Hiiiii... happy reading po sa lahat...
please dont forget to vote..thank you..
MjBlue (",)
*******************************************************************************
Habang abala sa pag-aaway ang dalawa ay inayos ni Glea ang hitsura at umalis na sa kwartong yun. Habang nasa elevator siya ay tawa siya ng tawa sa nangyari.
"Ngayon Rhoanne.. Sabihin mo sa akin kung gaano kasakit ang malamang may ibang kinalolokohan ang mahal mo.. HAHAHA!!! Amanos na tayo Rhoanne.. " Aniya.
Pagdating niya sa kanyang department naabutan niyang kumakain na ang kanyang mga tauhan. " O kumusta kayo diyan? Sige kain lang ano pang gusto niyo? Ice cream.. Gusto niyo ng ice cream? " Tanong niya.
" Glea meron pa namang natira dito sa binigay mo itodito ko nalang kunin ang pambili ng ice cream.." Wika ni Jewel.
" O sige kayo na ang bahala Jewel.. ubusin niyo yan.. Let's celebrate!!!" Masayang sabi ni Glea.
"Maraming salamat mam Glea.. Maraming salamat..." Wika ng kanyang mga tauhan.
"Wala pong anuman.. Gift ko sa inyo yan.. for being a good staff, pinakamagaling na department.. " Aniya
Lingid sa kaalaman ng kanyang mga staff iba ang ipinagdiwang ni Glea. Tiyak na maghihiwalay na ang dalawa at tiyak na nagdurugo ngayon ang puso ni Rhoanne. Pumasok na siya sa kanyang opisina habang ang mga ito'y nagsasaya.
Nagring kaagad ang kanyang teleono. Si Aaron ang tumawag.
"Glea... We just broke up... Sinuli na niya ang singsing na binigay ko sa kanya as engagement... Inamin ko sa kanya ang nararamdaman ko sayo.." Wika ni Aaron.
Napangiti si Glea sa narinig. Tagumpay ang kanyang ginawa. " So I guess I made it easier for you then..." Aniya.
" I just can't really stop myself.. You're always on my mind every tick of the clock... I long to hold you and to hug you... I don't understand but I am so enchanted by you..." Wika ni Aaron.
"Libog lang yan... Manyak ka kasi eh!!!" Gustong sabihin ni Glea pero pinigilan niya ang sarili. " Ohhh.. Nakakataba naman ng puso ang sinabi mo... But yeah.. I know you can't resist me Aaron... My body that you longed for.. magiging sayo na rin ito... " Sabi ni Glea.
" I can't wait to have you all the way Glea... All of you..." Wika ni Aaron.
"Manyak ka talaga!! Saksakan ng pagkamanyak!!!" Sa isip ni Glea. " Uhmmm.. Aaron marami pa kasi akong gagawin.. Ill call you later na lang ha..." sabi niya.
"Can I wait for you mamayang uwian.. Sabay na tayong umuwi..." Sabi nito.
"In case you forgot.. I have a car.. And wag muna nating ishow ngayon ha.. Masyado pang maaga... kakabreak niyo lang ni Rhoanne... Pahupain muna natin ang issue." Wika ni Glea.
"Ahh... okay.. sige maghihintay nalang ako kung kelan pwede.. But i guess pwede naman tayong makapagsneak diba.. I can even go to your unit...Walang makakakita sa atin..." Anito.
"Uhmmm... My family is currently at my unit.. They're having a vacation." Sagot ni Glea.
"Ah ganun bah? Sige na nga maghihintay na nga lang.." Anito.
"Don't worry it wouldn't be long..." Sabi ni Glea. At nagpaalam na siya sa lalake at madami pa kamo siyang gagawin.
Humahalakhak naman si Glea pagkababa niya ng telepono. " Ngayon Aaron, it's your time to feel pain..HAHAHA!!!" Wika ni Glea.
BINABASA MO ANG
My girl, my boy
RomanceOnce a girl with the heart of a boy... Victim of natural instances in love.. Brokenhearted... Driven with anger she wants revenge... But what if upon her revenge reveals the real of what she is? Is she going to accept it? Turn her back, fight or let...