Curiousity

25 5 0
                                    

Haaaist... Advance happy valentines nalang po sa lahat... Waley tayey kadeyt eyh!!! Trabaho nalang muna..hikhikhik as always... Sanayan lang dre!!! Icancel na kasi yang valentines sa calendar...nakakagloomy ng day... #bitternessattack...

God bless everyone...

MjBlue(",)

*#*#*#*#*##**$$


Out of curiousity.. Pumasok si Lance sa opisina ng daddy niya upang maliwanagan ang kanyang isipan.. Merong opisina ang daddy niya sa bahay nila at doon yun namamalagi kapag nasa bahay..

" Dad.. Can I disturb you for a while?" Tanong niya.

" Sure hijo... ANo yun?" Anito.

" Dad I had a lot of questions in my mind.. Simula pa noong bata pa ako.. I wondered so much what had happen.. Now that i'm at the right age.. siguro naman dad.. I deserve to know..." Wika ni Lance.

" Know about what Hijo?"

"Dad pwede mo bang sabihin sa akin ang dahilan ng kaguluhan noong birthday ko.. Before Glydel had a heart attack.. Before mom stormed away and before the shouting? Kasi after nun.. parang nagbago ang lahat.. may mga nawala... Malungkot... Not to mention Glydel... bakit di na niya ako kilala.. bakit wala na siyang maalala?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Lance.

Matamang nakatitig si Mariano sa kanyang anak-anakan... maya-maya'y tumayo ito.. " Come with me hijo.. Let me show you something..." Sabi ng matanda at lumabas sila ng opisina.

Sumakay sila ng kotse at binulungan ni Don Mariano ang driver. Agad namang pinaandar ang kotse.

"This would be a hard revelation Hijo...pero i guess tama ka... May karapatan kang malaman ang lahat..." Anito.

Dumating sina Lance at daddy niya sa isang lumang bahay. Naalala niya, ito ang dati nilang bahay nung bumalik sila galing sa states. Tumingin siya sa katapat na bahay, doon ang bahay nina Glea dati pero ngayon isa na itong malaking grocery store. Napag-alaman niya dati na ibinenta na ito ng mama ni Glydel.

"Halika sa loob Lance.." Tawag ng daddy niya.

Agad naman siyang sumunod sa ama. Maayos pa ang mga gamit sa bahay... Hindi ito ipinagbili ng kanyang ama dahil ancestral house ito. Ayaw lang kasi dati ng kanyang mama na tumira dito... Hindi niya alam kung bakit. Pero kung siya papipiliin mas gusto niyang tumira sa lumang bahay...

Bumaba sila sa basement at namangha siya sa mga gamit doon. Mga lumang gamit na maayos pa ang pagkakalagay. Nagmumukhang museum ang basement nila. Malinis pa rin ito.

"Everyweek meron akong pinapapunta dito upang maglinos. These are out precious belongings na hindi ko pwedeng pabayaan lang. Baang araw ibibigay ko sayo ang pangangalaga dito." Wika ng kanyang Daddy.

"Dad... Hindi naman..."

"Lance, the day I changed your last name to mine.. You are my son... " Wika nito.

"Thanks dad..." Aniya.

tumungo ang kanyang daddy sa isang malaking drawer at may kinuha itong malaking frame.

Nanlaki ang mata niya sa nakita niya sa larawan...

Inabot sa kanya ang frame at nilapag niya ito sa table. Humila siya ng upuan at ganun din ang kanyang ama.

"Kelan to dad?"

Makinig ka Lance... Isasalaysay ko sayo ang lahat upang maintindihan mo..." Anito.

*********************************************************************************

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon