A/N
Binilisan ko na to kasi alam ko inaabangan to ng mga friendship.. Hahaha... Enjoy Reading po...
Ciao!!!
--MjBlue
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Late nang nakauwi ng bahay si Glea nag-extend kasi siya sa opisina upang tapusin ang presentation na iprepresent niya sa board kinabukasan. Bumili nalang siya ng ulam sa tindahan dahil pagod na siyang magluto. May konti pa namang kanin na tira niya kaninang umaga.
Pagpasok niya ng gate napansin niyang bukas ang ilaw sa loob ng bahay.
"Di ko ba napatay ang ilaw kaninag pag-alis ko?" Tanong niya sa sarili.
Deretso siya sa may pintuan. Nang pinihit na niya ang door knob, bukas ito. Sigurado naman siyang nilock niya ito bago umalis kanina. Nang tuluyan na siyang pumasok...
"Babe?" Usal niya. Si Rhoanne nakatulog ito sa Sofa.. Malamang nakatulog ito sa kahihintay sa kanya. Lumukso ang kanyang puso nang makita ang babae. Di naman ito nagsabi sa kanya na uuwi pala ito. Sinabiniya ito two weeks ago na magbabakasyon siya pero hindi naman niya inisip na ngayon na ito darating. Lumapit siya at lumuhod siya sa gilid ng sofa upang maabot niya ang mukha ng babae. Hinalikan niya ito sa pisngi, sa ilong at sa labi. Saka ito nagising.. Pagmulat niya mukha agad ni Glea ang nakita niya. Ngumiti ito nang napakatamis..
"Babe..." Sabi nito.
"Hmmm.. kaw ha.. Akala ko pinasok na tayo ng magnanakaw..." Aniya.
"I planned to surprise you kaso nakatulog ako sa paghihintay sayo... Tagal mo namang umuwi babe.." Reklamo nito.
"Kailangan ko pa kasing tapusin ang iprepresent ko bukas sa meeting eh..." Aniya.
"Naghanda akong food, im sure kasi gutom ka naa..." Wika nito.
"OO nga babe eh.. bumili na nga lang akong ulam dahil pagod na akong magluto.. Buti nalang nandito ka.." Sabi nito. Inalalayan ni Glea si Rhoanne na bumangon at niyakap naman siya nito.
"Babe.. I miss you so much.." Sabi ni Rhoanne.
"Namiss din kita babe...Sobrang-sobra.." Aniya.
Sabay halik sa noo, ilong at labi ng babae.
'Uhmmm... Babe.. Tara na baka di ka pa makakain.." Wika nito.
"Hahaha... Parang ayoko na nga eh.." Aniya.
"Baliw!!! kaw talaga babe.. kain muna..." Sabi niya.
"Hmm... Tara na nga kain na tayo.." Yaya ni Glea.
Dalawang buong linggo ang bakasyon ni Rhoanne sa kanila. Ni hindi man lang ito umuwi sa bahay ng kanyang mga magulang at iginugol lang ang dalawang linggo kay Glea. Niloloko pa siya ng mga kaopisina niya dahil masayahin siya ngayon sa trabaho niya..
"Uyy.. Alam namin yan... Masaya ang pare.. Umuwi si Jowa!!!" Wika ng isang kasama nila.
"Syempre naman pre.." Aniya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...