He's Here

25 3 0
                                    


Helloooo po.. Pasensya na sa taunan kong update, sana po okay lang kayo..hahaha susubukan ko po na tapusin ito.. Wag po kayong mag-alala at malapit na rin itong matapos... Maraming salamat po sa pagtatiyaga nilaga...


Ciao (",)

******************************************************************************

Masayang nagkakamustahan ang magtiyahin habang kumakain. Maraming tanong ang kanilang Tita Cory tungkol sa madaliang pagpapakasal ng dalawa at may himig tampo pa ito dahil hindi siya naimbita. Ngunit nang pinaliwanag ni Arnold ang dahilan ay naunawaan naman nito.

" Siyanga pala, sinong babae naman ang ipinagkasundo ng ama mo sa iyo? Malamang mayaman din ang babaeng ito?" Tanong ni Cory.

" ANak po ng kaibigan ni dad, I don't know kung kilala mo siya pero I think nagkakilala ma kayo one of our gatherings here before..." Ani Arnold.

" Talaga? Tell me hijo, Who is it? " Interesadong tanong ng kanyang tiyahin.

" Anak po ni Tita Janice, Yung college friend ni dad..."

" What's her name?"

" Ng anak niya? Glea po tita, originally Glydel..." Sagot ni Arnold.

"God!!" Nanlamig ang kamay ni Cory sa kanyang narinig, magkatugma ang kwento ni Lance at Arnold. Ibig sabihin iisang babae lang ang tinutukoy ng kanyang pamangkin.

" Tanong ko lang hijo, if you happen to see her anong gagawin mo?"

" Nag-asawa na po ako tita, tsaka umalis siya kaya't ibig sabihin lang nun na ayaw niya talaga sa akin. Mahal ko po ang asawa ko kaya kung magkita man kami, she's free wala naman kaming commitment sa isa't-isa. " Wika ni Arnold.

Para namang dinala sa langit si Jewel sa mga narinig niyang sinabi ng kanyang asawa. Ngayon niya napatunayang totohanan na ang pag-aasawang ito. Naramdaman na lang niya ang marahang pagpisil ni Arnold sa kanyang kamay at nang lingunin niya ito ay sumalubong sa kanya ang napakatamis na ngiti nito sabay mabilis na hinalikan ang kanyang labi.

" SIYA! Ipagpatuloy na natin ang ating pagkain at nang makapagpahinga na kayong mag-asawa."

Hindi malaman ni Cory kung sasabihin sa pamangkin na ang nasa ospital ay ang babaeng kinwento niya kanina. Kasama ang kanyang kapatid. Alam niyang may hidwaan ang mga ito bagama't di pa man nagkikita sapagkat alam niya ang mga pinagdadaanan ng mga ito. Dahil sa maling kwento na ipinamulat sa kanila ng kanilang magulang.

******************************************************

Pinagamit kay Arnold ang isang kotse ng kanyang tiyahin para sa pamamasyal nilang mag-asawa. Napangiti siya nang lingunin ang asawang tuwang-tuwa sa kanilang mga magagandang tanawing nadadaanan.

" Masaya ka ba?" Tanong niya dito.

" Yup..." Nakangiting sagot nito sa kanya.

" I'm glad you are... " Aniya.

" Hon, daan muna tayong drugstore bili lang ako ng anti-allergy baka kasi manibago ako sa klema dito. " Ani Jewel.

Pumarada si Arnold sa harap ng isang pharmacy at si Jewel na ang pumasok sa loob habang siya naman ay naghihintay sa kotse. Patingin-tingin lamang siya sa mga dumadaan nang may nakita siyang pamilyar na lalakeng dumaan sa harap ng sasakyan.

" Lance?"

Nakita niyang pumasok ang lalake sa isang malaking ospital katapat ng pharmacy na pinasukan ni Jewel. Bigla siyang kinutuban at agad siyang bumaba sa kotse para sundan ito. Saktong pasakay na ng elevator si Lance nang mahanap niya ito sa loob. Dahil mag-isa lang itong pasahero ay binantayan niya kung saang floor ito tumigil at agad siyang sumakay sa kabilang elevator para sundan ito.

Nakarating siya sa 11th floor ng ospital, nakita niya na ito ang lugar ng mga pasyenteng nakaconfine sa hospital na yun. saktong paglingon niya sa isang pasilyo ay nakita niya si Lance na papasok sa isang private room. Nagmamadali siyang puntahan ang kwartong iyon upang malaman kung sino ang pinuntahan ng lalake. Kakaibang kaba kasi ang kanyang naramdaman nang makita ang lalake, nawawala si Glea, nasa France si Lance hindi kaya't may alam siya kung nasaan si Glea?

*****************************************************************************

Inabot ni Lance ang gamot ni pinabili ng nurse sa kanya sa pharmacy dahil hindi ito available sa pharmacy ng ospital. Nilingon niya ang kanyang asawang natutulog. Ilang araw na nila itong kinukumbinsing magpaopera subalit matigas ang disisyon nito.

" Ayaw mo na ba akong makasama?" Tanong niya sa asawa.

" Gusto kong makasama ka pa ng matagal, having the operation will just risk my life at ayokong mapadali ang mga araw ko. I want to make the most of it. Let's just get out of here and live noormally.. Ayokong magpaopera." Wika nito.

" But I can't bear looking at you in pain kapag inaatake kana na, di ko kaya... Ayokong magtiis ka sa sakit mas gusto kong ako na lang ang masaktan wag nalang ikaw.." ANi Lance.

" Kaya ko pa... PLease let's just get out of this place..." Wika nito.

Kinausap niya ang doktor at pinayagan silang makalabas sa isang araw, may ipapadala lang itong mga gamot incase na sumakit ang ulo nito pero iisa pa rin ang suggestion ng doktor. Operation.

Kay Lance, di bale nang mawala ang memorya ng asawa mailigtas lang ito. Ngunit paano niya ito makukumbinsi?

" Lance may sasabihin pala ako sa'yo..." Untag ni Tita cory sa kanya.

" Ano yun tita?"

" Your brother is here in France, dumating sila sa bahay nung araw ng kasal niyo. HIndi ko sinabi sa kanya na nandito ka kasama si Glea. HIndi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi na lang and just keep it from him." Wika nito.

" Hindi na kailangan tita... " Biglang nagsalita sa may bukana ng pintuan.

Sabay na napalingon ang magtiyahin.

" ARNOLD? " 


**********************************************


Dont forget to hit the star... Thanks...

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon