

Ngumiti naman si Glea sa kanilang dalawa. " Okay.. Aaron tara na.." Yaya niya dito sabay hawak sa braso ni Aaron.

"Sige.." Sabi ni Aaron.

Habang naglalakad papuntang snack bar sina Aaron at Glea ay nakangiting pinapanood naman silang dalawa nina Andrew at Lance. Lumingon si Glea sa kanila ay kumindat.

"Bruha!!! " Pabirong wika ni Andrew.

Nagets naman yun ni Glea at tinaasan ng kilay si Andrew. Natawa na lang ang dalawa sa ginawa ng dalaga.

Bumuntong hininga si Lance.. " Tama pa ba tong ginagawa natin Drew?" Tanong ni Lance.

" Well.. Nakatulong naman tayo sa kanya.. And as well as shw is a big help to us.. Hindi lang siya naging modelo natin kundi marami siyang magagandang ideas na naibigay sa atin. Yun nalang muna ang isipin natin..." Ani ni Andrew.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon