Family First

30 6 0
                                    


Tulugan na after this... Goodnight po..

MjBlue(",)

***********************************************************************

Bumalik na sa trabaho si Rhoanne, suportado naman siya ng kaibigang si Emma, lagi siya nitong chinicheck kung maayos lang ang pakiramdam nito, Hindi na rin nagparamdam sa kanya si Aaron at yun ay kahit papaano ay tanggap na niya.. Kahit man nalulungkot siya sa ginawa ng lalaki ngunit natutunan na rin niyang tanggapin na wala na itong pakialam sa kanya at sa magiging anak nila.

Naging maayos naman ang kanyang trabaho kahit na buntis siya, palaging nandoon para sa kanya ang dalawa niyang kaibigan. Yun ang malaking pagpapasalamat niya dahil hindi siya iniwan ng mga ito. Gayun din naman si Glea, kinakamusta naman siya nito. Dinalaw na rin siya ni Lance at may dala itong mga gamit para sa bata at sa panganganak niya, nag-abot din ito ng pera sa kanya.. Ayaw niya sana itong tanggapin dahil kaya naman niyang buhayin ang sarili ngunit namimilit ito kaya tinanggap nalang niya. Napag-usapan ulit nila ang tungkol kay Glea..

" Kelan mo balak sasabihin sa kanya ang totoo?" Tanong ni Rhoanne sa lalake.

" Hindi ko alam.. Kasi ngayon she's on leave.. Kasama niya si Andrew, hindi ko alam kung nasaan sila ngayon.. Ayaw namang sabihin nung bakla." Ani Lance.

"Hahaha baka nagbonding lang... Anyway maraming salamat dito sa pinamili mo para kay baby ha.. ANg bait naman talaga ni uncle... Mas excited pa kay sa tatay ng baby.." Wika ni Rhoanne.

Sumeryoso ang mukha ni Lance..
"Rhoanne.. Okay ka na ba talaga?" Tanong nito.

"Kung ang tanong mo ay tungkol sa nararamdaman ko.. Aaminin ko Lance.. malungkot ako sa nangyari.. naiwan kami ng baby ko, after niyang magpropose sa akin sa cruise, pagbaba namin wala na... Pero tanggap ko na yun lahat Lance.. Desidido na akong palakihin ang anak kong mag-isa." Pahayag Rhoanne.

" You have my support Rho, pamangkin ko rin yan... Somehow I still have responsibilities on him because of the absence of his father." Ani Lance.

" Salamat Lance.." ANiya.

*****************************************************

Ilang araw na ring ginugol ni Glea sa mansion kasama ang kanyang pamilya. Araw-araw ay palagi silang nag-bobonding.. Picnic, beach. Lalo na nang dumating ang kapatid ni Glea na kambal. Kilala siya ng mga ito, madali naman niyang nakapalagayan ng loob ang dalawa, malambing ang mga ito sa kanya lalo na ang babae. Marahil ay nauuhaw din sa kapatid na babae.

Inilibot sila ni Janice sa buong lugar, isang hacienda pala ang pinagdalhan sa kanila, at ito ay pag-aari ni Janice.

" Para sayo ang lahat nang ito anak.." Wika ni Janice sa kanya habang nililibot nila ang lugar.

"Ma... May mga kapatid po ako.. Kaya amin ito.. Atin..." Aniya.

" Hindi anak.. Para talaga sayo ito... Ang dalawang yan ay may nakalaan para naman sa kanila sa Australia.. Lahat ng ito ay ipinundar ko nilaan ko para sa iyo... Malaki ang pagkukulang ko sayo anak.. kahit sa ganitong paraan ko nalang punan ang ang pagkukulang ko sayo."

" Ma you don't need to.. You have a reason bakit mo ginawa yun... So you don't have to be guilty.." Ani Glea.

Umupo sila sa may ilalim ng puno ng mangga nang makita nilang dumating si Arnold, lulan ito sa kanyang dark blue na kotse. Nang lumabas ito sa sasakyan ay agad itong kumaway sa kanila...

" Anak... anong masasabi mo kay Arnold?" Tanong nito.

' Mabait naman po.." Aniya.

" Gwapo pa kamo..." Dagdag ng kanyang ina.

My girl, my boyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon