Her New Life

36 6 0
                                    

Happy valentines po sa mga nagcecelebrate ng valentines...sa wala... Happy new year nalang...tsk!

MjBlurrrrrrr(",)

Tahimik na nakaupo ang dalawang anak na lalake ni Alma na si Glenn at Allen sa sofa habang si Alma naman ay nakatayo at nakaharap sa kanila... Si Cesar naman ipinasok muna si Glea sa silid. Kakadischarge lang ni Glea sa hospital pagkatapos masiguro ng doktor nito na maayos na ang kalayagayan nito.

"Mga anak.. Makinig kayo sa sasabihin ni mama..." Wika ni ALma.

" ANo po yun ma?" Tanong ng dalawa.

"Walang maalala si Glydel kahit na ano sa kanyang nakaraan, kahit na ang kanyang pangalan ay hindi niya alam. Ngayon... nasa panganib ang kanyang kalagayan... Kaya simula ngayon hindi na siya si Glydel na pinsan niyo kundi siya na ngayon si Glea na bunso niyong kapatid." Wika niya sa mga ito.

" Pero ma.. HIndi ba magagalit si Tita Janice nito? Alam ba niya ang tungkol dito? Nasaan ba si Tita Janice?" Sunod-sunod na tanong ni Allen.

Bumuntong hininga si Alma. Hindi niya alam kung nasaan na si Janice, wala siyang balita kung nahanap naba ito nina Daniel, pero nananalangin siya na sana ay makita nila ito.. Patay man o buhay.

"Alam ng tita Janice niyo ang tungkol dito... Ang hindi ko lang alam kung nasaan na siya ngayon... Mapanganib kung magkakasama pa sila ni Glydel kaya minabuti niyang ipaubaya sa akin ang inyong pinsan... Kaya simula ngayon.. Ituring niyo nang kapatid... Bunsong kapatid si Glea at walang dapat makaalam nito kundi tayong apat lang." Wika ni Alma.

" Opo ma... Masusunod po ang gusto niyo..." Wika ng dalawa.

Nakahinga ng maluwag si Alma nang matapos niya itong sabihin sa dalawang anak. Lumabas naman si Cesar sa kwarto ni Glea.

" Kumusta? Di pa ba nagigising?" Tanong niya sa asawa.

" Wala pa.. Hayaan muna natin siya.. Kailangan niyang makarecover ng lakas... Siyanga pala sa susunod na linggo lilipat na tayo ng lugar... Nadistino ako sa isang probinsya... Mainam na yun para mapalayo naman si Glea dito... " Wika ng asawa.

" Mabuti nga yon Cesar.. Ang inaalala ko lang kung paano kung makabalik sina Janice dito.. Paano nila tayo hahanapin..." Wika ni Alma.

"Wag kang mag-alala.. Ibinilin ko na sa opisina na kapag ang kapatid mo ang magtanong ay sabihin kung nasaan tayo..." Ani Cesar.

Mabuti na lamang at kaunti lang ang gamit nila kaya hindi sila nahirapang magligpit. Meron naman din kasing pabahay sa kanila doon sa lilipatan nilang lugar at may mga gamit na rin ito. Namangha pa si Alma dahil may kalakihan talaga ng bahay, tig-iisang silid ang kanyang tatlong anak at isa sa kanila, meron pang nakalaan para sa mga bisita.

" Dito na tayo magsimula ng bagong buhay Alma... Mamumuhay tayo dito ng tahimik at masaya.." Wika ni Cesar.

"Magkikita pa kaya kami ng kapatid at mama ko Cesar?" Tanong niya dito.

" Hindi ko yan masasagot Alma, pero siguro balang araw magkikita-kita din kayo... Sa ngayon ang isipin nalang natin ang pamilya natin.. Palalakihin natin ang ating tatlong anak nang maayos at mabuti..." Ani Cesar.

" Oo Cesar... " Sang-ayon ng Alma.

"Mama...Papa..." Narinig nila ang munting tinig ng kanilang pangatlong anak na si Glea.

" Uy anak... Kumusta ang silid mo? Nagustuhan mo ba?" Tanong ni Alma.

" YEs mama... I like it.." Sagot nito. Lumabas naman ang dalawang lalake..

" O ano okay lang ba sa inyo ang bahay natin?' Tanong ni Cesar.

" Okay lang po ma, pa.. Basta magkasama lang tayo.." Wika ni Glenn...

"Tama... At saka maayos si Bunso... Diba Glea?" Tanong naman ni Allen.

" I'm fine..." inosenting sagot ni Glea.

" Tara na sa loob, naghanda ako ng pagkain bilang pag-celebrate natin sa bagong bahay natin..." Yaya ni Alma.

Sabay na silang pumasok sa loob ng bahay... Desidido na si Alma at Cesar na palakihin si Glea bilang kanilang anak na bunso.

*******************************************************************************

Natapos na rin ang kasal ni Janice at Daniel.. Dinaluhan lamang ito ng mga piling kaibigan ni Daniel sa Australia... Mahina pa rin ang kanyang mama, nakawheelchair lang ito at may private nurse dahil hindi pa halos ito makilos nang siya lang. Meron din kasi itong mild stroke, pero sinigurado naman ng doktor na maayos din ito through therapy at gamot. Mahal ang gastusin ng pagpapagamot ng kanyang ina at inako lahat ito ni Daniel... Maswerte si Janice sa kanya dahil bukod sa mayaman at gwapo ito ay napakabait nito sa kanila.. kaya niya mahal na mahal ang lalake. Meron itong Shipping lines na naglalawig sa iba't ibang parte ng mundo, at nagmamay-ari rin ito ng tatlong cruise ships isa na dito ang Royal Carribean International Cruise. Bukod pa dito ay may ibag negosyo rin ang lalake mula pa sa pamilya nito na bukod tanging siya lamang ang tagapagmana dahil solong anak lang siya. She seem to have everything she wanted... Pero may kulang pa ri.... Ang anak niya... Gusto niyang makita ang kanyang anak...

"You're thinking about her again hon?" Tanong ni Daiel sa kanya.

" I just can't help it hon.. I turst my sister but I just wanna see her... " Wika ni Janice.

" Well... I thought you've already sent someone to look for them..." Ani Daniel.

" Yeah.. But He hasn't found them yet..." Malungkot na wika ni Janice.

Niyakap siya ng asawa at hinalikan sa noo... "We will find them hon.. we will..." Wika ni Daniel.

Ilang buwan na paghahanap ng inutusan ni Janice ay nahanap nila kung nasaan ang kanyang kapatid.. Agad na bumalik ng Pilipinas si Janice at pinuntahan ang lugar kung nasaan sila... Nasa malayong probinsya ang pamilya ng kanyang kapatid... Nakasakay siya sa iang tinted na kotse at nakaparada sa harap ng bahay ng kapatid.. May kalakihan naman ang kanilang tinitirhan at mukhang maayos naman ang kanilang lagay. Maya-maya'y lumabas ng bahay ang kanyang kapatid kasama ang tatlong bata dalawang lalake at si Glydel... Masaya ang mga ito.. nakikita niya sa mukha ni Glydel ang bakas ng kasiyahan. Maya-maya'y pumarada ang isang kotse, nakita niya sa driver's seat ang asawa ng kapatid na si Cesar... Mukhang aalis at magsisimba ang mga ito.

Tumulo ang luha ni Janice, gusto niyang lumabas ng kotse at yakapin ang anak.. Pero masaya na ito at ayaw na niyang guluhin ang utak nito.. baka bumalik pa ang sakit... Isa pa.. Nalaman niya kay Yaya Soleng na patuloy pa rin ang pagpapahanap ni Theresa sakanyang anak at desidido pa rin itong ipapatay si Glydel kaya mas mainam nang hindi sila magkasama ng kanyang anak ngunit ligtas mula kay Theresa kaysa mapahamak ang kanyang anak.

Meron nalang siyang tinawagan sa Telepono... " Hello?.. Yes I found them already... Ibibigay ko ang kanilang address... You give my the right job for her... ako na mismo ang bahala sa salary... And make sure of the safety of her family... " Wika ni Janice.

Pagkatapos nun ay umalis na siya sa lugar na yun at bumalik na sa Australia. Palagay na siya sa kalagayan ng kanyang anak... Ang alam ni Theresa ay nasa Australia siya kasama si Glydel.. Ang hindi niya alam ay nasa Pilipinas lang ito kasama ang kanyang kapatid.

" I'll see you again my baby.. In the right time... Mama love's you so much.." Ani Janice habang pinapanood ang kotseng sinakyan ng anak papalayo. Nagtayo ng negosyo sa Pilipinas ang kanyang asawa at kasosyo nito ang kanyang kaibigan na si Rodolfo Jacinto, kaya ipapasok niya ng trabaho ang kapatid. Isa kasi itong freelance web developer... At gusto niyang lihim na tulungan ang kapatid.. Mas mabuti nang wala silang komunikasyon upang hindi sila mapaghinalaan ni Theresa.

Isa na lamang ang gagawin niya ngayon, ang paghihiganti niya sa kapatid ni Theresa.. Kailangang mahuli ito ng pulis... Sabi ng kanyang asawa gagamitin niya lahat ng koneksyon niya upang mahuli ang lalaking nagpasakit sa kanya at nagtatangkang patayin ang kanyang anak.. Ipapakita niya sa Theresa na iyon na hindi siya magtatagumpay sa balak niya.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon