Tama na ang narinig ni Jewel para makapagdesisyon siyang umalis. Wala sa sariling malakas ang pagsara niya ng pinto pero wala na siyang pakialam. Halos kinakapos siya sa paghinga sa sakit ng kanyang dibdib, parang sasabog ang kanyang ulo. Mabilis niyang nakuha ang kanyang luggage at sinalampak ang lahat ng kanyang damit. Kailangan na niyang makaalis at hindi na niya kaya pang manatili sa bahay na yun. It's enough!
" What are you doing?" Tanong ng lalake pagkapasok sa kanilang silid.
" I'm leaving..." sagot niya.
" But why? Jewel wag mong gawin to ngayon ha, may mas importante pa akong aasikasuhin.." Naiiritang wika ni Arnold habang nilalabas naman nito ang pinapasok niyang damit sa bag.
Tinapon ni Jewel ang hawak na damit sa dibdib ni Arnold.
" YUN NA NGA EH!!!! Meron kang importanteng gagawin! Ayoko nang makaabala pa sa'yo, wala naman akong kwenta diba? I'm just a some shit you take with you to place somebody elese. And now that you already have find her, I can now just get the hell away from you which i'm doing now and you don't need to push me!" Galit na wika ni Jewel.
" ANong? Anong ibig mong sabihin Jewel?"
" Damn you Arnold! Tanga ka ba o nagtatanga-tangahan? O wait.. Hindi pala... Ako pala itong tanga... Shit oo nga ako pala itong TANGA!! Tanga na naniniwalang mamahalin mo rin ako... Alam mo ang sakit eh! Naniwala na ako eh! Naniwala na ako na mahal mo ako... Yun pala nakita mo lang si Glea parang nabalewala na ako... Nawala lahat ang sinabi mo! Yung sinabi mo nung dumating tayo dito, yung narinig ko mula sa mga bibig mo na sinabi mo sa tita Cory mo! Shit! Sana di na lang ako umasa, di nalang ako naniwala. HIndi sana magiging ganito kasakit ito ngayon! SHIT! SHIT! SHIT!" Galit at umiiyak na pahayag ni Jewel.
" Jewel.. It's not what you think it is..." Akmang lalapit si Arnold sa kanya ngunit mabilis na umiwas si Jewel at hinila ang kanyang luggage at bag.
" No Arnold, hindi na ako magpapabilog pa. I quit being your poster wife!" Wika ni Jewel sabay mabilis na lumabas sa kwarto.
Pagbaba niya ay nakaabang ang tiyahin ni Arnold.
" Jewel... Where are you going?" Nagtatakang tanong nito.
" Away tita, away from your nephew." Sagot ni Jewel sabay mabilis na lumabas ng bahay hila-hila ang luggage.
Pilit siyang pinipigilan ni Arnold ngunit hindi na siya nakinig pa dito. Nakiusap siya sa driver na ihatid siya kahit sa lugar lang na may taxi para makapunta siya ng airport. Tumango naman si Cory at agad na tumalima ang driver para ikarga sa kotse ang gamit ni Jewel kahit na nagtatalo pa ang dalawa.
Mabilis na sumakay si Jewel sa kotse at inutusan ang driver na umalis na kaagad. Walang nagawa si Arnold kundi ang tanawin nalang ang pag-alis ng asawa. Bumaling siya sa kanyang tiyahin.
" Di mo man lang ako tinulungang pigilan siya." Wika niya dito.
" It's your fault Arnold, wala kang isang salita..." Wika ng kanyang tiyahin sabay talikod sa kanya.
*****************************************
Isang malakas na sampal ang natanggap ni Lance mula sa ina ni Glea. Hawak siya ng dalawang malalaking tao, duguan ang kanyang mukha dahil nakipaglaban siya sa mga ito ngunit nagulpi lamang siya ng mga ito. Lumalabas na ang dugo sa kanyang bibig at pumutok ang kanyang labi. Sarado ang silid kaya't walang makakakita sa mga nangyayari sa loob. Halos nanlalabo na ang kanyang paningin dahil sa ilang beses tamaan ang kanyang mata sa mga kamao ng dalawang lalake. Hindi siya sanay sa suntukan dahil hindi naman siya basag-ulerong tao.
" How dare you kidnapped my daughter?!?" Galit na wika ni Janice.
" Hindi ko siya dinukot, tumakas siya mula sa'yo!" Wika ni Lance.
PAAAAk!!!
Isang malakas na sampal nanaman ang ginawa sa kanya ni Janice.
" Hindi ako makakapayag na ang isang katulad mo ang iibigin ng anak ko! Mga dugong demonyo!"
" Bakit sa ginawa mong ito, hindi ka ba naiiba sa demonyo?"
" Shut up Mr. Villamor! Kahit na ano pa ang sasabihin mo ngayon, I will take my daughter with me, at hinding-hindi ka niya makikita pa!" Wika ni Janice.
" You can't do this to us, mag-asawa na kami..." Wika ni Lance.
" NO WAY!!! Hindi ako makakapayag! If I have to kill you I will! Mawawala ka lang sa buhay ng anak ko!!!"
Walang malay sa mga nangyayari si Glea dahil ang tinurok sa kanyang gamot ng doktor ay magpapahimbing ng kanyang tulog. Iginapos si Lance ng mga tauhan ni Janice at isinilid sa isang malaking itim na bag. Hindi niya alam kung saan siya dinala ng mga ito dahil bago siya ipinasok sa bag ay isang malakas na suntok sa tiyan ang ginawa sa kanya sanhi ng pagkawala niya ng malay.
*****************************************************
Please don't forget to hit the star... Tnx.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomantizmOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...