And oh im faster now... Medyo malayo-layo na rin to...
Hi to my celltest friends... Yung sumusubaybay nito...
Happy reading po.. Pavote..thanks...
MjBlue(",)
-__-##-__-##_~~~~~~~=====~~~||||***********~~~~~~~~~~|||~=======~~~~~~~~==========~~~~~~*******
MT GIRL, MY BOY
"Glea! GLea! Gising na nandito na tayo." Pukaw ni Andrew sa kanya.
Napabalikwas si Glea. " Oh GOD!! Thank you... Panaginip lang pala ang lahat.." Aniya.
"Umuungol ka kanina ah.. masama panaginip mo?" Tanong nito.
"OO Drew.. masama.. pero panaginip lang yun... " Aniya. Lalong simidhi ang galit niya kay Rhoanne dahil sa panaginip na yun.
"Kahit sa panaginip Rhoanne, sinasaktan mo ako..." Aniya sa sarili.
"Napagod ka lang siguro kaya ganun ang panaginip mo.. Wag mo nang isipin yun kung ano man yun... Bumaba na tayop dito at excited na akong sumakay sa sea monster na yan.." Sabay turo ni Andrew sa barko.
Nalula si Glea sa laki ng barkong sumalubong sa kanyang paningin. Ito ang unang beses na makakita siya ng malaking barko, at napakaganda pa nito. Ni sa panaginip hindi niya akalaing makasakay nto, gawa nang wala naman siyang ganun kalaking pera para sumakay dito. Kung kaya niya lang sanang dalhin ang pamilya niya at iparanas din sa mga ito ang sumakay ng barkong ganito. Kaya hindi niya masabi-sabi sa kanyang nanay na sasakay siya sa cruise ship dahil ayaw niyang makaramdam ito ng ingit pati a ang mga kapatid niya.
"Absolutely marvelous, fantastic, beautiful!!!" Wika ni Andrew habag pinagmamasdan ang malaking barko.
"Yeah.. sobrang ganda... malaki pa sa mall.. grabe ang laki.. ang ganda!!!" Wika naman ni Glea. Saglit niya tuloy nakalimutan ang dahilan ng pagsakay niya sa barkong ito.
"Welcome to Royal to Royal Carribean international. Kindly repare all you passes and passport to avoid the delay of boarding. In about 3 hours the cruise will leave the place, kindly sittle in your respective cabin your belongings first before roaming around the ship. Food's in different cuisine is all time ready for your convinient meal at any time you like. Thank you for choosing Royal International Carribean Cruise. We hope you will enjoy the cruise." Narinig nilang wika ng crew na nagaannounce.
"Tara na pila na tayo nang makagala na tayo sa loob ng heganteng sea monster na yan.." Yaya ni Andrew.
"OO, let's go.." Excited na sabi ni Glea.
Medyo mahaba ang pila dahil late boarding time na silg dalawa nakarating doon. Ngunit dahil mabilis ang mga crew kaya hindi naman sila nainip sa pagpila. Napansin naman ni Glea na may mga Filipinong crew naman pala sa barkong iyon. Narinig niya kasi itong nagsalita ng tagalog, nang napadako ang tingin ng mga ito sa kanila ay nginitian niya ang mga ito. Nang nasa malapit na sila ay binati sila nito ng tagalog.
"Welcome po sa Royal Carrbean cruise mam.. sir.. sana po mag-enjoy kayo sa cruise niyo.." Wika ng isang pinoy na mas malapit.
"Yeah.. sigurado akong mag-eenjoy ako.." Sagot naman ni Andrew. Napansin ni Glea na napapacute ito, may mga hitsura kasi ang mga pinoy na crew.
"Sigurado po kami niyan..." Sagot naman ng isang lalakeng nakangiti sa kanila.
Ngumiti si Glea sa kanila. " Ang swerte niyo naman araw-araww kayong nakasakay sa malapalasyong barko na ito." Sabi niya.
"Hahaha.. trabaho po kami mam.. Hindi po katulad ng sa inyo, sumakay kayo para mag-enjoy. Kayo po ang maswerte." Sagot naman ng isang babaeng crew.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomansaOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...