Hi po sa lahat.. Happy reading...
Dont forget po your votes and comments.. Need ko po un.. Tnx...
##--########-----#-_#----- MjBlue(",)
Naawa si Emma kay Lance, dahil hindi nito nahabol si Glea, hindi tuloy ito nakapagexplain sa nakita niya. Hindi rin naman kasi niya sinasadya yun, akala niya ay ang kapatid niya yun pala ay si Glea iyon. Halata niyang nagulat si Glea sa nakita niya, bakit nasa room siya ni Lance at nakatapis lang ng tuwalya, iisipin nun na may nangyari sa kanila ni Lance. Di bale makakahanap din siya ng timing para magpaliwanag kay Glea.
Nagpaalam na sila kay Lance dahil 9:30 na.. Kasama niyang naglalakad ang kanyang kapatid. Hindi na nila kailangan pang sumakay dahil kaya naman lakarin ang hotel kung saan sila nag stay. Marami pa naman bukas na tindahan, hindi yata natutulog ang mga tao dito. Habang naglalakad silang dalawa ay may nakita si Emma na dalawang taong kalalabas lang ng restaurant.. Malayo pa ito pero nakilala na niya agad.. Napahinto siya... Noong una ay magkalayo ang dalawa, hanggang sa magkalapit, hanggang sa magkahawak na ng kamay.. Nakita niyang umakbay si Aaron sa babae, tumingala ang babae sa kanya at hinalikan niya ito... Maya-maya ay tumigil na sila sa paglalakad at hinarap na siya ng babae . Matagal na naglapat ang kanilang mga labi.. Nakayakap sa batok niya si Glea at sa beywang naman si Aaron.
"Damn it Aaron!!!" Galit na usal ni Emma. Naglakad siya patungo sa dalawa...
"Ate.. " Gusto siyang pigilan ng kapatid niya..
"Wag mo akong pigilan.. Kailangan maalala ng Aaron na to na meron siyang girlfriend sa PIlipinas...
Nang malapit na siya sa kanila.. Huminto siya.. Nagngingitngit talaga siya pero pinigilan niya ang sarili...
"TSK!! TSK!!TSK!!! Truly it's said.. While the cat is away the mouse will play.." Bigla siyang nagsalita.
Nagulat namana ng dalawa at agad nagkalas...
"Ems? You're here?" Tanong ni Aaron..
"Yes Aaron.. From that moment you went out of that restaurant until you are kissing her.. Nandito lang ako.. nanonood sa inyo.. What a disgusting scene..." Aniya.
"Ems.Let me explain.. It's not what you think..."
"Na ano? Na niloloko mo ang kaibigan ko?" Ani Emma.
Si Glea naman ay mataray ang ngiti... Natatitig lang ito kay Emma na galit na galit.
"Anong nginingiti-ngiti mo Glea? Natutuwa ka sa ginawa mo?" Baling ni Emma sa kanya.
"Bakit Emma? Since when did you have the right to tell someone when to smila and not?" Mataray na sagot ni Glea sa kanya.
"Hah!!! Alam mo Glea? kung patuloy kang ganyan.. Hindi ka magiging masaya sa buhay mo.. OO nasasaktan mo sila... Subalit mas sinasaktan mo ang sarili mo..." Lumapit si Emma kay Glea at bumulong.. " I know who you are and I know what you are doing.." Sabi nito sa kanya.
Natigilan si Glea. Nawala ang kaninag ngiti sa kanyang labi. Napalitan ito ng galit... Diyata't sinabihan siya ni Lance tungkol dito..
"Ikaw Aaron.. Kung ayaw mo na sa kaibigan ko.. sabihin mo.. hindi yung niloloko mo yung tao... Huwag mong hintayin na ako mismo ang magsasabai kay Rhoanne." Sabi niya kay Aaron.
Nanlaki ang mata ni Glea sa narinig niya.. Magkaibigan si Rhoanne at Emma? Alam kaya niya ang tungkol sa kanilang dalawa..
" O bakit parang gulat na gulat ka?" Mahinang tanong sa kanya ni Emma... " NOw Glea.. get off withAaron bago pa niya malaman ang balak mo..." Wika ni Emma.
Ngumiting muli si Glea.." Dare me Emma!!!" Wika ni Glea. " Baka gusto mo pati si Lance agawin ko sayo.. I can do that.." Sabi nito sa kanya.
"Hahaha!!! You see Glea, I don't care.. Lance is different from what you think at hindi siya papatol sa taong may galit sa mundo.." Wika nito sa kanya. " Kahit na gaano kapa ka ganda.. Pangit ka pa rin dahil sa kung ano ang nasa puso mo.. Hatred, bitterness and anger." Sabi ni Emma sabay alis sa harap niya.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...