The Good news

50 4 0
                                    

Thanks for reading..please dont forget to vote..thank you..

MjBlue (",)

************************************

Kumkain si Lance kasama ang kanyang kaibigan na nakasalubong niya sa barko. Sa gilid ng kanyang mga mata, nakikita niya si Glea at Andrew habang kumakain, nagtatawanan ang mga ito. Sa katapat na table naman ay si Aaron na patingin-tingin lang sa kanila.

Nakaramdam ng pagkairita si Lance sa galaw ni Glea na parang inaakit si Aaron. Halos gusto na niyang hilain ito papalayo doon.

Maya-maya'y umalis na si Andrew at iniwan si Glea. Agad namang lumipat sa table ni Aaron si Glea, hindi niya marinig ang usapan nila subalit ramdam ni Lance na kakaiba ito. maya-maya ay tumayo ang dalawa at hila-hila ni Glea si Aaron.

Gustong sumunod ni Aaron subalit may kasama siya at nahihiya naman siyang iwanan ito. Mabuti na lamang at nauna na itong matapos kumain at nagpaalam na sa kanya. Niyaya siya nitong mamasyal sa labas, pero tumanggi siya. Umalis naman na ito agad habang siya naman ay agad na sinundan ang dalawa. Naabutan niyang nagsusunggaban ang dalawa at naghihipuan. sa isang madilim na parte ng barko na walang masyadong dumadaan na mga tao. Aninag niya ang dalawa at rinig niya ang ungol ni Aaron.

Hindi na niya kinaya pa ang kanyang mga naririnig, hindi niya napigilan ang sarili at naibato niya ang kanyang bitbit na lata ng oke na kanina'y iniinom niya.

Nagulat si Glea at tiningnan kung anong kumalampag sa likuran niya. Palinga-linga siya sa paligid, ngunit maganda ang pagkatago ni Lance. Maya-maya'y tinalikuran na niya ang lalake.

Inis na inis naman si Aaron nang umalis na rin mula doon. Napangiti si Lance, alam niyang nabitin si Aaron.

"Sana magtanda na siya... Alam kong hindi ibibigay ni Glea ang kanyang pagkababae sa kanya.." Aniya sa sarili.

Umalis na rin siya doon at naisipan niyang magpahangin nalang sa itaas ng deck ng barko. Wala siyang ganang mamasyal sa dinaungan nila, dahil nakailang balik na siya sa lugar na yun.. Kundi man tungkol sa trabaho.. Minsan pinapasyal niya ang kanyang ina.

Kumuha siya ng maiinom sa wine bar na nakapwesto din sa taas at pinagkasya ang mga mata sa panonood ng magandang tanawin mula sa mga nagkikislapang mga ilaw sa syudad ng lugar.

Nakaisang oras na rin siya doon at napansin niyang lagpas alas-otso na pala. Tahimik ang barkko, dahil karamihan sa mga pasahero ay bumaba upang mamasyal. Namataan niya ang isang babae na nakatayo sa unahan. Nakilala niya agad ito..

"Rhoanne..." ANiya.

NIlapitan niya ito at mula sa likod ng babae ay nagsalita siya.

"Why are you here? Bakit di ka namasyal?" Tanong niya.

Napakislot ang babae dahil medyo nagulat ito sa biglang pagsalita niya. nang lumingon ito...

"Lance?" Nagtatakang wika nito.

Nakangiti siya dito. Wala naman siyang problema kay Rhoanne dahil mabait naman ito sa kanya at wala itong kasalanan sa kanya, kaya dapat maayos lang din ang magiging pakikitungo niya dito. Isa pa baka ito na ang makatuluyan ng kanyang kapatid kailangan niyang maging atease sa babae.

"Yes.. Bakit nag-iisa ka lang Rhoanne? Nasaan si Bro?" tanong niya.

"Nandito ka pala? Bakit di ka man lang nagpakita sa amin?" Wika nito na hindi sinagot ang tanong niya.

"Ayokong istorbohin kayo... Binigyan lang ako ng break ng kompanya kaya naisipan ko na ring sumakay dito. Matagal na tong binigay sa akin, kaso wala pa akong time... Nasaan si kuya?" Tanong niya ulit.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon