Ang Kasunduan

32 2 0
                                    

Last part for this night..bukas ulit..goodnyts pips...ciao!!

Maingat na ipinarada ni Glea ang kotse sa parking lot nila. Meron pang ibang kotse sa mansion ngunit mas gusto niyang gamitin ang katulad ng dati niyang kotse dahil gamay na niya ang pag gamit nito. Gusto ng mama niya na gamitin niya yung pinakamagandang nabili nitong kotse, ngunit para sa kanya ay para ano? Baka maibangga niya lang sayang pa.

KInuha niya ang nabili niyang cake saka lumabas ng kotse. Nadaanan pa niya ang dalawang kapatid na naglalaro ng basketball.. Tinawag siya ng mga ito.

" Sali ka sa amin.. Di ka na nakakapaglaro kasama kami ah.." Wika ng kanyang kuya Glenn.

"Sige kuya ,magbibihis lang ako.." Aniya.

Nagmadali siyang pumasok ng mansion dahil gusto niya ring sumali sa paglalaro ng basketball. Naabutan niya sa sala ang kanyang mama kasama ang kanyang inay. May isa pang taong pamilyar na kasama ang mga ito.. Saglit siyang nag-isip at naalala niya ito.

Ito yung tinatawag ni Lance na yaya Soleng.. Nagtataka siya kung bakit narito ito ngayon sa mansion nila... Habang masayang nag-uusap ang mga ito ay lumapit siya upang magmano sa dalawang ina.

" Anak nandito ka na pala.. " Pansin ng kanyang mama.

" OO ma.." Aniya habang ang kanyang mata ay nakatingin kay Soleng.

" Naalal mo pa siya?' Tanong ng kanyang inay.

" Ah oho.. Siya po ang yaya ni Lance.." Aniya.

Nanlaki ang mata ng ng dalawa niyang ina.. " Naalala mo?" Sabay na tanong nito.

" OO naman po.. Inimbitahan kasi ako ng mga Villamor na magluch some weekend kaya nagkita na po kami... Di po ba ikaw yung nagluto ng masarap na spaghetti?' Tanong ni GLea.

" Ahh.. OO ako nga.." Sagot ng bginang.

Nagkatinginan si Janice at Alma ang akala nila ay may naalala si Glea sa kanyang pagkabata.

" Bakit po kayo narito? Magkakakilala pa ba kayo?" Tanong ni Glea.

"Ah.. OO.. matagal na kaming magkaibigan ng mama at nanay mo Glea.. Hindi ko nga akalaing sila pala ang inay at mama mo..." Anito.

"Ako nga rin po eh.. O sige po akyat muna ako.. Magbibihis lang ako.. May laro kami nila kuya... Excuse po sa inyo ha.." Paalam ni Glea. Ibinigay muna nito ang cake na dala sa isang kasambahay nila at agad nang umakyat.

Pinagmasdan lang siya ng tatlo habang umakyat.. Nagkatinginan silang tatlo pagkatapos.

" Wala talaga siyang maalala.." Malungkot na turan ng matanda.

" Pasensiya na kayo... Kahit ako.. Sinubaybayan ko ang paglaki ni Glea wala talaga akong napansin na may naalala siya... Minsan iniisip ko paano kaya kung sabihin ko nalang ang totoo sa kanya.. Pero nadala din ako ng takot na baka magalit siya eh.." Ani Alma.

" Hayaan mo na ate.. Ang mahalaga natanggap na ni Glydel ang katotohanan tungkol sa pagkatao niya.." Aniya.

"Inaalala ko lang si Lance.. Hanggang ngayon umaasa pa rin siyang maalala ni Glydel ang pangako nila sa isa't-isa." Ani Yaya Soleng.

" Aong pangako?" Tanong ni Janice.

" Na si Glydel lang ang mamahalin ni Lance at gayun din si Glydel kay Lance.. Noog bata pa sila bago mawala si Glydel ay nangako sila sa isa't-isa.." ANito.

" Hindi maari!" Biglang sabi ni Janice..

" Bakit Janice?" Tanong i Soleng.

" HIndi maaring maalala ni Glea yun.. Dahil ikakasal siya kay Arnold.. Nakalaan silang dalawa na magpakasal.. Yun na ang usapan namin ng ama ni Arnold.." Ani Janice.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon